CHAPTER 3

3158 Words
Quielle Naging busy kami sa mga nagdaang linggo. Papalapit na ang graduation namin. Nag-take na rin ako ng entrance exam sa iba’t-ibang universities sa Manila para sa kolehiyo. Habang si Quino, nagpe-prepare na rin sa pagpasok niya sa Academy. “Saang university ka ba nag-exam?” Tanong niya. Nasa isang sikat na coffee shop kami ngayon. Katatapos lang naming mamili ng mga gagamitin niya sa pagpasok sa Academy. After kasi ng graduation namin, papasok na siya roon. “Sa Big Four,” nakangiting sagot ko. “Wow,” palatak niya. “Good luck on that.” Ngumisi ako. “Pangarap ko kasing makapasok sa isa sa mga ‘yon. Malaki raw kasi ang chance na makahanap ka ng magandang trabaho kapag do’n ka galing.” Umiling si Quino. “Nope. Marami na ngayong kumpanya ang hindi tumitingin sa school kung saan nanggaling ang isang aplikante,” aniya pagkatapos niyang ibaba ang cup na hawak niya. Ngumuso ako. “Talaga?” “Yup. Though, may mangilan-ngilan pa rin. Mas tinitingnan na nila ngayon ang kakayahan ng isang aplikante. Especially the skills they acquired during their internship.” Esplika niya. “Mas may edge ang mga aplikanteng self-supporting noong college pa sila.” Namilog ang mga mata niya sa mga nalalaman. “How did you know all of that?” Takang tanong ko. He smiled. “Sabi ni Mommy,” Tumangu-tango at sandaling nag-isip. Kung gano’n pala ang labanan ngayon, maghahanap ako ng parttime job para may edge din ako ‘pag nakatapos na ako! Pero…balak ko ring magtinda-tinda para kumita ng pera. I sighed. Ano ba talagang gusto ko? Ang gulo! “Quielle,” tawag sa akin ni Quino. “Hm?” Inilapit niya ang upuan niya sa tabi ko. Hindi ko maiwasan ang luminga-linga dahil baka may makakita sa amin. Pero naalala kong boyfriend ko nga pala siya ngayon. Masuyo niyang hinawakan ang kamay ko. “Please take care of me while I’m in the Academy,” aniya. Ngumiti ako. “Oo naman! Parang hindi mo naman ako kilala,” He smiled a bit. “A-attend ka sa pagpasok ko roon ah? Sumama ka kila Mommy at Daddy.” “Oo,” sagot ko. “Basta walang lakad na importante, a-attend ako.” Sagot ko. He smiled more and kiss me on my cheek! Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ko ang halik niya. I mean, it wasn’t the first time that he kissed me that way but I felt something indifferent when his lips landed on my cheek. Nilingon ko siya bago sinimangutan. “Quino, stop kissing me!” I said in irritation. “Baka may makakita sa atin!” Tumaas ang isang kilay niya. “What? You’re my girlfriend.” “Oo nga pero…” luminga-linga ako sa paligid. “Baka may mga kakilala kang nandito, malaman pa nila.” “What’s wrong with that?” Ngumuso ako. “Baka…kung ano’ng isipin nila. You know, some of our classmates think that I just befriended you because you’re rich.” I sighed, remembering some of their classmates bullying her about their friendship. “Paano pa kaya kung malaman nilang boyfriend kita?” “Don’t mind them,” sagot niya. “They’re just jealous.” Nagsalubong ang mga kilay ko. “Jealous… Ano namang ka-iinggitan sa’kin?” Nagkibit-balikat siya at umayos sa pagkakaupo. “Because we’re close. At hindi ko sila mga kaibigan. I don’t mind them at all so huwag mo na lang din silang pansinin.” Umiling-iling ako. “Malala ka. Ang lakas ng confidence ah?” Ngumiti lang siya at muling humigop sa kape niya. Sabagay. Patapos naman na ang klase. Hindi na ulit kami magkikita-kita ng mga kaklase ko. Isa pa, Quino will be entering the academy. Hindi na rin kami masyadong magkikita. Kapag nabigyan lang sila ng passes. Iyon ang sabi niya. I’ll miss him, definitely. Siya lang ang madalas kong nakakasama. May mga mangilan-ngilan naman akong mga kaibigan pero mas dikit ako sa kanya. Kaya siguradong maga-adjust ako ng malala. Dumating ang graduation namin at with honors kaming pareho ni Quino. Well, siya ang class valedictorian. He’s very intelligent. Idagdag pa na gwapo at mayaman kaya maraming nagkakagusto sa kanya. Ako naman, pasok sa top 10. Masaya rin sila Nanay at Tatay. Silang dalawa ang nagsabit ng medalya ko sa stage. Sobrang tuwa nilang dalawa lalo na si Tatay. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya. “Anak,” tawag sa akin ni Nanay. Inabot niya sa akin ang cellphone niya. “Papicture ulit tayong tatlo dito oh,” itinuro niya ang nakasabit na tarpaulin sa gilid. “Ipakita mo ‘yang medalya mo saka certificates!” Natatawa akong tinanggap ang cellphone niya. “Sige ‘Nay!” Nahanap ko si Quino sa ‘di kalayuan. Papunta na siya kila Tita Ellie at Tito Lucas. Mabilis ko siyang hinarang para siya ang kumuha ng litrato namin. “Quino!” Tawag ko sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at inilibot ang paningin niya hanggang sa nahuli niya akong papalapit sa kanya. Patakbo ko siyang nilapitan at hinila. “Wait! I’ll just see my parents!” Tutol niya pero nakangiti. “Sandali lang! Papa-picture lang kami nila Nanay at Tatay!” Inabot ko sa kanya ang phone at nilapitan na sila Nanay at Tatay. Umayos kami sa pagkakatayo. Ilang beses kaming kinunan ni Quino ng litrato. May solo ako at meron din kaming tatlo. “Oh kayo naman ni Quino!” Sabi ni Tatay ng magsawa na sa pagkuha ng litrato ang kasama ko. “Oh wait, Manong Roy.” Kinapkap niya sa bulsa niya ang cellphone niya bago ilahad kay Tatay. “Kunan niyo rin po kami picture ni Quielle!” Excited na sabi niya. “Sige, anak.” Sagot ni Tatay kay Quino. Bahagya pa akong nangiti dahil sa tawag niya sa kanya. “Pose na kayo ro’n!” Nakangiti pang utos niya. Lumapit sa akin si Quino. Sa mga unang litrato namin, pormal pa kaming nakangiti habang nakatingin sa camera. Pero nang sinabi niyang wacky, naramdaman ko ang pag-akbay ni Quino sa akin at nag wacky! Tatawa-tawa pa siya nang matapos niya kaming kunan ng litrato. Inabot niya ang cellphone ni Quino at nagpasalamat naman ang kaibigan ko. Saka ko lang napansin na nandito na rin pala sila Tita Ellie at Tito Lucas. “Congratulations, Quielle!” Bati sa akin ni Tita Ellie. “Thank you, Tita!” I answered while smiling widely. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa magkabilang pisngi ko. Niyakap niya rin ako. Nakangiti akong tinugon ang yakap niya bago ako kumalas nang marinig ko ang bati ni Tito Lucas. “Congratulations, Quielle.” Nakangiting bati ni Tito Lucas at inabot ang kamay niya para makipag-shakehand. Nakangiti rin ako nang inabot ko ang kamay niya. “Thank you, Tito!” He smiled widely and bowed a bit. Parang may ibubulong. Nasa tabi niya si Tita Ellie at nakahawak sa isang kamay niya. “Your gift is in the compartment of our car. The one that your father’s driving,” nakangiti pa ring sabi niya. I gasped in awe! Yes! Excited na akong makita kung ano ‘yon! Kitang-kita nila ang excitement sa mukha ko kaya natawa silang pareho. Nagpasalamat akong muli sa kanila. They just nodded and smiled. Tapos lumapit na rin sila Tatay at Nanay sa amin. “Roy, take the car with you. May kaunting salo-salo sa mansyon. Naroon na sila Kuya Alfie at Kuya Martin.” Sabi ni Tito Lucas. “Dala ko ang kotse ko. Sa akin sasabay sila Ellie at Quino.” “Ay ganoon po ba, Sir?” Medyo alanganing sabi ni Tatay. “Magpapaalam sana ako Sir, eh. Ilalabas ko rin sana ang mag-anak ko para mag-celebrate.” Kinapa niya ang bulsa at inilabas roon ang susi, malamang ay susi iyon ng kotse. “Ibibigay ko na lang ito Sir kila Jonas. Sila na lang ang magmamaneho pabalik sa mansyon. Iyong family car ang ipinagamit ni Ma’am Ellie nang magpunta kami rito kanina.” “Ganoon ba?” Si Tito Lucas. Lumingon siya kay Tita Ellie. Hindi naman sila nag-usap. Nagkatinginan lang. Pero para silang nagkaintindihan nang ngumiti si Tita Ellie at tumango siya sa kanya bago ibinalik ni Tito Lucas ang tingin sa tatay ko. “You can use the car for the meantime, Roy. Take your family with you.” “E-Eh naku, Sir…Hindi kita tatanggihan!” Natatawang sabi niya. “Isang basketball team ang isasakay ko.” Si Tita Ellie naman ang sumagot. “Sige na Kuya Roy. Gamitin mo muna para may masakyan kayong mag-anak. Babalik ka rin naman sa mansyon mamaya ‘di ba? Isama mo si Quielle pabalik kung gusto niyang humabol sa salo-salo.” At nilingon ako ni Tita Ellie nang nakangiti. Tumango-tango ako. “Opo! Sasama ako kay Tatay!” Nakangiting sabi ko. Nagpaalam kami sa isa’t-isa. Masaya kaming sumakay sa sasakyan na ipinahiram sa amin. Pero bago ako sumakay, pinabukas ko muna kay Tatay ang compartment para i-check ang regalong sinasabi ni Tito Lucas. At nang makita ko ang isang box na nakabalot sa kulay asul na wrapper, agad akong napangiti. Kinuha ko ang box. Isinara ko na ang compartment at pumasok na ako sa loob ng sasakyan. “Ang swerte mo talaga sa pamilyang ‘yon, Roy,” sabi ni Nanay. “Bihira ang ganyang amo! Mantakin mong ipinahiram sa atin ito?” “Mababait sila, Zeny. Wala akong masabi sa magkakapatid na iyan.” Dagdag ni Tatay. Minaniobra na niya ang sasakyan palayo sa eskwelahan namin. “Hindi rin sila maramot kaya pinagpapala. Pero iisa lang ang kahinaan ng tatlong magkakapatid na ‘yon.” At natatawang naiiling si Tatay. “Ano ‘yon, Tay?” Sabad ko. “Babae.” Maikling sagot niya. “At hindi ako magtataka kung mamamana ng mga anak nilang lalaki iyon. Aba’y walang tapon sa kanilang lahat eh.” Nangunot ang noo ko. Babae? Ang mga asawa ba nila? Hindi na ako nagtanong pa dahil nag-usap na silang dalawa ni Nanay. Susunduin namin ang mga kapatid ko sa bahay tapos dadalhin kami ni Tatay sa isang mall para doon na kumain sa restaurant. Ang sabi niya’y nakapagpa-reserve na raw siya rito kaya hindi na namin poproblemahin ang magiging pwesto namin mamaya. Bumalik sa isipan ko ang sagot ni Tatay sa akin kanina. Na ang kahinanan ng mga lalaking Villanueva ay babae. Siguro nga. Naikwento ni Tatay noon na inutusan siya ni Tito Lucas na magmanman sa Mindanao noong mga panahong nagta-trabaho pa si Tita Ellie bilang pulis. Pinabantayan niya ang bawat kilos ng asawa niya hanggang sa makabalik dito sa Manila. Pero siyempre, sa akin lang sinabi ni Tatay ang tungkol doon. Wala rin akong ibang pinagsabihan. Dahil baka kumalat iyon at magalit si Tito Lucas. Hindi ko alam kung ano ang kwento nila Tito Alfie at Tito Martin pero alam kong nagsilbi rin si Tatay sa kanila. Kaya siguro nasabi ni Tatay na babae ang kahinaan nila dahil si Kuya Malchus ay kilalang playboy. Si Sandro…sigurado ‘yon dahil nag-uuwi pa ng babae sa mansyon! Pang-ilang babae na kaya ni Sandro ‘yon? Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla akong nagngitngit sa inis. Iniisip ko pa lang na maraming babae ang dumaan sa palad ni Sandro, para akong nabu-bwisit. Si Quino lang ang alam kong lalaking Villanueva na hindi playboy. I sighed. Kalimutan mo na nga ‘yan Quielle! Nang masundo ang mga kapatid ko sa bahay, dumiretso na kami sa mall. Dinala kami ni Tatay sa isang kilalang buffet restaurant. Enjoy na enjoy kaming lahat habang kumakain lalo na ang mga kapatid ko. Alam kong mahal dito pero siguro…pinaghandaan iyon ni Tatay. Kinantahan pa ako ng mga staff roon, parte ng service nila. May kasama pa silang naggigitara at ang iba ay sumasabay sa kumakanta. Sandali pa kaming namasyal sa loob ng mall. Nagulat pa ako nang sabihin ni Tatay sa kanila na pwede silang bumili ng tag-isa nila na naisin. Nagulat ako roon! Talagang malaki ang budget ni Tatay sa pamamasyal namin. Kaya ang mga kapatid ko, nagsimula nang mamili sa mga laruan. Si Francis, sa mga damit na namili, kasama si Nanay. “Quielle, mamili ka na ng gusto mong bilhin.” Sabi ni Tatay sa akin. Umiling ako. “Tatay, baka maubos ang pera mo.” Nag-aalala kong sabi sa kanya. “Okay lang po ako. Sila na lang ang bilhan mo.” Natawa siya at inakbayan ako. “Anak, pinaghandaan ko ang araw na ito. Kaya mamili ka na ng gusto mong bilhin.” Ngumisi siya at bumulong sa’kin. “Isa pa anak, nakatanggap ako ng bonus galing kay Sir Lucas. Naalala mo ‘yong pinatrabaho niya sa akin sa Batanes? Natapos ko na.” Aniya habang nakangiti. “Totoo ‘Tay?” Tumango siya. “Oo kaya mamili ka ng gusto mo dahil ako ang bahala sa’yo!” Nangiti ako pero binalot ng kuryosidad ang isip ko. “Ano’ng pinatrabaho niya sa’yo?” Ngumisi siya at saka bumulong ulit. “Secret.” “Tatay naman, eh!” Nakabusangot kong sinagot sa kanya. Tumawa lang siya at ipinagtulakan ako. “Sige na! Pumili ka na ng gusto mo. Ako ang bahala sa’yo!” Iginiya niya ako sa mga ladies section ng department store na iyon. Pero wala akong napili. Nanghihinayang ako sa pera magagastos ni Tatay. Pero mapilit talaga si Tatay kaya pumili lang ako ng baby cologne na nagustuhan ko. Kaya matapos naming makapamili, nag-aya na rin umuwi si Tatay. Kailangan din niyang bumalik sa mansyon dahil naka-duty pa siya kay Tito Lucas at ibabalik din niya ang kotseng ipinahiram sa kanya. Masayang nagsibabaan ang mga kapatid ko at sila Nanay nang maiparada ni Tatay ang sasakyan sa harapan ng bahay. Lahat sila may kanya-kanyang bitbit na paper bag. Si Nanay ngay hindi magkamayaw sa pag-suway sa kanila dahil nag-uunahan silang pumasok sa bahay para mabuksan na ang mga pinamiling laruan. Bitbit ang regalong ibinigay nila Tita Ellie at Tito Lucas sa akin, nilingon ko si Tatay para sabihing hintayin na ako sandali dahil magbibihis lang ako at sasama ako sa kanya. “Sige, ‘nak. Dito na kita hihintayin dahil nagmamadali na rin ako.” Aniya bago sumakay sa loob ng sasakyan. Dali-dali akong umakyat para itago ang regalo ko sa kwarto. Nagpalit ako ng kulay sage green na coordinates, sleeveless ang pang-itaas at short fleece ang pang-baba nito. Sandalyas na puti ang ipinares kong pansapin sa paa. Inipit ko lang ang maalon kong buhok gamit ang isang hair clamp na kulay bronze. It complimented on my natural brown hair. Ginamit ko na rin ang baby cologne na binili ko sa mall kanina. Kaunting pulbos lang at lip tint ang nilagay kong kolorete sa mukha. Nang makuntento ako sa ayos ko’y nagmadali akong bumaba para makasabay na kay Tatay. Nakarating kami sa mansyon mga bandang alas nuebe na ng gabi. Nadatnan naming nag-iinuman na ang mga lalaking Villanueva, including their sons and nephews. Naroon din si Quino, katabi ni Kuya Malchus. Naroon din si Sir Apollo, na malimit sumali sa mga ganitong okasyon. Ang mga babae naman pinsan niya’y nasa karaoke at nagkakantahan. I can see Ate Annika’s holding the microphone while singing. Kaso nakangiwi si Ate Marthina at si Lucille habang pinapanood nila siyang kumakanta. Wala si Ate Yael, malamang nasa duty ‘yon. Agad akong kumaway nang mapansin ako ni Quino sa kinatatayuan ko. Tumayo siya puntahan ako. Then suddenly, my eyes glued at someone who stares darkly at me. Si Sandro. Madilim ang tingin na ipinupukol niya sa akin. Kitang-kita ko ang pagtagis ng panga niya. I gulped. But this time, I stared at him, too. Hindi ako nagpatinag sa mga titig niya. Hanggang sa makarating si Quino sa harapan ko, doon lang naputol ang titig ko sa kanya. “Buti nakasama ka pa!” Si Quino. Tumango ako. “Oo. Nagsabi ako sa Mommy mo, eh.” Nakangiting sabi ko. Kinuha ni Quino ang isang kamay ko at hinila ako papunta sa grupong pinanggalingan niya. “Come here, I’ll introduce you to them.” “Huh? Ano’ng introduce? Eh kilala naman nila ako!” He looked at me and smirked. “Ipapakilala kitang girlfriend ko.” Napanganga ako sa sinabi niya. At talagang pinangalandakan na ah? Nakuuu! Baka kagalitan ako ni Tatay! “Everyone, meet my girlfriend!” Anunsyo niya sa lahat ng naroon. Naumid ang dila ko nang maghalakhakan sila. They seemed not bothered, but they are happy for Quino. “Ngayon mo lang sinagot, Quielle?” Pabirong tanong ni Tito Martin sa akin. “Mahina itong pamangkin ko. I thought you both were together for a long time. Hindi lang umaamin.” Si Tito Alfie naman. Namula ang mga pisngi ko sa mga naririnig. Napansin iyon ni Quino kaya sinuway niya ang mga ito. “Stop it, she’s ashamed!” Natatawang sabi niya. Parang gusto kong magpalamon sa kinatatayuan ko sa sobrang hiya. Kaya wala akong ibang maisukling tugon kundi ngiti lang. Dumako ang tingin ko kay Kuya Malchus. Nakasandal ito sa back rest ng kinauupuan niya habang tinapik-tapik ang balikat ni Sandro. He smirked when he looked at him. Then he mouthed, ‘You’re f****d, man’. Nangunot ang noo ko. “By the way, congratulations Quielle!” Si Tito Martin. “S-Salamat po—-“ “Excuse me, I’ll just go get something in my room,” paalam ni Sandro sa kanilang lahat. Hinatid ng tingin ko si Sandro hanggang sa makapasok na siya sa mansyon. He looked pissed. Dahil ba nandito ako? Kaya na-bad mood? Well, ano bang bago eh gano’n naman talaga siya kahit noon pa. Iginiya ako ni Quino sa buffet table. Desserts na lang ang kinuha ko dahil busog na busog pa ako sa kinain namin kanina sa mall. “Quino, hindi mo ako kailangang bantayan para kumain. Pwede ka nang bumalik doon.” Sabi ko. Lumingon siya roon bago ibinalik ang tingin sa akin. “Okay lang ba sa’yo? Tito Apollo seems nice to me now. Binati niya ako, Quielle. And he even handed me his gift.” Itinaas niya ang kaliwang braso niya at ipinakita niya iyon sa akin. It’s a wrist watch. An expensive brand. “Wow,” I looked at it. “Himala.” Kumento ko. “Kahit ako nagulat,” sabi niya. “Balik ka na ro’n,” ngumuso ako. “Kaya ko ang sarili ko.” Nakangiting sabi ko ko. He kissed me on my cheek. “Sige, sasamahan din kita mamaya.” Nakangiting sabi niya. I nodded while smiling. He left me and joined them again. Tinapos ko lang ang pagkain ko sa dessert. I want to join the girls. Nang ibigay ko sa serbidora ang pinagkainan ko. I went inside the mansion and looked for the comfort room. Pagkatapos kong gumamit ng banyo, palabas na sana ako nang may humaklit sa kamay ko! I shrieked! But when I saw who pulled me, I couldn’t be more shocked. Si Sandro!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD