Quielle
Pabaling-baling ako sa kama dahil hindi ako makatulog. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari sa patio. Hindi ako makapaniwala! Si Sandro…na halos hindi ko nakakausap ay nakahalikan ko!
It wasn’t even my first kiss but it entirely dominated my mind!
Hinawakan ko ang necklace na ibinigay niya sa’kin. I knew it’s not some piece of fashion jewelry. Nang i-search ko sa Internet ang presyo nito, halos malula ako sa nakita.
Aabot nang anim na numero ang presyo nito!
Bumuntong-hininga ako habang nilalaro ng hinlalaki at hintuturo ko ang perlas nito. Ipokrita ako kung itatanggi kong hindi ko nagustuhan ang halik niya. It was hot and addicting. Hindi katulad sa mga halik na naranasan ko noon, ito, parang nakakabuhay ng dugo, na kapag nagtagal sa isip ko, hahanap-hanapin ko.
But why did he do that? May gusto ba siya sa akin?
I assessed my feelings towards Sandro. Clearly, I don’t like him. He’s always serious and cold. Mukha pang suplado. Hindi ko nga siya makausap, hindi katulad ng ibang mga pinsan niya dahil pakiramdam ko, wala siyang interes na makipag-usap sa akin. Na mapapahiya lang ako kapag sinubukan ko. Kaya hindi ako nagtatangkang kausapin pa siya.
But tonight, it’s not just about talking with him.
We shared kisses! And it’s not just a peck, malalim na halikan iyon. He sucked, bit, and nibbled my lips. I also did the same. I smirk with the thought that maybe he likes me because he kissed me fervently.
Iyon ang naglaro sa isip ko hanggang sa makatulugan ko na iyon.
Hindi ko na ulit siya nakita pagkatapos nang nangyari. Dalawang beses pa akong nakabisita sa mansyon pero lagi siyang wala ro’n. Para akong nanghihinayang. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit. But…I do missed him.
Gusto kong batukan ang sarili ko dahil technically, boyfriend ko pa rin si Quino. Kahit usapan lang naman ‘yon at hindi naman talaga namin gusto ang isa’t-isa. Parang gusto ko na lang umatras. Naguguluhan na ako. Hindi talaga matanggal sa isip ko ang nangyari. Hindi ko na rin matukoy kung ano’ng nararamdaman ko.
Kaya kaysa masiraan ako ng bait sa kakaisip, itinuon ko ang sarili sa enrollment sa kursong kukunin ko.
I was alone when I went to the university I chose. Nangangapa ako sa mga dapat gawin. Ang dami kasing requirements, nakakalito. Iba pa ang pagod na nararamdaman ko dahil sa laki ng university at magkakalayo ang buildings na kailangan kong puntahan.
Ito ang mga panahong kailangan ko ang presensya ni Quino pero wala na siya ngayon. Pumasok na siya sa Academy. He will be spending his time studying and studying only. Hindi raw sila pinapayagang lumabas basta-basta. At kahit ang cellphone, mariin daw nilang pinagbabawal.
Ni hindi na kami nakapag-usap ng maayos. Gusto ko na sanang bawiin yung napag-usapan namin pero lagi kaming hindi nagpapang-abot. Kung hindi siya ang busy, ako naman ang busy sa pagtulong sa karinderya.
Nasa registrar’s office na ako pero ang haba ng pila. I haven’t eaten yet. Ramdam ko na ang gutom at pagod dahil kape lang ang inalmusal ko. Hindi na ako umalis sa pila ko kaninang lunch break dahil baka masalisihan ako. Water is the only thing I could take now. Buti na lang, nagbaon pa ako ng tubig.
Ni-ready ko na ang sarili ko nang makita kong mukhang patapos na ‘yung kasunod kong babae. Mabilisan kong inayos ang sarili. Kinuha ko na rin ang ballpen sa pocket ng bag ko kung sakaling may pipirmahan. Binitbit ko na rin ang envelope kung saan nakalagay ang mga requirements ko. When it’s my turn, mabilis akong humarap sa clerk na naroon.
“Good afternoon po, Ma’am,” magalang na tugon ko sa kausap.
“Good afternoon,” she greeted back. “Registration form mo?”
Mabilis kong kinuha mula sa envelope ang hinihingi niya. Inabot ko iyon agad sa kaniya. Sandali niyang sinuri iyon at nang sulyapan niya ako, awtomatikong napaayos ako sa pagtayo.
“Akin na ang ibang documents mo,” aniya.
Inilabas ko ang natitirang mga dokumento sa envelope ko. Inayos ko na ang mga ito kagabi. Siniguro kong kumpleto para hindi na ako pabalik-balik pa.
Nakangiti akong inabot ‘yon sa kanya. Kaso parang hindi marunong ngumiti ang kaharap ko. Tinanggap niya lang ang mga binigay ko at hindi nakatakas ang pag-irap niya sa akin.
Inisa-isa niyang sinuri ang mga ‘yon. I was hoping that it would pass on her evaluation. Pero parang tinambol ang dibdib ko nang makita ko ang pagkunot ng noo niya.
“Nasaan ang birth certificate mo?” Nakaarko ang kilay niyang nakatingin sa akin.
“P-Po?” Nautal pa ako sa pagsasalita. “K-Kasama po riyan lahat, Ma’am.” Itinuro ko ang kumpol ng papel na ibinigay ko sa kanya.
Umiling siya. “Wala rito.”
“Sandali lang po,” I panickly said.
Binuksan ko ulit ang folder kung saan ko inilagay ang mga requirements ko pero wala nang laman iyon. I started to lose hope. I even checked my bagpack, hoping that it was there kahit alam kong wala akong inilagay n papel roon. Pero wala akong nakita kundi ang cellphone at ang wallet ko.
Bumaling ako sa babaeng medyo may edad na.
“M-Ma’am, nakalimutan ko po yata,” alanganing sagot ko.
“Naku hija,” inabot niya sa akin ang ibinigay kong requirements ko. “Bumalik ka na lang kapag kumpleto na ang mga requirements mo. May checklist ka ‘di ba? I-double check mo dapat ‘yan bago ka pumila.” Mataray na sabi niya.
“Eh Ma’am, chineck ko naman po,” depensa ko sa sarili kahit alam kong hindi niya pa rin tatanggapin ang rason ko. “Ma’am, pwede po bang to follow na lang? Ibibigay ko po bukas!”
Susubukan kong tumawad. Baka maawa pa siya sa’kin.
“Hindi kami nagpo-proseso ng incomplete requirements. Balik ka na lang bukas.”
Parang tumigil ang mundo ko sa narinig. Ano? Babalik pa ako bukas? Last day na bukas! Siguradong mas maraming enrollees ang dadagsa!
I tried my last card. Bahala na!
“Pero Ma’am—-“
“Next!” She said from the intercom, dismissing me from the line.
Bagsak ang balikat kong umalis sa pila. Pagod at dismaya ang lumukob sa buong katawan ko. Para pa akong napahiya sa paraan ng pakikipag-usap niya. I felt small at the moment. At parang maiiyak na ako sa kinatatayuan ko.
I heaved a deep sigh. Ang tanga ko naman para makalimutan ‘yon! I am really sure that I’ve check all of it yesterday! Baka kung saan ko na naman iyon nailapag at inisip kong naisama ko na ‘yon sa folder ko.
Nanghihina akong lumabas sa building na ‘yon. Nanginginig na ako sa gutom. Kinuha ko ang tumbler ko pero nang buksan ko iyon para inuman, wala na palang lamang tubig.
Mas nainis ako dahil hindi ko alam kung saan ako maghahagilap ng pagkain. Hindi ko naman alam kung saan ang canteen dito. Gutom na gutom na ako. Ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko dahil sa gutom. Kaya kahit ang mag-isip, natutuliro na ako.
Nagdesisyon akong lumabas na sa campus. Doon na lang ako kakain sa labas. Hindi ko na inisip kung saang gate ako lalabas kahit marami namang exit points do’n. Basta naglakad na lang ako para makaalis na rito.
Wala sa sariling sinusundan ko ang ibang estudyanteng papalabas na rin tulad ko. The campus I’m in has it’s own traffic system. Sa lawak ng campus na ito, may mga pedestrian lanes at mga guards na gagabay kapag clear na ang daan sa mga sasakyan. Pero dala na rin siguro ng sobrang pagod, hindi na ako nakapag-isip nang bigla na lang akong tumawid sa pedestrian lane.
I heard someone shouted but I didn’t care at first. Nakarinig din ako ng sunud-sunod na busina nang sasakyan. Doon lang napako ang atensyon ko nang lumingon ako sa kanan at nakita ang itim na sasakyan doon. Biglaan ang pagpreno at maingay ang busina nito.
Para akong kandilang natulos sa kinatatayuan. Ni hindi ako umiwas. Tinitigan ko lang ang sasakyan at nakitang bumukas na ang pintuan sa driver’s seat. Doon na ako naging alerto. Nakaramdam na rin ako ng kaba dahil narinig ko ang malutong na pagmumura ng driver.
“f**k! What the hell is wrong with you?! Magpapakamatay ka ba?!”
Tumabi ako sa daan. Gusto kong tumakas pero hindi ko magawa. Nang tingnan ko ang paparating na driver, para akong naginhawaan kahit narinig ko ang sunud-sunod niyang pagmumura.
“Kuya Malchus…” tawag ko sa lalaking paparating.
“Quielle?” Nagtatakang tawag niya sa akin. “What are you doing here?” Bakas pa rin sa boses niya ang iritasyon.
“Nag-enroll ako,” sagot ko kahit hindi naman tinanggap ang application ko. “S-Sorry, hindi kita napansin.”
“Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo,” aniya.
“S-Sorry,” ulit ko. Bahagya akong napaigik dahil naramdaman ko ang matinding pagkulo ng tiyan ko.
“Are you okay? You looked pale.”
Tumango ako para wala nang paliwanag. “Oo,” ani ko. “Sige ah? Una na ako.”
“Teka,” pigil niya sa akin. Hinawakan niya ako sa siko. “Sumabay ka na sa akin. May susunduin lang ako rito tapos ihahatid na kita sa inyo.”
Umiling ako. “Naku hindi na, Kuya! Okay lang ako. Isa pa, out of the way din at may kasama ka. Nakakahiya.” Tanggi ko.
“I insist,” tuluyan niya akong hinila at iginiya sa backseat.
Nagpatianod na ako sa gusto niyang mangyari. Wala na akong lakas para makipag-argumento. Binuksan niya ang pintuan nito at pinapasok na ako roon. When he closed the door, he immediately went inside the driver’s seat.
Medyo naginhawaan ang pakiramdam ko nang kumportable akong naupo sa sasakyan niya. Pero dahil sa lamig ng aircon, mas lalo kong naramdaman ang gutom at ginaw sa loob.
“May susunduin lang ako,” ulit niya. Nagtama ang mga mata namin sa rear view mirror. “Saan kita ihahatid?”
“Sa LRT station na lang, Kuya Malchus.” Sagot ko dahil nahihiya ako lalo’t may kasama siya.
“Sige,” sagot niya.
He maneuvered his car. Sumandal ako sa kinauupuan ko dahil nakakaramdam ako ng pagkaantok. Ipinikit ko ang mga mata ko para ipahinga iyon sandali pero hindi ko inaasahang mapapalalim ang pag-idlip ko.
Nagising na lang akong may mahinang nagtatalo sa loob ng sasakyan.
“Hindi ko naman kasi sinabing sunduin mo ako, Malchus! You don’t have to do all of this!” Narinig ko ang boses ng isang babae.
She sounded irritated but her voice is gentle.
“But I want, too.” Kuya Malchus softly answered. “Gusto kong bumawi—-“
“No need! Okay?”
“Pero wala ka nang masasakyan—-“
“Well, thanks to you ah? Inuto mo ang kakambal ko kaya iniwan niya na ako ngayon sa’yo.”
I heard him chuckle. “She still likes me for you, huh?”
“Well, I don’t like you for myself so no need for you to be gentleman towards me.” Maanghang na sagot niya sa kasama. “And besides,” bahagya siyang napalingon sa likod niya. “Mukhang may kasama ka naman.”
Nagtama ang mga mata namin. I smiled a bit, but I saw her eyes widened in shock. Mukhang nagulat dahil nahuli ko siyang nakatingin sa akin.
Mabilis siyang umayos sa pagkakaupo. Ganoon din ang ginawa ko. Si Kuya Malchus naman, nagbuga lang ng hangin.
“She’s my cousin’s girlfriend, Diona.” Inabot niya ang kamay ng babae pero pasimple nitong inalis iyon sa kanya.
Wow. Mukhang makaka-witness pa yata ako ng lover’s quarrel dito sa loob ng sasakyan. At…wait? May girlfriend si Kuya Malchus?
“H-Hindi naman ako nagtanong,” mahinang sagot ng babae. Kung kanina ay matapang ang boses niya, ngayon, parang nahihiya nang magsalita.
I cleared my throat to get an attention.
“Kuya Malchus, baba na lang ako.”
Umiling siya. “Hindi na, Quielle. Though, I cannot bring you to where you are heading. May susundo sa’yo, siya na ang maghahatid sa’yo pauwi sa inyo.”
“Mag-LRT na lang ako, Kuya.” Sabad ko.
“Hindi na. On the way na rin naman ‘yong tinawagan ko.”
He took out his phone and called someone.
“Where are you?” He paused for a bit. “Yeah,” muli siyang nakinig sa kabilang linya. Tapos ay sumulyap siya sa kanyang side mirror. “I can see you…alright,” sinundan niya ng tingin ang sasakyang huminto sa harap ng sasakyan niya. “Yeah, thanks man.” Then he hung up.
Bumaling siya ulit sa akin. “Quielle, I’m sorry. Ihahatid ko pa kasi si Diona sa Pangasinan. It’s really out of the way.” Hingi niya ng pasensya sa akin.
I shook both of my hands and smiled, telling them that it’s okay and it does not bother me at all.
“Okay lang talaga, Kuya!” Sagot ko.
“Ano’ng ihahatid? Sa terminal mo ako ibaba!” Panlalaban ng isang kasama namin.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Kuya Malchus. It was ridiculous but he mirrored my reaction. Pareho kaming napangiwi. This woman is feisty. Ayaw magpatalo!
Bumukas ang pintuan sa side ko. And I was starstruck at the moment I saw the person who opened it.
“Let’s go.” Si Sandro.
Nagtama ang mga mata namin. I gulped as my breathing hitched when I saw him again unexpectedly. Pinilit kong hugutin ang hangin sa baga ko pero hindi ko magawa dahil sa gulat.
Teka…siya ba ang maghahatid sa akin?
Kuya Malchus chuckled. “Si Sandro na ang maghahatid sa’yo ah? I just can’t entrust you to anyone. Isa pa, mukhang hindi mo pa kabisado ang lugar na ‘to.”
I frowned and looked at Kuya Malchus.
“You are exiting from the entrance gate exclusive only for vehicles. So…yeah, I assumed you’re not familiar yet to this place.”
I sighed. Hindi na ako sumagot. Hindi na ako nakipagtalo dahil totoo naman ang sinabi niya.
Sandro held my elbow gently. “Halika na.”
Tumango ako. Hindi na ako tumutol. I bid my goodbye to them. Sumama na ako kay Sandro.
He took my bagpack from me. Maingat ang mga kilos niya. Pinaubaya ko na ang pagkuha niya sa mga gamit ko at iginiya niya ako sa passenger’s seat ng sasakyan niya. Inilagay naman niya sa likod ang gamit ko. Nang makapasok na siya sa loob, tiningnan niya ako at inabot ang seat belt para ikabit iyon sa akin.
Pareho kaming walang imik. Pero nang lumapit ang katawan niya sa akin para abutin ang seatbelt ko, bumalik sa utak ko ang nangyari sa gabing ‘yon!
‘Yong yakapan at halikan naming dalawa sa patio. Lahat ng emosyong naramdaman ko nang gabing ‘yon. Yu’ng palitan namin ng mga salita. Hindi ko pa nakakalimutan!
After he settled himself, pinaandar niya na ang sasakyan para makaalis kami ro’n.
I closed my eyes and exhaled carefully when I heard my stomach churning. Gutom na talaga ako!
“Where do you want to eat?” He asked me all of a sudden.
Hah? Eat? Akala ko ihahatid niya na ako pauwi?
“Bakit ikaw ang maghahatid sa akin?” Sinagot ko siya ng isa pang tanong.
Tiningnan ko ang itsura niya. Nakaputing dress shirt siya na itinupi ang mga manggas hanggang sa kanyang siko. Humahakab ang mga muscles ng braso niya sa suot niya. The first two buttons of it were already loosened. Mukhang galing pa yata sa opisina nila ito.
“I was attending a meeting near here when Malchus called me.” Sagot niya. “Saan mo gustong kumain?” Ulit niya sa tanong niya sa akin.
Umiling ako. “Sa bahay na lang ako kakain.”
Sandali siyang sumulyap sa akin bago ibinalik ang tingin sa kalsada.
“You looked pale. Narinig ko ang pagkulo ng tiyan mo. Gutom ka na.” Aniya.
“Hah?” Ang lakas naman ng pandinig nito!
He smiled. “Ako na ang pipili kung saan tayo kakain. Samahan mo na rin ako. I haven’t eaten anything yet since breakfast.”
Huminga ako ng malalim ulit nang makita kong ngumiti siya. Madalang ko siyang makitang nakangiti kaya natutulala ako habang tinitingnan ko siya ngayon.
He’s really handsome. I bet every woman I’ll ask will agree to me that he is.
“Ikaw ang bahala,” tanging sagot ko.