Chapter 8

1064 Words
-Summer-  *  "Welcome home Summer..namiss kita anak.." sabay yakap ng mahigpit ni Mama.. "Namiss din kita Mama.. " at yumakap din ng mahigpit sa kanya..  "Sum, buti at bumalik kana.. Kala namin dun kana talaga Finland mamalagi at wala ng balak bumalik pa dito.." salubong sa akin ni Ate Ellis.. "Ate, pwede ba yun? Eh andito ang kayo at andito ang buhay ko." sagot ko kay Ate sabay yakap sa kanya ng mahigpit.. Dalawang taon din akong nawala sa lugar na ito.. Namalagi ako sa Finland. Hinanap ang sarili. Ewan ko ba, bigla nalang akong nagising isang araw na gusto kung hanapin ang sarili ko na akala ko mahahanap ko sa ibang lugar.. Hindi pa rin pala..  Hiniwalayan ko si Georgia.. Kahit hindi niya matanggap, wala rin siyang magagawa.. Wala na akong feelings sa kanya at nalaman kung may iba pala siyang kinalolokohan , lalaki, habang kami pa.. Pero nabalitaan ko na wala na sila at ito, nangungulit na naman na magbalikan kami pero hindi ko na talaga siya mahal..  "Si Papa?"  "Mabuti si Papa mo anak. Nakakagalaw na siya kahit hindi pa rin xa nakakapagsalita.. Sa tulong na rin ng bagong private nurse niya.." sagot ni Mama.. "Private Nurse?"  "Yes anak. Akala nating lahat matutuluyan si Papa mo makaraan ng tatlong buwan kagaya ng sinabi ni Mang Berting.. Pero bigla nalang dumating itong si Pearl at isa pala siyang private nurse kaya tinanggap ko na. Simula nun, nakakagalaw na si Papa mo.." tugon ni Mama sa akin habang papunta kami sa dining para magdinner..  "Baka sino- sino nalang yang pinapasok niyo dito sa bahay Ma. Hindi natin kilala ang Pearl na yan.. Baka ano ang pinapainum niya kay Papa .."  "Mabait si Pearl anak.. "  "And shes very pretty." si Ate Ellis..  "Mga manloloko ngayon, mga mababait at magaganda.."  "Sabagay, tama ka pero no Sum, malaki ang naitulong ni Pearl kay Papa.. "  "Hmmm.. Okay kung ganun.. Pero kailangan pa rin natin siyang makilalang mabuti.. So , nakatira siya dito?"  "Pang gabi ang duty niya Sum, yan lang din kailangan natin na may magbabantay kay Papa mo pag gabi. O siya maya ng kwentuhan, kain na muna tayo.."  At naghapunan na kaming tatlo nang may biglang pumasok sa dining area..  " Magandang gabi ---- "  Nagkatinginan kaming dalawa.. Napakaganda niya.. Parang nakita ko na siya dati. Di ko lang ma alala kung saan.. "Oh Pearl, andito kana pala hija, halika , saluhan mo kami sa hapunan.." "Come .. Join us Pearl.." yaya ni Ate Ellis..  "Thank you.. Pero tapos napo akong kumain.."  Iniwas niya ang kanyang tingin sa akin.. "By the way Pearl, ang bunso namin si Sunmer.. Yung nakwento ko sayo na nasa Finland.. Umuwi na siya .." ang nakangiting sambit ni Mama.. "Ha-Hi ..Miss Summer, Good evening.." bati niya at tumango lang ako. "Ahm ,pasok na po ako sa kwarto ni Sir Gilberto.." "Sige Pearl."  At tumalikod na siya palabas ng dining..  "See .. I told you Summer.. Maganda siya db? Natulala ka nga eh." pang asar ni Ate Ellis.. "Shut up!"  "Tigilan niyo na yan.. Kain na.."  Napailing nalang ako.. Kinindatan naman ako ni Ate Ellis.. Grr! Pero si Pearl, saan ko ba siya nakita? Hmm...baka magkamukha lang... Oh well.  --------- "SUMMERRR?" si Vera at patakbong sinalubong ako ng yakap..  "Vera.." at nagyakapan kami ng mahigpit..  "Kumusta ka na? Hindi ka napagsabi na uuwi ka babae ka.." "Wala din to sa plano Vera. Biglaan kaya ito walang pasabi.. " "Ah kaya pala.. So ano na? Hows everthing?" tanong ni Vera sa akin habang nakaupo kami sa gilid ng pool habang umiinom ng cocktail .. "Ganun pa rin naman.. Ano ang eneexpect mo?" "Summer , ano ba ang nangyari sayo nung huli mong pumunta ng laot, wala ka ba talagang maalala?"  "Vera, wala nga. As in wala. Natatawa nga ako sayo.. Kinukulit mo ako.. Laot? Sirena? My God. . tigilan mo ako sa mga kalokohan mo na yan.." napailing nalang ako kay Vera.. Pinipilit niya sa akin ang mga bagay bagay na walang katotohanan..  "Vanora na alala mo ba ang pangalan na yan?"  "Vanora? Sinong Vanora?"  "So hindi mo na talaga matandaan na minsan umibig ka sa nag ngangalang Vanora."  "Vera.. tama na ha? Puro ka kalokohan.. Si Georgia kang ang iniibig ko nuon.  Siya lang at wala ng iba.." sagot ko sa kanya.  "Okay. Okay. Chill!"  Nang maubos na ang iniinum namin.. Bumalik na ako sa bahay para makapagpahinga..  Bago ako pumasok sa kwarto ko, dumeretso muna ako sa kwarto ni Papa para tingnan siya..  Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Pearl na nakaupo sa gilid ng kama ni Papa at nakapikit.. Napatitig ako sa mukha niya .. Napakaganda nga niya.. Gumalaw siya at agad akong napalingon kay Papa..  "Miss -miss Summer ..andito po pala kayo. Sorry nakaidlip ako.."  " Okay lang. .. Ahm .. Tiningnan ko lang si Papa.. "sabay dampi ko ng halik sa noo ni Papa.. "Sige.. Magpahinga na ako.. " "Goodnight Miss Summer." "Goodnight." at agad na akong tumalikod papuntang pintuan nang bigla ko siyang nilingon.. "Ahm, nagkita na ba tayo dati kasi parang familiar ka sa akin, di ko lang matandaan kung saan.."  "Hindi ko po alam .. Ngayon lang ako napadpad sa lugar niyo Miss Summer.. Baka ibang tao yun."  " Taga saan ka pala?"  " Sa kabilang Isla Miss Summer... Napadpad ako dito para maghanap ng trabaho at eksakto binigay sa akin ni Maam Emilia ang trabaho na to nung sabihin ko sa kanya na isa akong private nurse." sagot niya.. napakaamo ng kanyang mukha.. Hindi mo talaga siya makakitaan ng masama.. " I see.. sige.. Goodnight Pearl." at agad na akong lumabas ng kwarto ..  --------- Hindi ako makatulog kahit ano nalang posisyon ko sa higaan .. Wala pa rin.. Ughh! Kaya bumangon ako at nagpuntang dining.. Kumuha ng tubig.. At uminum.. "Ayyy sorry.. Kala ko walang tao.." biglang pasok ni Pearl.. "No . Okay lang.. Uminom lang ako ng tubig." "Hindi ka ba makatulog?" tanong niya sa akin at kumuha din siya ng tubig..  "Ewan ko ba.. Ganitong oras talaga ang hirap kung makatulog... Parang may gusto akong puntahan. Makita.. " sabay titig ko sa kanya ... "Sorry. Madaldal ba ako?"  "Okay lang Miss Summer ."  "Summer nalang.." sabay tinginan naming dalawa.. "Okay Summer ." ngumiti siy.. bakit pamilyar sa akin ang babaeng ito.. ngiti niya. mukha niya.  "Ahm salamat pala sa pag aalaga kay Papa. " "Ginawa ko lang ang trabaho ko ."  " Salamat pa rin..sige ha parang inaantok na ako.." at tumalikod na ako sa kanya.. "Summer.."  Biglang tawag niya sa akin.. Ang boses niya .. Kaya agad akong napalingon sa kanya. "Welcome back." sambit niya.. nagtaka naman ako.. tiningnan ko lang siya at tumango lang ako at agad nang lumabas ng dining area ...  Anong meron kay Pearl. Kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya.. Bakit ganito? Ughhh!!  Makatulog na nga lang...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD