Chapter 25 : Imp at Misyon Luna POV Nasa taas ako ng puno habang tinitignan ko ang kabuuan ng Academy. Kahit kami lang ang studyante ngayon sa Academy ay buhay na buhay ito dahil sa iba't ibang pailaw na naging palamuti sa Academy tuwing gabi. Nandito ako sa nakatokang pwesto ko upang magbantay hanggang mamayang ala-una ng madaling araw. Si Leo ang naghati-hati sa amin upang magbantay. Sina Allu at Celestina naman ay napag alamanan ko na kasama ni ama papunta sa kaharian ng Tierra upang subukan na gamutin si Haring Elizar. "Luna, heto," bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Leo habang may dala siyang isang tinapay at inumin. "Kumain ka muns matagal pa tayo magbabantay rito." "Pero hindi ako nagugutom, saka bakit ka umalis sa iyong pwesto?" tanong ko sa kanya dahil ang usapan ay wala

