Chapter 9

1142 Words
-Princess Vanora-  "Nagbalik na siya Perlas.. Ang sakit pala na hindi ka maalala ng taong mahal ka at mahal mo.. Pero tama lang naman ginawa ko dba?"  "Tama ang ginawa mo para sa ikakabuti ng kaharian pero hindi tama para sa sarili mo.. Nasasaktan ka Mahal kong Prinsesa.. At lalo na ngayon na nagbalik siya at pumasok ka sa buhay nila.." tugon sa akin ni Perlas habang nag uusap kami dito sa loob ng aking pahingahan..  "Mahal ko pa rin siya.. Mahal ko siya at tutulungan ko siya, ang pamilya niya lalo na ang may karamdaman niyang ama .. Perlas, gagawin ko ang lahat para matulungan si Summer.." "Mahal mo talaga ??"  "Sobra.. Nung makita ko siya.. Gusto ko siyang yakapin.. Halikan.. Pero wala akong magawa.. Hindi niya ako kilala.. Pero nagtatanong siya kung taga saan ako at kung nagkita na kami dati dahil pamilyae daw ako sa kanya..parang sasabog puso ko .." sabay labasan ng aking mga luha..  "Binura mo lang ang kanyang alaala ,hindi ang kung ano ang nilalaman ng puso niya Vanora.." sabay tinginan namin ni Perlas.. " Tama na kasi.. Huwag kana sigurong bumalik dun sa lupa ,baka lalo kang masasaktan niyan.  Pag malaman to ng Mahal na Reyna baka hindi kana talaga makakalabas dito.."  "At yan ang hinding hindi ko papayagang mangyari Perlas... Hindi!"  At napabuntong hininga nalang ang aking kaibigan.. Masakit pero andito na ako kaya kakayanin ko to..  --- "May nakapagsabi sa akin Mahak kong Prinsesa na lumalabas ka daw sa kaharian tuwing gabi.. Saan ka nagsusuot Vanora, baka hindi ko alam may ginawa ka ng mali na magdadala sa ating lahat ng kapahamakan.." ang Ina kong Reyna.. "Ina, sa laot lang naman po at huwag po kayong mag alala.. Wala akong ginawa na ikakasama sa ating lahat."  "At tama na yung pagbura at pag iwas mo sa taga lupa.. Alam ko kung ano ang nangyayari sa inyong dalawa.. Tama lang ang ginawa mo anak.."  Tumango lang ako kay Mama.. at sabay paalam.. Ayukong malalaman niya.. Kahit mahirap magtago sa kanya.. Sisiguraduhin ko na hinding hindi niya ito malalaman.."  --- Dumating na ako sa bahay nina Summer.. Agad akong binati ng napakabait niyang ina.. at ni Ellis.. Maganda si Ellis ,mabait , palabiro.. Si Summer naman kabaliktaran.. tahimik na siya ngayon, seryuso palagi at parang hindi alam kung paano tunawa.   Dumeretso na sana ako sa kwarto ni Sir Gilberto nang may narinig akong nagtatalo sa loob ng kwarto ni Summer.. Napahinto ako at napatingin sa pintuan nang bigla itong bumukas..  Si Summer..nagkatitigan kami..  "Summer bumalik ka dito!!!" sigaw ng babae na nasa loob ng kwarto... Iniwas ko ang tingin sa kanya at deretso na siyang lumabas ng bahay... at nagmamadali akong pumasok sa kwarto ni Sir Gilberto.. Nakwento sa akin ni Maam Emilia na may iniibig daw nuon si Summer.. Noong nag iibigan kaming dalawa pero ibang babae ito at ang pangalan niya ay Georgia .. Siya kaya ang nakasagotan ni Summer? Hayss.. Parang kumirot bigla ang dibdib ko..  --- Lumalalim na ang gabi.. Tulog na ata lahat ng tao dito sa bahay kaya nagpasya akong lumabas at magpapahangin.. Kakatulog lang ulit kasi ni Sir Gilberto at napainum ko na rin siya ng kanyang gamot...  "Natulog na ba si Papa?" bigla akong napalingun nang may narinig akong boses sa aking likuran..  Si Summer.. at tumabi siya sa akin sa aking kinatatayuan...  "Uu.. nakatulog na siya pagkatapos kung painumin ng gamot. " "I see.. Ahm.. Yung kanina pala.. Sorry .. Away mag ex lang .. Alam mo na.." sambit niya habang nakatanaw kami pareho sa karagatan.. "Hindi ko alam ang away mag ex na sinasabi mo.. " "What do you mean? Hindi ka pa nagkakaroon ng ex .. Wala ka bang naging karelasyon?"  "Nagkaroon ako ng karelasyon pero hindi na kami nagkita pagkatapos naming maghiwalay.. Hindi na ata nya ako na alala.." tugon ko sa kanya at napatingin siya sa akin.. nagkasalubong ang mga mata naming dalawa..  "Sorry." sambit niya sabay iwas.. "Bakit nga pala kayo nag away, okay lang kung ayaw mong sagutin, chismosa na ata ako..."  "Nah, okay lang.. Gusto niyang magbalikan kami pagkatapos niya akong lokohin.."  "Ganun bha?"  Tumango lang siya at sabay tingin ulit sa akin.. "Pearl, naniniwala ka ba sa mga Sirena?" bigla niyang tanong sa akin.. agad akong kinabahan.. "Diba taga isla ka ,so im sure may naririnig ka tungkol sa mga sirena na nakatira malapit dito.."  "Bakit mo naitanong?"  "Palagi kasi akong nanaginip sa isang Sirena.. Pero hindi ko maaninag ang mukha niya.. Ewan ko bah.. Nung bumalik ako dito.. Di na ako tinantanan sa panaginip ko.." Hindi ako nakapagsalita.. Tiningnan ko siya.. "Hmm what if samahan mo ako ngayon .. " "Saan tayo pupunta?"  " Basta.."  Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas at deretso papunta sa kanyang sasakyang pandagat.. Kinabahan ako.. Alam kung pupunta kami ngayon sa laot..  Sumakay na kami at agad niyang pinatakbo ang sasakyang pandagat papunta sa kalagitnaan ng karagatan..  Huminto ang sasakyan sa laot kung saan dito kami nagkikita palagi noon..  "Anong gagawin natin dito?"  "Itong lugar na to ang palagi kong napanaginipan. Dito ko daw nakilala ang sirena .. Soo, maghanap tayo ng sirena dito ngayon kung totoong may sirena.." "Summer, buti pa bumalik na tayo.. Panaginip lang ang lahat at hindi totoo ang mga sirena.. " tugon ko sa kanya.. "Marunong ka bang lumangoy? Im sure marunong ka kasi lumaki ka sa dagat.. Hindi ako marunong lumangoy Pearl.. What if lulundag ako .. Baka sagipin ako ng isang sirena.. Pero kung wala.. Ikaw ang sasagip sa akin.." sabay ngiti at titig niya sa akin..  "Huwag kang magbiro ng ganyan Summer.. Hindi ka nakakatuwa.. Pwede ba bumalik na tayo sa inyu.. Baka nagising si Papa mo.. Huwag mong kalimutan may trabaho ako..."  Parang walang naririnig si Summer .. Nakatayo na siya sa harapan at handa ng lumundag sa tubig...  "Summer.. Huwag mong ituloy... Summer?"  Tiningnan niya ako at nginitian..  "Summer huwag.."  Agad ko siyang nahawakan sa braso.. natumba kami sa sahig at puma ibabaw siya sa akin.. Nahila ko siya ng malakas.. Nangyari na ito..  Nagkatitigan kaming dalawa.. Nakatingin siya sa mga labi ko...  Hindi ako makagalaw sa mga titig niya ... at bigla niyang hinalikan ang mga labi ko.. Napapikit ako.  Hindi ako makakontra dahil miss ko ang mga labi niya..  Masarap na halikan ang tinugunan naming dalawa.. Napalingkis na ako sa kanyang batok..  "Hmmm" ungol naming dalawa.. Nagsimula na niyang hawakan ang ibat ibang parte ng katawan ko.. ang sarap sa pakiramdam.. Napakagat ako sa labi..  Nang bumaba ang halik nu Summer sa aking leeg.. Napukaw ako at nakabalik sa aking sarili.. Agad ko siyang natulak .. at dali dali akong tumayo..at ganun din siya..  "Bumalik na tayo at may trabaho pa ako, kailangan ako ng ama mo. " matigas ang boses ko.. pero sa aking kalooban .. sobrang saya ko.. Sobrang saya ko..  Wala kaming imikan habang binabaybay namin ang karagatan pabalik ng dalampasigan..  Nang dumating na kami.. Agad akong bumaba ... Hindi ko na siya hinintay pa.. at patakbo kuny tinungo ang loob ng bahay deretso sa kwarto ni Sir Gilberto..  Napasandal ako sa may pintuan.. Napahawak sa aking mga labi.. Napapikit at inalala bawat halik niya sa akin.. sabay tulo ng aking mga luha...At Napahagulgul nalang ako.. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD