Quielle
“Quino,” tawag ko sa kanya.
Sabado nang umaga at nandito kami ngayon sa mansyon ng mga Villanueva. Ewan ko ba kung bakit nagyaya itong si Quino na pumunta rito, eh, wala naman kaming ibang ginagawa kundi mag-cellphone lang.
“Huy, Quino,” muli kong tawag.
“What?” He asked lazily while scrolling his phone.
“Mag-mall na lang tayo,” yakag ko sa kanya dahil hindi ko na matagalan ang boredom dito.
Kung sana ay nagdala kami ng pagkakaabalahan, ‘di ba? Katulad ng pinapagawa ni Miss Castro sa amin na research o kaya…pwede rin kaming mag-swimming dito dahil may pool!
Sayang, ni hindi ako nakagayak ng maayos dahil nagmamadali siyang pumunta rito sa mansyon.
“Mamaya,” he answered.
I pouted. Bored na ako. I rested my back on the sofa and get some throw pillow to hug. Kung wala kaming gagawin dito, baka antukin lang ako!
Umahon ako sa pagkakasandal nang magkaroon ako ng ideya.
“Tara na lang sa park dito! T. natin ‘yung bagong bukas na snack house do’n.”
Umiling siya. Lumabi ako dahil hindi ko na alam kung ba’t kami nandito.
“Bored na ako, Quino,” binitawan ko ang throw pillow at tuluyang humiga sa mahabang sofa.
“Palipas lang tayo ng oras. Mamaya, aalis din tayo.” Sabi niya.
“Ano’ng oras ‘yang mamaya mo?”
He laughed. “You’re so impatient!”
Lumabi lang ako dahil wala naman na akong maisagot. Ayoko nang magsuggest ng mga pwedeng puntahan at gawin dahil magpapalusot lang ulit ‘to!
“Puro ka kasi mamaya eh,” busangot na sabi ko. “Ba’t ka ba kasi nag-aya rito eh wala naman tayong gagawin?”
He pouted. Binitawan na niya ang cellphone niya at inilapag iyon sa center table. He rested his back on the couch he’s sitting. Hindi naputol ang titig ko sa kanya. Pinagmasdan ko siyang nakabusangot tulad
“Bibisita raw sila Tito Apollo at Tita Cassandra.”
Ah
“Hindi mo talaga trip ‘yung tito mo, ‘no?”
Umiling siya at napapikit. “I don’t know why he’s like that. Wala naman akong ginagawang mali pero kung pagsabihan niya ako sa mga bagay-bagay, parang wala akong nagawang tama.”
“Eh ba’t hindi mo isumbong sa Daddy at sa Mommy mo? For sure, ikaw ang kakampihan nila.”
He lazily open his eyes and sighed.
“I did it once but Daddy told me to just shrug it off because we rarely see each other.”
“Oh? Eh si Tita Ellie? Ano’ng sabi sa’yo?”
“You know my Mom, Quielle.” He smirk. “She defends me,” he smiled. “Like you.”
I smiled, too. Mabait naman talaga at malambing si Tita Ellie. Istrikta nga lang pagdating sa mga anak niya. Tito Lucas looks intimidating pero ang totoo niyan, mabait din siya at galante. Naalala ko no’ng 18th birthday ko, binigyan niya ako ng iPad at tumataginting na eighteen thousand pesos. Tapos iba pa ‘yong simpleng celebration sa bahay nila na sinagot niya rin.
Sabagay, ang tagal na ni tatay sa kanila. Ang sabi ni Manang Rita, college pa lang daw si Tito Lucas ay sa kanila na ito nagtatrabaho.
Kaya malapit sa akin ang pamilya nila. Hindi ako kailanman tumanggi kapag may mga simpleng pasuyo sila sa akin.
Kahit ano sigurong hilingin nila sa akin, hindi ako tatanggi.
Nalipat ang atensyon naming dalawa nang makarinig kami ng mga yabag sa pathway. Mukhang may pupunta rito. Pero habang papalapit ang mga yabag niya, bigla akong kinutuban.
Siya ba ‘yon? Ano’ng ginagawa niya rito?
Agad akong umiwas ng tingin at nag-isip ng pwedeng gawin. Inabot ko ang phone ko para lang matuon doon ang atensyon.
“What are you doing here?”
Hindi ko siya tiningnan kahit nagsalita siya. Kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang buo at mababang boses niya. Hindi ko alam kung ba’t lagi akong natataranta kapag nandyan siya. Sa lahat ng mga pinsan ni Quino, sa kanya lang ako nakakaramdam ng ganito. Pakiramdam ko, ayaw niya sa presensya ko.
“Good morning, Kuya Sandro!” Bati ni Quino. “Tambay lang kami, Kuya. Aalis na rin kami mamaya.”
“Kayong dalawa lang?” He asked again.
Why does he sounds indifferent? Parang hindi ko gusto ang tono ng pagtatanong niya. Or…is it just me? Baka nababaliw lang ako.
“Yeah,” si Quino.
Mga ilang segundo siguro bago siya nagsalita. Hindi ko naman makita ang reaksyon sa mukha niya dahil hindi ako roon nakatingin!
“You want to join me for breakfast?” Sandro asked again.
Gusto kong bulungan si Quino na tanggihan niya alok ng pinsan. Parang hindi ko yata kayang kumain habang kaharap ko siya. Baka mabulunan lang ako.
“Quielle?”
Nanlaki ang mga mata ko nang tawagin niya ang pangalan ko. Mabilis pa sa alas kwatro ang paglingon ko sa kanya. Saka ko lang napansin ang hitsura niyang mukhang bagong gising; puting sleeveless shirt at gray na sweatpants. Pinaresan lang iyon ng pambahay na sapin sa paa.
Kitang-kita ang muscles niya sa braso! Pati ang tshirt niya, fit na fit sa katawan niya!
Quielle! Ano ba! Tumigil ka nga!
“A-Ahm…”
Kinuha ni Quino ang kamay at hinila ako patayo. Kitang-kita ko ang disgusto sa mga mata ni Sandro nang hawakan ni Quino ang kamay ko.
“Sure, Kuya!” he tugged my hand. Napunta sa kanya ang atensyon ko. “Dito na lang tayo kumain tapos magsine tayo mamaya.”
Tumaas ang isang kilay ko. Wow ah? Kanina lang, tinatanggihan niya ang mga alok ko sa kanya. Ngayon, siya na ang nagdesisyon kung saan kami pupunta.
Nauna si Sandro na umalis doon. Well, kasunod lang naman niya kami sa likod niya, ilang hakbang lang ang pagitan namin. Quino’s still holding my hand while talking to his older cousin.
‘Yon nga lang, nagiging magulatin ako kapag nasa paligid ko lang ang pinsan niyang ‘to.
Nilingon niya kami mula sa likuran niya. Hindi ko alam kung ano’ng pumasok sa isip ko’t natataranta akong bumitaw sa pagkakahawak ni Quino. I saw him looking at our hands. Hindi nakatakas sa akin ang nakakalokong ngisi niya at…disgusto sa kanyang ekspresyon.
Ba’t pakiramdam ko parang nakagawa ako ng kasalanan at nahuli ako?
He resumed from walking na parang walang nangyari.
“Manonood kayo ng sine mamaya?” Sandro asked.
“Oo, Kuya,” si Quino ang sumagot.
“Kayo lang?”
Curious ba siya? Kanina tinatanong niya kung kaming dalawa lang ba sa patio. Ngayon, pati sa pagsine, tatanungin niya rin.
Gusto ba sumama nito?
Pwes kung gano’n, uuwi na lang ako!
Narating namin ang loob ng mansyon hanggang sa dining area. Tiningnan ko ang mesa. May mga pagkain na roon. Nakahain na pala sila pero para sa isang tao lang.
“Millet, sasabayan nila akong mag-breakfast.” Ani Sandro.
Tumango ang babae. “Sige, Sir. Maghahain ako.”
Nauna siyang umupo. Sumunod lang kaming dalawa ni Quino. Nasa kanang bahagi kami ni Sandro at pinili kong sa tabi na lang ni Quino maupo.
“Are you okay?” Quino whispered.
Tumango na lang ako para wala nang ibang tanong pa. Aksidente kong binalingan si Sandro. Nahuli ko siyang nanggaling ang tingin sa amin at iiling-iling pa.
Mas lalo akong kinakain ng hiya sa hindi ko malamang dahilan.
Pagbalik ni Ate Millet, may bitbit na siya na mga plato at kubyertos. Tahimik niya iyong inihain sa amin. Nang mailapag niya ang plato sa harap ko, I looked at her and smiled.
“Thank you, Ate.” I said.
She smiled, too, and left us.
Pero bago siya tuluyang umalis doon, binalingan niya si Sandro.
“Sir, umalis na pala ‘yong bisita niyong babae,” aniya.
Quino chuckled. “Kaya ba dito ka natulog, Kuya?”
He smirked. “Stop being nosy, Joaquin. Baka kung ano’ng isipin ng kasama mo,” biro niya sa katabi ko.
So…may babae siyang kasama kagabi? Hindi naman ako inosente kaya imposibleng walang nangyari sa kanilang dalawa.
Sinubukan kong sulyapan siya pero agad din akong nagbawi ng tingin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya!
Ramdam ko ang init na gumapang sa pisngi ko! Siguradong pulang-pula iyon. Inabot ko ang pitsel na may lamang tubig at sinalinan ang baso ko para makainom.
Tahimik lang akong kumain. Doon ko na lang itinuon ang atensyon ko habang silang mag-pinsan ang nag-uusap.
Pati yung mango juice na naihain kanina sa mataas na pitsel, naubos ko yata.
“Quino, refill ko lang ‘to.” Hawak ko na ang pitsel at akmang tatayo na.
Tumango. “Okay.” Then he smiled a bit.
“Huwag na, I’ll call someone to do that.” Si Sandro.
Hindi lang naman dahil sa paubos na ang juice kaya ako nagpresinta sa pagre-refill. Gusto ko ring huminga dahil pakiramdam ko, ang bigat ng presensyang dala niya sa akin.
“Ah, eh… ako na po. Madali lang naman ‘to. Excuse me,” paalam ko para magpunta sa kusina.
Binagalan ko ang kilos ko papunta sa kusina. Ngayon ko lang narealize na limitado ang naging kilos ko. Puro kain lang, dire-diretso pa. Saka ‘yong mango juice, naka dalawang baso na ako.
“Aray,” sapo ko sa tiyan ko.
Pero dahil may ibang pakay pa ako sa kusina, sandali kong ininda ang sakit.
Nilapag ko ang pitsel sa counter table. Binuksan ko ang ref at hinanap ang karton ng mango juice. Pero nahahati ang atensyon ko dahil sa patuloy na pagkirot ng tiyan ko.
Ano bang nakain ko? Yung bacon and egg, okay naman. Yung stir fried rice ayos din naman. Hindi naman lasang panis. Ba’t sumasakit ‘tong tiyan ko?
“Asan ba ‘yon?” Bulong ko.
Malamig sa mukha ang hanging bumubuga sa ref pero ramdam ko ang pawis na namumuo sa tiyan ko. Hindi naman ako najejebs pero ayan na, nadagdagan na ang sakit doon.
“Asan ba kasi—“
“Ano’ng hinahanap mo?” May nagsalita sa likod ko.
“Ay shet!” Gulat na bulalas ko.
Agad akong lumingon sa likuran ko at nadatnan doon si Sandro! Kanina pa ba siya diyan? Parang kabute naman ‘tong susulpot kung saan!
“Kanina ka pa ba diyan?” Hindi ko napigilan ang sariling mainis dahil sa nangyari.
Pero agad ko ring sinaway ang sarili dahil sa paraan ng pagtatanong ko sa kanya.
His lips parted. He blinked twice as he looked at me. Hindi ko alam kung ano’ng iniisip niya pero hindi ko na inintindi ‘yon.
“Sorry, nagulat yata kita.” Aniya.
Obvious ba? Pero hindi ko na isinatinig ‘yon.
“O-Okay lang po,” I backed down. “‘Yong mango juice po, hinahanap ko.”
Muli kong hinarap ang ref para ipagpatuloy ang paghahanap. Ngayon, mas naging alerto ang mga kilos ko dahil nandito siya ngayon.
“The white carton,” aniya. “The one with a white lid,”
Itinuro niya iyon sa akin. Mas ramdam ko ang presensya niya dahil lumapit siya sa akin para ituro iyon.
Ang bango niya. Amoy bagong ligo. Amoy-panlalaki at mukhang mamahalin ang shower gel na gamit niya. Naamoy ko na ito minsan, eh, noong sinama ako minsa ni Quino sa mall para bumili ng toiletries niya.
Agad kong kinuha ‘yon at isinara ang juice.
“Thank you po.” I said.
Baka sabihin niyang wala akong galang, eh. Mainit pa naman ako sa mga mata nito.
“What’s your perfume?” He asked.
“Huh?” Takang tanong ko. Bahagya kong kinamot ang sentido ko para isipin kung tama ba ang pagkakarinig ko sa tanong niya. “A-Ano lang ‘to, ahm…baby cologne.”
He smirked. “Saan mo nabili? Ano’ng brand?”
Huh? Ano raw? Ba’t niya tinatanong? Pambabae ‘tong baby cologne na gamit ko. Para saan ang pagtatanong niya?
“You smell good…” dagdag niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Inamoy ba niya ako?
Tumikhim siya. “I mean…it smells good,”
Bakla ba ito? Pero imposible. Babaero raw ‘to eh.
Oh baka naman ipanreregalo sa chiks niya?
Eh mumurahin lang ‘to!
“Ano lang ‘to , K-Kuya Sandro…’yung mumurahing cologne lang sa grocery.”
Tumaas ang isang kilay. “What did you call me?”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Halla, may mali ba sa sinabi ko? Baka ayaw niya g kinu-kuya siya? Dapat yata, ‘Sir’ pa rin ang tawag ko sa kanya dahil anak pa rin ako ng isa sa mga tauhan nila.
“Sorry, S-Sir Sandro.” Mahinang sabi ko.
Lalong nangunot ang noo niya. “Oh, kanina, ‘kuya’ ang tawag mo sa’kin. Ngayon naman, ‘sir’ na?”
He crossed his arms like a boss waiting for a answer to his slave. Nakatayo lang ako roon, hindi ko alam kung paano pa kikilos ng maayos. Kinakabahan at natataranta ako. Wala na rin sa ritmo ang paghinga ko.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa kaba. Sumasabay pa ang kirot sa tiyan ko. Nangangati na rin ako at parang…ayan na!
Mabilis pa sa alas kwatro ang kilos ko. Inilapag ko sa counter ang karton ng juice at tinakbo na ang kung nasaan ang lababo. Mabuti na lang, tinutop ko agad sa bunganga ko ang palad ko kaya napigilan ko ang pagkalat ng suka ko.
“What the hell…” I heard from behind.
But I didn’t mind, though. Sunud-sunod ang pagsuka ko. Ramdam ko ang pag-init ng katawan ko at bahagyang pagsikip ng paghinga ko.
I felt someone pooled my hair and rub my back. It was Sandro. Inayos niya ang nakalugay na buhok ko para hindi iyon mapunta sa harap. Patuloy siya sa paghagod sa likod ko hanggang sa humupa ang pag-susuka ko.
Nakakahiya! Sobrang kalat ng lababo nila. Dapat pala sa banyo na ako nagtungo.
“Are you alright?” He whispered.
Tumango ako. Agad akong nag-ayos ng sarili. Mabilisan ang mga kilos ko. Pati ang lababo, nilinis ko rin agad.
Itinigil na rin niya ang ginagawa sa akin kaya nagawa kong makalayo sa kanya. Kumuha ako ng kitchen tissue at ipinunas sa labi ko. Nang makapag-ayos na ako ng sarili, lumapit siya sa akin.
Hinawakan niya ang braso ko. Hindi pa ako nakakabawi, hinawakan niya rin ang leeg ko! May sinisipat siya roon na hindi ko alam kung ano. Pero ako, hinayaan ko lang dahil mabilis ang naging kilos niya.
“Namumula ka, Quielle. Do you have allergies?” Aniya.
Pinagpatulo niya ang pagsisipat sa kaliwang braso ko.
Tumango ako. “Shellfish. Pero matagal na yung atake ko. K-kumakain na nga ako ng g-ganun, eh.” Then, I coughed.
Umiling siya. “It can reoccur if triggered. May hipon ang stir fried rice na kinain natin.” Hinawakan niya ako sa aking palapulsuhan. “Let’s go to the hospital.” At hinila ako palabas ng kusina.
Gusto kong magprotesta. Pero naisip kong baka tama rin siya.
“Nahihirapan na akong huminga,” ani ko.
He hissed a cursed. Mas nagmadali ang mga kilos niya. Nang marating namin ang dining area, nagtatakang tumayo si Quino.
“Quielle, what happened?” Nag-aalalang lumapit si Quino sa akin.
Hindi na ako nakasagot. Sumunod na siya sa amin palabas roon.
“I’ll bring her to the hospital, Quino. Call Manong Roy, too.”
“W-What? Okay, okay.” Natatarantang sagot niya sa pinsan.
Nag-ipon ako ng maraming hangin sa katawan. Pero kahit ang hangin, ayaw na pumasok sa ilong ko. Barado na. Kaya sa bunganga na ako humihinga.
“How’s your breathing?” Nilingon niya ako, hawak pa rin sa aking kamay.
“Mahirap,” tanging sagot ko.
Kinuha niya ang susi sa driver at ginamit na ang family car na naroon. Mabilis niyang kinausap ang driver bago niya ako pinapasok sa loob no’n.
“S-Si Quino? Hindi sasama sa atin?” Takang tanong ko.
Pero nang tingnan ko siya, salubong na ang magkabilang kilay niya.
“Focus on your breathing and stop looking for your boyfriend.” He said darkly before he roared the car’s engine and drove swiftly.
Natigilan ako ro’n bago napagtanto ang sinabi niya.
Boyfriend ko si Quino? Kanino niya nalaman ang fake news na ‘yon?