-Summer-
*
"Pwede ba Georgia? Tigilan mo ako, ikaw ang tumira sa akin dito, alam mo naman na hindi kita mahal pero pinagpilitan mo sarili mo sa akin.. so pwede bha?" ito na naman kami ni Georgia.. nag aaway na naman . .. walang araw na hindi nagbabangayan... nag aaway.. nagsusumbatan.. ughhh nakakapagod na..
"Huwag mong kalimutan na dahil sa amin, kay Miggy gumaling ang ama mo.. huwag mo yang kalimutan.. "
"Uu na at dahil dun nahihirapan ako ngayon, di ka ba naawa sa akin, sa sarili mo.. hindi tayo masaya.. palayain na natin mga sarili natin Georg, maawa ka na sa sarili mo." patuloy ko.. at parang wala siyang naririnig.. ughh!
"Dahil ba ka Pearl ha? iba ang tinginan niyo sa isat isa.. halatang halata Sum, kaya huwag kana magkaila.. siya ba? siya ba ang pinagpalit mo sa akin? siya bha?"
"Si Pearl man o hindi o kung sino man , wala ka na dun, wala ka ng pakialam kaya pwede bah umuwi kana sa inyu.. at hindi ako natatakot sa kapatid mo."
"Talaga lang ha? At bakit ako uuwi para maging masaya ka.. At ako? Ano? Ganito? Magstay ako dito para pareho tayong hindi magiging masaya!"
"Fine! Magstay ka dito at ako ang aalis!" patuloy pa rin ang pag aaway namin..
"Georgia , Summer tama na yan. Ano ba? Yung mga boses niyo naririnig sa labas.. Para kayong mga bata. " biglang pasok ni Mama sa kwarto ko..
"Ito kasing babae na to eh! Ugghh! Nakakainis!"
Lumabas ako ng kwarto at iniwan si Mama at Georgia .. Pumunta ako sa resort at dumeretso sa clinic ni Pearl..
"Owh Sum, naparito ka?" si Papa..nang madatnan kung nag uusap sila ni Pearl.
"Ahm kausapin ko lang sana si Pearl Pa. Pero kung hindi pa kayo tapos ,babalik nalang ako.."
"No No. Tapos na kaming mag usap. Kinumusta ko lang siya sa kanyang bagong trabaho.." sagot ni Papa.. "Ohh siya, Pearl.. See you around."
Paalam ni Papa at lumabas na ito sa clinic ni Pearl..
"Anong pinag usapan ninyo?" agad kung tanong..
"Nagtatanong lang siya kung may nakikita ba kaming sirena sa isla.. "
"At bakit niya natanong? Interesado paba siya sa mga sirena? Di ba siya nadala sa nangyari sa kanya?"
"Di ko alam." tipid na sagot ni Pearl. "Ahm may balita ka ba kay Miggy?"
"Nope! Di ko nga alam eh, hindi na nagpaparamdam ang hambog na yun." sagot ko.. "Ahm how are you, i miss you." sabay lapit ko kay Pearl at dampi ng halik sa noo niya.. agad naman siyang napangiti...
"WOW ANG SWEET, REALLY SUMMER?"
Nagulat kaming dalawa ni Pearl ng biglang pumasok si Georgia sa clinic..
"ANG LANDI MO NAMAN TALAGA BABAE KA, HINDI AKO NAGKAMALi, MAY RELASYON KAYO!" pasigaw ni Georgia.. Susugurin sana niya si Pearl nang agad ko.itong mahawakan..
"Georgia tama na .. Wala kang pakialam sa amin ni Pearl, ikaw ang sumisiksik dito.. sa buhay ko.. Ikaw ang unang nagloko.. Wala na tayo at kung may iba akong mahal ngayon uulitin ko sayo.. Wala kana dun kaya pwede bah?" sabay hila ko kay Georgia palabas ng clinic..
"Bitawan mo ako.. " pagpupumiglas ni Georgia..at binitawan ko siya pagkalabas namin sa resort..
PAK!!!!
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko..
"How dare you Sum, wala kang karapatan na saktan ako ng ganito.. Gusto mong lumayas ako? Sige.. lalayas ako but sisiguraduhin ko na gagawin kung emperno ang buhay niyong dalawa.." sabay duro ni Georgia sa akin habang nakahawak ako sa nasampal kung pisngi..
"Palayain mo na ako Georg, hayaan mo na kami ni Pearl. "
"What? Hahayaan ? NO! magdudusa tayo pareho.. Tandaan mo ito Summer, hinding hindi kayo magiging masaya.." at agad siyang tumalikod. napahawak nalang ako sa aking noo...
---
"Im so sorry, di ko alam na pupunta siya dito."
"Huwag mo na yung patulan, alam mo naman na yun si Georgia at tama na yung pang aaway mo sa kanya.. Mahal ka niya." si Pearl.
"Di ako mahal nun. Wala lang siyang ibang matakbuhan kaya ito ako ang binubweset."
"Sige na . umuwi kana at magdinner. Di kapa kumakain kanina ka pa kasi dito at magwowork na muna ako."
"Babalikan kita mamaya."
Tumango si Pearl. Dinampian ko ng halik ang kanyang mga labi at lumabas na ako ng clinic..
---
"Mabuti at umuwi kana Sum, kanina ka pa namin hinihintay.." si Papa.. Nagtaka naman ako kasi andito lahat sila sa may sala..
"Hmm yeah? Ano pong meron?"
"Naalala mo nung pag gising ko humingi ako ng tawad sayo.. At ngayon nakahingi na rin ako ng tawad kay Elis .. Mga anak matagal na naming tinago ni Mama niyo to at ngayon oras na para malaman niyo ang sekretong ito." bigla akong kinabahan sa sinabi ni Papa..natameme naman si Ate sa isang tabi at napatingin sa akin si Georgia. Napasulyap naman ako kay Mama..
"Pa, deretsahin muna kami."
"May isa kayong kapatid." si Mama..
Halos malaglag ako sa upuan sa narinig ko..
"KAPATID?"
Nagkasabay pa talaga kami ni Ate Elis..
"Yes, natagpuan ko siya sa dalampasigan , limang taon na gulang siya at ngayon shes 24 . ..itinago ko siya sa ibang bansa dahil sa proteksyon at malalaman niyo rin pagdating ng tamang oras kung ano ang proteksyon na sinasabi ko..At umuwi na siya .. In fact, papunta na siya dito galing airport. Pinasundo ko kay Mang Pedring."
Parang nalulun ko yung dila ko.. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.. Totoo ba tong narinig ko..
"At ngayon niyo lang nasabi sa amin ang katotohonan sa tagal ng panahon?" si Ate Elis.
"Dahil delikado at nagkasakit si Papa mo Elis at wala akong lakas ng loob para sabihin sa inyu mag isa." si Mama..
Natigil ang pag uusap namin nang may sasakyang dumating..
"Andito na siya." sambit ni Papa . Agad siyang tumayo at sinalubong ang sinabi niyang kapatid namin or let's say "ampon".
"Aliyah, welcome home anak." narinig ko kay Papa..
"Hey Dad, i miss you." magandang boses ang sumagot..
"Aliyah, anak."
"Mom.."
Mga naririnig ko sa labas... Gosh! Nanaginip ba ako.
"Pasok na tayo. Naghihintay na ang mga kapatid mo sa loob" narinig ko kay Papa..
Kapatid? Wow!! Really! Napailing nalang si Ate Elis sa kanyang narinig..
Isang napakagandang babae ang kasama nina Mama at Papa at ito na ata ang sinasabi nilang kapatid namin.. Nakangiti ito sa amin.. Tumayo si Ate at sinalubong siya..at nakipagkilala..
"Hi. Im Aliyah.. "harap niya sa akin na nakangiti at tumayo ako..
"Summer." tipid kung sagot sabay beso sa kanya.. at nakipagkilala din sa kanya si Georgia..
Nagkasiyahan sila sa pagdating ng kapatid ko kunu. At wala akong ganang makisali sa kanila.
Really??? Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko.. Ano pa kaya ang tinatago ng pamilyang ito? Ano pa kaya??
Ugghhh!!!