Chapter 7

1016 Words
-Princess Vanora- * Halos araw- araw na kami nagkikita ni Summer sa ibabaw ng dagat.. Hindi ko maintindihan sarili ko .. Iba pakiramdam ko sa kanya na hindi ko alam kung ano ba ito..  Ang tanging alam ko lang masaya ako pagkasama siya.. At gusto ko siya makita palagi at ganun din siya.. Yan ang palagi niyang sinasabi sa akin pag magkasama kami.. Tama ba itong naramdaman ko sa kanya.. At naramdaman niya para sa akin ...  "Malalim yata ang iniisip ng mahal na Prinsesa?"  "Nanang?" "Napapansin ko simula ng mapalapit ka sa taong lupa na yun palagi ka nalang nag iisip ng malalim at minsan ngumingiti mag isa.. Ano ang ibig sabihin ng mga ngiti na yun apo?" tanong ni Nanang sa akin sabay haplos sa buhok ko..  "Hindi ko din maintindihan, bakit ganito Nanang, masaya kaming dalawa ni Summer pag magkasama kami. Pinapasaya niya ako at ganun din siya.. Napapasaya ko siya.. Masarap sa pakiramdam.. Nanang, posible bang magkaibigan ang dalawang nilalang na kapareho ng kasarian?"  "Bakit umiibig ka na sa taga lupa?" usisa ni Nanang.. "Umiibig na ba ang naramdaman ko para sa kanya?"  "Vanora, walang pinipili ang pag ibig. Mababae man ito at lalaki at Uu ,posible ito pero posible lang ito sa mga tao.. Pero hindi sa kagaya nating mga sirena.. Malas ito para sa atin na iibig ka sa kapwa babae at isa pang taga lupa mahal kong prinsesa.. At huwag mo itong ipagsabi kahit kanino lalo na sa Mahal na Reyna.. Hinding hindi kana papayagan na lumabas pa ng kaharian kung malalaman niya na umiibig ka sa taga lupa Vanora." "Nanang, iiwasan ko na ba siya?"  "Kung yan ang maari para hindi ka tuluyang mahulog sa kanya.." tugon ni Nanang.. "Pero kailangan ako ni Summer." "Wala kang maitutulong sa kanya Vanora alam mo yan.. O siya apo ko magpahinga kana at matutulog na ako sa aking luklukan.." dinampian ni Nanang ng halik ang aking noo at agad na itong lumabas sa aking pahingaan.. Hayss! -------- "Kanina ko pa napapansin na tahimik ka , may problema ba?" tanong ni Summer sa akin habang magkatabi kaming nakaupo sa ibabaw , sa may harapan ,ng kanyang sasakyang pandagat sa ilalim ng maliwanang na buwan..sa gitna ng laot. "Patawarin mo ako, alam kung hindi natin napag usapan kung ano talaga ang pakay mo bakit nagpupunta ka dito.. Pero alam ko at malungkot ko mang sabihin sayo na hindi kita matutulungan sa kailangan mo Summer.. Gusto kitang tulungan pero wala akong magagawa .. Hindi ang katulad ko ang makakatulong at makakalunas sa karamdaman ng iyong ama."  "Alam mo ang karamdaman ng aking ama at ano ang ibig mong sabihin na hindi ikaw ang kailangan ko? Vanora, kahit ikaw pa ang makakalunas sa karamdaman ng ama ko ,hindi ko kayang patayin ka ..hindi ko kayang saktan ka dahil ... " "Huwag mo ng ituloy.." pigil ko sa kanya.. "Summer , wala na ang mga sirena na makakalunas sa karamdaman ng ama mo.. Sirena na mapupula ang mga dugo ,sila lang ang tanging merong kapangyarihan na makakalunas ng ano mang karamdaman .. At hindi ang sirena na katulad ko ,katulad namin dahil asul ang dugo na dumadaloy sa mga ugat namin.. At wala kaming sapat na kapangyarihan na katulad sa mga mapupulang dugo na mga sirena.. "  Napatitig sa akin si Summer... "Dahil pinatay sila ng nga taong sakim sa yaman.. sakim sa kapangyarihan.. Ang sasama nila .. " sabay tulo ng mga luha ko .. Hinawakan ni Summer ang magkabila kong pisngi.. sabay pahid sa aking mga luha.. at nagkatitigan kaming dalawa.. "Hindi lahat ng tao masama.. Hindi ako masamang tao... Pula man ang iyong dugo o asul o ano pa yan, hindi ko kayang saktan ka .. Hindi ko kaya Vanora.."  hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay at tinanggal ito sa mukha ko sabay iwas ko sa mga mata niya.. tumayo ako at tumalikod sa kanya.. "Huwag  ka ng bumalik dito, iwasan mo na ako.. "  "What? Anong pinagsasabi mo?"  Tumayo si Summer at hinarap ako.. "May problema ba tayo, kung inalala mo na saktan kita katulad ng ibang tao na ,nananakit ng Sirena, ako hindi.. Hindi Vanora.."  "Dahil ayukong mahulog ng tuluyan ang loob mo sa akin, ayukong masaktan ka .. Ayukong saktan ka.. Summer, mahirap sa kalooban ko pero kailangan mo na akong iwasan at kalimutan.." at napaiyak ako.. "Wow, ano to, buburahin mo memorya ko? Katulad ng mga napapanuod ko sa movie? Ang daya mo naman, ayaw mo akong saktan, tas ngayon nasasaktan mo na ako Vanora.. dahil Mahal na kita.."  "Summer?" "I love you .. Mahal kita ." sabay hawak niya sa dalawa kong kamay..   "Kung tao lang ako katulad mo.. Posible sa ating dalawa ang magmahalan.. Pero hindi ako tao, isa akong sirena at hindi posible sa amin dahil nagdadala ito ng malas sa kaharian namin .. Sana maintidihan mo ako... Kung mahal mo ako.. Palayain na natin ang isat isa.. Masasaktan lang tayo." "Vanora?" "Mahal din kita Summer.. Nahuhulog na ang loob ko sayo.. At natatakot ako para sayo at para sa kaharian namin kaya putulin na natin lahat ito.. Patawad!"  Agad kung yinakap si Summer.. Humahagulgul siya sa pag iyak..  "No Vanora.. Huwag mong gawin sa akin to..."  Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya sabay dampi ng halik sa kanyang mga labi.. at tumalikod na ako..  Lulusong na sana ako sa tubig ng hawakan niya ang braso ko sabay halik niya sa aking mga labi..  Masarap na halikan ang sinaluhan naming dalawa ni Summer habang tumutulo ang aming mga luha..  "I love you." sambit ni Summer..nang matanggal na ang mga labi sa isat isa .. "Mahal na mahal din kita .. Alagaan mo ang sarili mo.. Andito lang ako sa paligid at babantayan kita .. Pero patawad , masakit man sa akin pero kailangan kung gawin sa iyo to dahil ayukong saktan ka at may mabigat na dinadala sa iyong dibdib.. "  "Huwag Vanora.  Huwag!"  "Paalam Summer ,hanggang sa muli nating pagkikita" sabay haplos ko sa kanyang ulo at agad siyang nakatulog..  Dinala ko ang kanyang sasakyan sa dalampasigan katulad ng pagdala ko nung unsa ko siyang sinagip..  Lumusong na ako sa tubig nang maihatid ko na ito.. Mabigat sa dibdib pero kailangan ko itong gawin para sa ikakabuti naming dalawa.. masakit pero wala akong magagawa..  "Paalam Summer .. "  At agad na akong lumangoy pabalik sa aming kaharian sa ilalim ng karagatan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD