CHAPTER 2

2443 Words
Quielle I was rushed to the ER. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang ospital kung saan isa ang mga magulang niya sa may-ari nito. Kaya nang makita nila si Sandro, agad ang asikaso nila sa amin. “She’s fine now, Sandro.” Narinig kong sabi ng doktor habang nakahiga ako sa kama. “Nagreseta ako ng ilang gamot para kung sakaling umatake ulit ang allergy niya, may maiinom siya agad. Pwede mo na siyang iuwi maya-maya kapag bumuti na ang pakiramdam.” “Thank you, Tito Cholo.” He chuckled. “Nagulat nga ako nang itawag nila sa aking nandito ka nga sa emergency room. I thought it was Annika you brought in…” he glanced at me before he looked at Sandro again. “Girlfriend mo?” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Agad kong binalingan si Sandro na ngayon ay bahagyang natawa sa tanong ng kakilala. He looked at me. Then shook his head. “You know me, Tito Cholo.” Nasabi niya. Tumaas ang isang kilay ko. Buti naman at klinaro niya. Pero…bakit pakiramdam ko parang may kung anong bumundol sa parte ng isip ko? “I should attend to other patients. Maiwan ko na kayo rito.” Ani ng doktor sa kanya. Sinulyapan din ako ng doktor na iyon. I smiled because I felt my dry throat couldn’t even voice a a simple thank you. Nang mawala sa paningin namin ang doktor, lumapit sa akin si Sandro at naupo sa upuan doon. “How are you feeling?” He asked. “Okay na po ako,” sagot ko. “Pwede na po tayong umuwi mamaya?” Balik-tanong ko sa kanya. Tumango siya. “Quino called Manong Roy but he can’t come here now. Pinagda-drive niya ngayon si Tito Lucas papunta sa isang event. Ang nanay mo ang pupunta rito.” I sighed. Nai-imagine ko na naman ang mahabang litanya ni nanay sa akin pag-uwi. “Salamat po, Sir,” sabi ko. Kinamot niya ang sintido niya na parang namomroblema. Pinagmasdan ko siya. At natanto ko ngang…gwapo siya. “Let’s…talk,” aniya at hinarap ako ng tuluyan. Isinandal niya ang magkabilang siko sa gilid ng kama ko habang mataman siyang nakatingin sa akin. Bigla akong na-conscious sa sarili. Baka may natirang bakas pa ng suka ko kanina. Pasimple kong kinapa ang mukha at ng masigurado kong wala naman, ibinaba ko ang kamay ko at tumango sa sinabi niya. “Bakit?” “Ano’ng tawag mo sa mga pinsan ko?” “Huh?” Tumaas ang isang kilay niya. “Ano’ng tawag mo kay Annika?” “Ate Annika,” sagot ko. “Kay Malchus at Marthina?” “Gano’n din,” nagtatakang sagot ko. “Kay Yael? Ganoon din ba?” Marahan akong tumango. “Sa mga nakababatang pinsan ko? Just names?” Tumango ulit ako. “Then, ano’ng pinagkaiba ko sa mga pinsan ko?” Hindi ako nakasagot sa tanong niyang ‘yon. Alangan namang sabihin kong nahihiya ako sa kanya? Siguradong magtatanong siya kung bakit. Eh ni hindi ko nga rin maintindihan ang rason ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya! “Don’t call me ‘Sir’. I don’t like it.” Sabi niya. Napalunok ako. “Okay…Kuya?” Nilihis niya ang tingin sa akin habang kagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Natuon din ang tingin ko roon. I wonder what he’s thinking. “Ayokong tinatawag mo akong ‘kuya’. Just call me by my name, Quielle.” Aniya at sumandal sa back rest ng upuan. Nye? Paano ‘yon? Siya ang pinakamatanda sa kanilang magpipinsan. Iyong ibang mga pinsan niya na mas matanda sa akin, kuya at ate ang tawag ko sa kanila. Tapos siya, gusto niya pangalan lang niya? Hmp! Kung sabagay, hindi rin naman kami nag-uusap kapag iniimbitahan nila ako sa tuwing may get-together sila. Kaya…okay na rin ‘yon. Hindi ko na lang siya kakausapin. “Hmm, okay.” Sagot ko. Mula sa kama ko, narinig ko ang boses ni Nanay Zeny sa entrance ng emergency room. Tumayo na rin si Sandro. Sinundan ko siya ng tingin nang silipin niya kung sino ang dumating. “Nandito na ang nanay mo,” sabi niya. “Kasama ang boyfriend mo,” Agad akong sumagot. “Hindi ko boyfriend si Quino,” maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagkakasabi ko sa kanya. He smirked. “Lagi kayong magkasama, nagyayakapan, hinahawakan niya ang kamay mo, at nagpapahalik ka, pero hindi mo boyfriend?” “Huh?” Gulat at pagtataka ang namayaning reaksyon ko sa sinabi niya. Halik? Hindi pa ako nahalikan ni Quino sa labi! Sa pisngi ba ang tinutukoy niya? Well, kung ‘yon nga… “Naku, Quielle! Ano’ng nangyari sa’yong bata ka?” Iyon agad ang bungad niya sa akin. Alangan akong ngumiti sa kanya. “Sorry, ‘nay,” tanging nasabi ko. “Naistorbo ko ba ang pagtitinda mo?” “Huwag mong isipin ‘yon at may katuwang naman ako sa pwesto!” Ngumiti ako. “Nakakain kasi ako ng hipon.” “Akala ko ba’y nakalakihan mo na ang allergy na ‘yon? Ba’t bigla kang inatake ulit?” “S-Sabi kasi ni Kuya Sandro, pwede raw bumalik ‘yon,” at napatingin ako kay Sandro dahil nalimutan ko ang usapan naming dalawa. Hindi ko alam na nakatingin na pala siya sa’kin. He sneered at me. Parang pinapaalala ng mga mata niya ang naging usapan namin kanina. I pouted. Parang ako pa ang mamomroblema sa itatawag ko sa kanya. Magkausap silang dalawa ngayon ni Quino. Hindi ko na inalam pa kung ano ‘yon pero nakita kong nagpaalam na siya sa kanya. “Maiwan ko na kayo rito.” Sabi ni Sandro sa pinsan. “Salamat kuya,” si Quino. “Ay Ser, salamat po sa tulong niyo!” Si Nanay kay Sandro. Tumango siya. “Walang anuman. The bill is on me so there’s nothing to worry about the payment. Mauuna na po ako.” Magalang niyang sabi sa nanay ko. He glanced and nod at me. I nodded at him, too. “Thank you ulit,” ani ko. Malaking tulong din na siya ang nagbayad sa bill ko. Ang mahal din dito eh! Ospital ito ng mga alta kaya sigurado akong mauubos ang perang dala ni Nanay kung sakali. Hindi na natuloy ang sinabi ni Quino na magsi-sine kami. Hinatid niya na kami sa bahay matapos akong i-discharge at mabigyan ng paalala tungkol sa gamot ko. Bumalik si Nanay sa pwesto. But Quino didn’t leave immediately. Dito na siya nananghalian para may kasama ako. Ang mga kapatid ko kasi, sumama kay Nanay sa pwesto naming karinderya. “Pinagsabihan ako ni Kuya Sandro,” sabi ni Quino habang nanonood kami ng TV sa sala. I sighed. “Sorry. Kundi dahil sa’kin, hindi siya naistorbo. Hindi ka rin sana napagsabihan.” Nilingon niya ako. “Don’t mind about it. Okay lang ako. I was worried about you. Nang makita ko ang itsura mo kanina, akala ko…” I chuckled. “Bakit? Pangit ba?” Humalakhak siya. “Maganda ka naman, Quielle. You actually look like a foreigner with a Filipino blood. Pero no’ng nakita kita kanina…” saka siya bumunghalit ng tawa! Malakas ko siyang hinampas sa kanyang braso! He winced from pain but he continued laughing. “Gagung ‘to! Ano nga!” “Damn, Quielle! You looked like a red puffer fish!” Natawa rin ako sa sinabi niya at inisip ang naging itsura ko kanina. Nangapal nga mukha ko kanina pero grabe naman ang description ni Quino sa akin! Well…kung ganoon nga, ibig sabihin… Ang pangit kong nung kasama ko si Sandro! Umirap ako. So what kung ganoon ang itsura ko habang kasama ko siya kanina? Hindi nga kami nag-uusap dalawa. Ngayon lang kami nag-usap no’n kaya ituturing ko ‘yong isang himala! “Quino, may tanong ako…” “Ano?” “Si…Kuya Sandro,” Wala naman siya rito kaya okay lang sigurong tawagin ko siyang ‘kuya’. “May girlfriend ba ‘yon?” “Wala, hindi nagi-girlfriend ‘yon.” Sagot niya. Tumango ako. “Ah…eh ‘yong babaeng sinabi ni Ate Millet kanina? ‘Yung bisita raw niya? He smirked. “Hindi niya girlfriend ‘yon. Another fling, maybe.” Nagkibit balikat siya. Then he looked at me cautiously. “Bakit? Huwag mo sabihing crush mo ‘yon dahil tinulungan ka niya ngayon?” Ako ang natawa sa sinabi niya. “Bakit ko naman magiging crush ‘yon eh ang tanda na no’n, Quino! Ayoko sa gurang!” “Hey! He’s just 24!” “Matanda pa rin ‘yon! Gusto ko sa kaedad ko lang!” Ngumiti siya at lumapit sa akin. Ang lapit nang mukha naming dalawa. Kaya itinukod ko nang kaunti ang kamay ko sa kanya. “Kasing edad mo? Parang ako?” He playfully wiggled his eyebrows. I laughed. “Sira! Bakit? Ako na ba ang gusto mong maging girlfriend?” “Bakit? Gusto mo ba akong maging boyfriend mo?” He fired back. Lalo akong natawa! I find it shallow. Gano’n gano’n na lang ba ‘yon? Usap-usap na lang? Wala nang ligaw-ligaw? “Ganito na lang,” aniya. “Habang wala pa tayong ibang nagugustuhan hanggang sa maka-graduate ako sa academy, tayo na lang muna.” “Hah? May gano’n ba?” Tanong ko. Pero may umagaw sa atensyon ko. “Academy?! Pumasa ka?!” I shrieked out. He smiled widely. “It’s supposed to be a surprise for you kaya rin kita niyaya ngayong lumabas. Saka ang sabi ni Mommy, kailangan ko raw talagang umalis dahil baka mabati raw ako ni Tito Apollo ng mga sermon niya.” Saka siya tumawa. Ngumiti ako. “I’m so happy for you, Quino!” Lumapit ako lalo sa kanya. I extended my arms so I could hug him. He didn’t fail me and hug me back. “I’m so proud of you!” I added. I was teary-eyed when I freed myself from the hug. Nangingiti rin siya sa naging reaksyon ko. Like…I know that this is what he’s waiting for. Gusto niya kasing maging katulad ni Tita Ellie. She was a former police officer. Gano’n din si Ate Yael. She graduated in the academy, as well. Ang alam ko’y kapitan na iyon ngayon. “Sabi ko sa’yo eh. Kaya mo ‘yan!” Ngumiti siya. Hinawakan niya ang kamay ko at ginagap niya iyon. “Thank you,” aniya. “For what?” “For being a friend. For…always being there…for me.” He looked up and gulped. I smiled back. “All for you, Quino. You’re my bestfriend.” I said. He smirked. “Ayaw mong i-level up natin?” I chuckled. Ang kulit din neto. “Sige na nga! Tayo na! Basta ah? Kapag may nagustuhan ako, tapos na tayo ah?” He laughed. Iyong tipong nakakaloko na tawa. “Fine, fine.” He answered. Mabilis dumaan ang mga araw. Finals na namin at ilang linggo na lang, graduation na. Papasok na rin sa academy si Quino at ako, maghahanap na rin ng eskwelang papasukan. “Ano bang kurso ang kukunin mo sa kolehiyo ‘nak?” Tatay Roy asked. Day-off niya ngayon at may kinukumpuni siyang motor sa garahe. Sinadya ko siya roon dahil gusto kong humingi ng suggestion sa kanya. “Ano ba’ng gusto mo ‘tay?” Tanong ko pabalik. Tumigil siya sa ginagawa at nilingon ako. “Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi naman ako ang magpapakahirap mag-aral?” Nangingiting sabi niya. I chuckled, too. Oo nga, ‘no? “Eh…hindi ko rin kasi alam kung ano’ng kukunin ko talaga. Business Management kaya? O Hotel and Restaurant Management?” “Kahit ano’ng gusto mo, anak. Ikaw ang bahala sa parteng iyan. Basta ako, pag-aaralin kita hangga’t kaya pa ng tuhod ko.” I chuckled. May isang gusto pa akong ipagpaalam sa kanya. “‘Tay,” tawag ko. “Hmm?” “Gusto kong…kumita rin tulad mo.” Ika ko. “Maganda ‘yan. Magne-negosyo ka ba?” Nagkibit-balikat ako. “Pwede. Pwede ring…magturo ako ng parttime sa dancing school. O kaya magbenta ng ukay. Basta ‘tay! Gusto kong kumita habang nag-aaral ako.” Nilingon niya ako ulit at saka nangiti. “Sige, sabihin mo kung ano ang maitutulong ko. Kung kailangan mo ng puhunan, bibigyan kita.” Maluwang na ngiti ang tinugon ko sa kanya. Sa wakas! Magkakaroon na ako ng sarili kong pera! “Thank you, ‘tay!” Lumapit ako at niyakap siya. “Huwag ka nang yumakap sa akin at pawisan ako!” At bahagyang inilayo ang sarili sa akin. Lumabi ako. “Arte mo ‘tay! Eh noong bata pa ako, lagi mo akong kinakarga!” “Eh iba na ngayong dahil dalaga ka na!” I rolled my eyes and watch him doing his business. Nagkwentuhan pa kami ng kung anu—ano. Hanggang sa tinuruan niya na ako sa pagmemekaniko ng motor niya. “Ang tagal na rin po sa inyo ‘to, ‘no?” Tanong ko. “Oo ‘nak. Bigay sa akin ito ni Ma’am Ellie noong tumuntong ng sampung taon ang serbisyo ko sa pamilya nila.” He sighed. “Mabait ang pamilyang iyon, anak. Wala akong masabing kapintasan nila. Kaya…ingatan at mahalin mo rin sana ang pamilyang tumutulong sa atin.” He smiled. “Opo.” Tanging nasabi ko. “Si…Quino? Boyfriend mo na ba ‘yon?” Usisa niya. “Uy ‘tay ah! Saan mo narinig ‘yan?” Hindi ko naman inamin pero hindi ko rin itinatanggi. Usapan pa lang naman namin ‘yon ni Quino pero napag-usapan din namin na huwag munang ipagsabi sa iba. O baka naman nadulas na ang dila no’n at nasabi na nga niya sa iba?! “Sa kanya. Lasing ‘yon no’ng isang gabi. Sumama sa mga barkada niya.” Sinasabi ko na nga ba. I sighed. “Sorry ‘tay. Hindi ko agad nasabi.” “Hindi naman ako magagalit kung magkanobyo ka man. Maganda ka, matalino, at masipag. Walang lalaki ang hindi magkakagusto sa’yo. Ang akin lang eh, alam mo kung hanggang saan lang ang pwede ah?” Namula ang mukha ko sa narinig. Alam ko ang pinupunto niya. Hindi naman namin ginagawa iyon ni Quino pero hindi rin ako kumportableng pag-usapan ‘yon. “Alam ko naman ‘yon, tay…” sabi ko. “Kahit anak ‘yon ng amo ko, kapag may ginawa siyang mali sa’yo, susugurin ko ‘yon!” Natatawang banta niya sa akin. Natawa ako sa tinuran niya. Hindi ko nakakalimutan ang mga turo niya sa akin. Isa pa, mataas ang respeto ko sa kanya bilang ama ko. Hindi ko siya bibiguin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD