Chapter 13

1261 Words
-Pearl (PV)-  * "Ipapahamak mo ang sarili mo para maligtas ang dalawang sirena na nasa kamay ng taga lupa."  "Ina , hindi lang sila kung sinong sirena.. Mahal na Reyna , si Haring Alon at si Reyna Alena ang ikinulong ng taga lupa. " tugon ko kay Inang Reyna.. "Ano? Totoo ba ang sinabi mo Vanora?"  "Mahal na Reyna hindi ako nagkakamali, yung larawan na nakita ko sa palasyo nila, sila din ang ang ikinulong ni Miggy."  "Dalawa lang ba ang nakita mo Vanora? Nasaan ang Prinsesa Adrielle?" usisa ni Inang Reyna.   "Yan ang hindi ko alam Ina.. Dalawa lang ang ikinulong sa malaking aquarium.. Kailangan ko silang tulungan."  "Mapapahamak ka.."  "Uuwi ako dito ng buhay Mahal na Reyna.. Pangako yan."  At agad yinakap ako ng Mahal na Reyna.. "Napakabuti mo anak.." "Uuwi ako ng buhay Mahal na Reyna."  Tumango si Ina.. At binigyan niya ako ng sapat na kapangyarihan para labanan ang sakim na taga lupa at matulungan ang Hari at Reyna..  --- "Pearl? What are you doing here ?" si Miggy..  "Kung andito ka para pakiusapan na naman ako na pakawalan ang dalawang sirena.. Im so sorry hindi ko pa rin magagawa yan.. "  Pinuntahan ko si Miggy sa rest house niya.. "Pakawalan mo sila kapalit ko.. " "Kapalit mo? Ano bang magagawa mo.. Sirena ka ba? Mabibigyan mo ba ako ng kayamanan tulad ng ibinibigay nila sa akin?" sabay haplos niya sa pisngi ko..  "Kung sabihin kung Uu.."  "What? ha ha ha nagpapatawa ka ba?"  Hindi ako nagsalita.. Napalingon ako sa dalawang sirena..  "Palabasin mo sila sa aquarium.. At ako ang papalit sa kanila.."  "Seryuso ka ba?" nag iba ang anyo sa mukha ni Miggy..  "Palabasin mo sila .. at malalaman mo kung ano ang sinasabi ko.."  Napatitig sa akin si Miggy.. Hindi siya makapaniwala sa aking sinabi..  "Palabasin mo sila!!"  "Okay okay!"  At agad binuksan ni Miggy ang itaas na bahagi ng aquarium .. Tinawag niya ang kanyang tatlong tauhan at kinuha isa isa ang dalawang sirena palabas sa kanilang malaking kulungan..  Inihiga ang dalawa sa sahig.. At ilang sandali ay nagkaroon sila ng mga paa.. Agad kung binigay ang mga damit na dala ko para masuot nila..  "Sino ka?" tanong ni Haring Alon..  "Ako si Vanora.. Prinsesa Vanora ang anak ni Reyna Almera..at andito ako para pakawalan kayo... Kailangan kayo ng iyong kaharian." tugon ko sa kanilang dalawa.. "Prinsesa Vanora.. Ang anak ni Reyna Almera.. Ang laki mo ha Vanora.. Napakabuti mo mahal na prinsesa." sambit ni Reyna Alena.. "Si Prinsesa Adrielle nasaan siya?"  "Tama na ang chitchat Pearl.. Pakita mo na sa akin kung ano ka.. Kapalit ng kalayaan ng dalawa." si Miggy.. "Kailangan niyo pong umalis.. Dumeretso kayo sa kaharian ng Ina kong Reyna.. Hinihintay na kayo ng kaharian namin.." . "Pearl, hanapin mo si Prinsesa Adrielle.. Iuwi mo ang anak ko.. Iuwi mo siya."  Tumango ako .. at  bigla na silang nawala.. Napabuntong hininga ako.. Saan ko hahanapin ang Prinsesa..  "So ano Pearl? Anong pakinabang ko sayo?"  "Nasaan si Prinsesa Adrielle, ang anak nila?"  "Prinsesa Adrielle?"  "Nasaan Miggy?" sabay hawak ko sa kanyang braso.. mahigpit ang pagkakahawak ko na nagpangiwi sa mukha ni Miggy.. "Fvck.. Bitawan mo ako.. Sino ka?"  "NASAAN ANG PRINSESA?"  "Hi-hindi ko alam.. Binigay lang ni Daddy sa akin ang dalawang sirena.. Wala silang ibang kasama sila lang.."  "Nasaan ang daddy mo?"  "Wala dito.. Nasa ibang bansa.. Bitawan mo ako Pearl,  mababali na ang braso ko.. Tang ena ka.." pilit kumalas si Miggy sa pagkakahawak ko sa kanyang braso...  "Hindi ako naniniwala sayo.. Saan ko matatagpuan ang prinsesa .. saan?" tanong ko ulit kay Miggy.. "Si Tito Gilberto, siya ang tanungin mo.. Sila ni Daddy ang magkasama ng hulihin ang nga sirena.. Sa kanya ka magtanong ..dahil wala akong alam .. Wala Pearl."  Si Sir Gilberto? Ang ama ni Summer... Agad kung nabitawan si Miggy.. Napahawak siya sa kanyang braso.  .. "Wala kang matatandaan Miggy at kakalimutan mo na ang dalawang sirena at kakalimutan mong nagkakilala tayo.." sambit ko kay Miggy sabay hawak sa kanyang ulo.. at agad akong nawala sa paningin niya..   --- "Pearl hija, halika, ipakilala kita kay Gilberto.. Alam mo ba na kenwento kita sa kanya.. At gusto ka niyang makilala hija, akala ko hindi ka na babalik kasi magaling na si Sir mo.. Babalik ka pa rin dito Pearl kahit anong oras gusto mo.."  Ngumiti lang ako kay Maam Emilia... at dinala niya ako sa balcony ng kanilang bahay at agad kung nakita si Summer.. si Georgia at si Sir Gilberto..  Gusto kong bumalik palabas ng bahay pero andito na ako.. Bahala na..  Nakatitig sa akin Summer.. at napatingin naman sa akin si Georgia.. habang papalapit kami sa kanila.. "Gilberto meet Pearl, yung nag aalaga sayo.. Yung kenwento ko sayo.. " pakilala ni Maam Emilia kay Sir Gilberto.. "Pearl, hija, sa wakas nakilala na rin kita.. " tumayo siya at agad akong yinakap.. "Maraming salamat Pearl."  "Walang anuman Sir Gilberto.. Ginawa ko lang po ang trabaho ko.."  "Maraming salamat pa rin.. Soo may trabaho ka bang iba ngayon kasi kung wala, ipapasok kita na trabaho sa resort kung gusto mo hija, pasasalamat ko na rin sayo.. May clinic kami sa resort pero walang nurse tuwing gabi so plano ko sana na ilagay ka dun..kung okay lang sayo?" Bigla akong nakadama ng saya.. Makakasama ko pa rin si Summer at makakahanap ako ng paraan para malaman kung nasaan si Prinsesa Adrielle.. "Tatanggapin mo ba ang inaalok ko.." "Hija mag Yes kana para dito ka pa rin sa amin.. " si Maam Emilia...  Napatingin ako kay Summer.. Tumango siya .. Napatingin naman si Georgia sa kanya at halatang naiinis..  "Okay po Sir ,tinatanggap ko po ang alok niyo."  "Good .. Good Pearl.. "  "Maraming Salamat "  "Oh Sum, samahan mo si Pearl, ipakita mo sa kanya ang kanyang magiging workplace  .. ang clinic at ipasyal mo na rin siya sa buong resort.." utos niya kay Summer.  "Ngayon na Pa?"  "Yes and hija Georgia dito ka nalang muna samahan mo kami ni Tita Emilia mo.."  "Di ba ako pwedeng sumama sa kanila." agad tanong ni Georgia.. na hindi maipinta ang mukha... "Nah! Kaya na ni Summer si Pearl..o sige na punta na kayo sa resort Sum, Pearl."  At agad na kaming lumabas ng bahay.. Naglakad na kami sa dalampasigan papuntang resort.. Walang imikan sa isat isa..  Dumating na kami sa resort at dumeretso kami sa isang malaking clinic.. Kompleto sa gamit . Lahat ng gamot andito..  "Ahm, ito ang magiging workplace mo.. Magsisimula ka from 8pm to 4am..." sa wakas narinig ko na rin boses niya.. "Okay." "Magsisimula kana bukas at yung sahod mo si Papa na ang bahala."  "Okay." tipid kung sagot..  At bigla akong hinarap ni Summer at yinakap ng mahigpit sabay sabi... "At bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit ka biglang nawala? Akala ko ba importante ako sayo? Pinahirapan mo ako alam mo ba yun."   Napangiti ako sa sinabi niya habang niyayakap pa rin niya ako..  "Hindi mo ba ako namiss? Hindi mo ba ako yayakapin?" patuloy niya.  "Ito na , yayakapin na.." at tinugunan ko ang kanyang yakap.. "Hindi mo ba ako ba miss kasi ako miss na miss kita Pearl." at dinampian niya ng halik ang ulo ko .  "Miss din kita kaya nga ako andito para makita ka." sabay taas ng mukha ko at tumingin sa kanya.. tumingin din siya sa akin habang magkayakap sa isat isa..  "So ako ang pinuntahan mo dito?" "Uu.. Kasi nga miss kita." At agad napangiti si Summer sa sinabi ko sabay dampi ng halik sa aking mga labi.. at agad din akong napangiti..  "Huwag ka ng mawawala please."  "Paano pa ako mawawala eh may bago akong trabaho dito." sagot ko sa kanya sabay ngiti.. "Mahal kita .. Ikaw lang Pearl." "Alam ko .. "  At agad nagyakapan ulit kami ng mahigpit.. Masaya ako na malungkot na hindi ko alam.. halo halo ang nararamdaman ko ngayon.. Pero bahala na .. Ang importante magkasama kami ni Summer at alam kung malalampasan namin lahat ito at matutulungan niya din ako na hanapin ang Prinsesa Adrielle at maibabalik sa piling ng kanyang mga magulang at magsimula ng bagong buhay sa kanilang kaharian...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD