bc

Devron Academy 2 : Ang Ikalawang Yugto

book_age16+
712
FOLLOW
2.1K
READ
adventure
powerful
princess
drama
bxg
mystery
magical world
another world
superpower
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Sa pagwawakas ng isang kwento ay may sisibol muli na panibagong yugto.

Akala nila Luna ay dito na magtatapos ang mga problemang kanilang kahaharapin. Ngunit nagkakamali sila. Dahil dito pa lang magsisimula ang totoong labanan.

Marami pa silang haharapin na misyon at kailangan nilang pagtagumpayan ang mga ito upang mapigilan nila ang Dark Lord sa nalalapit na digmaan sa Majika.

Muli nating samahan sina Luna sa ikalawang yugto ng kanilang buhay sa Majika kung saan lahat ng bagay ay puno nang hiwaga at mahika!

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : Bagong kalaban?
Luna POV "Mas lalo kang gumanda Luna," bulalas ni Antonette nang matapos niyang lagyan ako ng kolorete sa aking mukha. Napatingin naman ako sa salamin. Parang hindi ako ang nakikita ko sa salamin. Napangiti tuloy ako sa aking sarili. "Sabi ko sa'yo bagay ang napili kong damit," malumanay at nakangiting sabi ni Kristal. Napalingon naman ako kay Kristal at niyakap siya tanda ng aking pasasalamat sa kanya. "Salamat Kristal, dahil pinahiram mo ako ng iyong kasuotan kung hindi ay hindi ako makakadalo sa kasiyahan ngayon," nakangiti kong sabi kay Kristal na siyang kanyang ikinangiti rin. "Oo nga, paano ba naman si Headmaster Grim , minsan na nga lang mag-anunsyo ng piging ay biglaan naman. Hindi tuloy tayo nakapaghanda ng maayos," nakangusong sagot ni Antonette. Pagkatapos kasi ng pagbibigay sa amin ng karangalan ay sinabi ni Headmaster Grim na magkakaroon kami ng piging at ang lahat ay pwedeng dumalo. Ang sabi pa nga nito ay walang pasok ang lahat upang makapagpahinga naman daw kami. Ito ang unang pagkakataon ko na dumalo sa piging sa Academy kaya naman ako ay nasasabik. Napatingin kami sa pintuan ng kwarto ni Kristal nang may kumatok. "Tapos na ba kayo mag ayos? Kayo na lang ang hinihintay namin," tanong ni Hezreal. "Oo, palabas na kami," sagot naman ni Antonette. "Napaka bagal talaga kumilos ng mga babae, haynaku!" rinig naming sabi ni Smith. "May sinasabi ka ba Smith?" masungit na sabi ni Kristal kaya naman napa-peace sign si Smith. Bigla naman napadako ang tingin ko kay Leo na nakatulala sa akin. At napansin din iyon ng mga kasama namin. "Leo, ayos ka lang ba?" Nagtatakang tanong ko dahil hindi man lang ito kumukurap. "Majika ito Leoooo!!" sigawan ba naman ni Smith si Leo kaya naman bumalik sa wisyo si Leo. "Ang ganda mo," magkasabay na sabi nina Axter at Leo kaya biglang tumahimik at napakurap kurap ako. Okay! Anong nangyayari? "Ehem! Ano t-tara na? Baka tayo pa ang mahuli," pag-iiba ko ng usapan pero sabay namang inabot ni Leo at Axter ang kanilang mga kamay. "Grabe!" natatawang sabi ni Smith kaya naman nabatukan siya ni Antonette na halatang kinikilig sa kanyang nakikita. Tinignan ko sina Leo at Axter. Kapwa sila nakatingin sa akin. Ayaw nila magpatalo sa isa't isa. Isa lang ang pwede ko piliin dahil magmumukhang weirdo kung dalawa silang pipiliin ko. Aabutin ko na sana ang kamay ni Axter pero bigla lang may sumabog sa kung saan kasabay nun ay umulan ng dark violet energy ball sa kung saan kaya naman narinig namin ang iba't ibang sigawan sa labas. Kaya naman lumabas kami upang tignan. Kanya-kanyang takbuhan ang mga estudyante para makatago yung iba naman prinoprotektahan yung iba. Nakisali na din sina Headmaster Grim at ibang teacher para matulungan yung mga studyante na nasugatan. Ganun din kaming pito nagtulong tulong kami para hindi na dumami yung mga nasugatan. Wala pa din kasi tigil ang pag ulan ng bolang puno ng enerhiya. Kasabay nun ay may arrow pang kulay dark violet din ang sunod sunod na bumulusok. "Waaaaah!" Napatingin ako sa batang napada at puro dumi na ang damit. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo na may mga bata ring nag-aaral dito pero sa ibang building naman sila. Kaya ano ang ginagawa niya dito. Nakita ko na may isang arrow na mabilis nang bubulusok papunta sa bata kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na tumakbo papunta sa bata. Tatakbo pa sana ako habang yakap-yakap yung bata pero huli na din, ayan na yung arrow. Kaya ang ginawa ko tumalikod ako para kung sakali ay sa likuran ako matamaan ng arrow ang importante ligtas ang bata. Pumikit ako ng mariin. Hanggang dito na lang ba ang buhay ko? Pero ilang segundo ang lumipas wala akong naramdamang sakit kaya dinilat ko ang mata ko. Dumilim ang nasa paligid ko kaya naman napalingon ako na siyang ikinalaki ng mata ko. "W-wala ka talagang utak," sabi ni Leo saka may lumabas na dugo sa bibig niya. "L-Leo." Banggit ko sa pangalan niya at napatingin ako sa kaliwang dibdib niya. Umaagos paibaba ang dugo niya. Natamaan si Leo sa puso niya ng pana. "Hindi Leo, b-bakit?" naiiyak na sabi ko at umiiyak na din ang batang niligtas ko. "Leo!" rinig kong sigaw ni Hezreal. Hindi ko napansin na tumigil na din pala sa pag-atake ang mga kalaban. Lalo akong napaiyak nang mapaluhod si Leo habang panay ang labas ng dugo sa bibig niya. Pinipilit na lang din ni Leo na makahinga. "B-bakit ba lagi mo na lang akong nililigtas?!" iyak na tanong ko sa kanya. "Dadalhin ka na namin sa infirmary," tarantang dugtong ko at kinuha sa akin ni Smith ang bata. Kahit na hirap ay nagawa pa ring pitikin ni Leo ang noo ko na siyang lagi niyang ginagawa sa akin. Saka niya hinawakan ang pisngi ko. "T-tanga ka talaga! S-syempre..." huminto muna si Leo sa pagsasalita at madaming dugo nanaman ang lumabas sa bibig niya. "S-s-syempre m-mahal kita," sabi niya at bigla na lang siyang bumagsak sa akin. "Leo!!!!" "AAAAAH!" daing ni Leo sa loob ng kanyang silid dito sa Sacred Kingdom. Halos takpan ko na ang tenga ko dahil sa naririnig ko ang sigaw ni Leo ay para na din akong nasasaktan. Mahigit isang oras na siyang nahihirapan. Nandito kami nina Antonette , Smith , Kristal , Hezreal at Axter sa labas ng kanyang silid. Agad din naman kasing dumating ang kawal ng Sacred Kingdom ng malaman nilang inaatake ang Academy. Nagpasya si Headmaster na dalhin kami sa Sacred Kingdom. At huwag nang ituloy ang pagdiriwang dahil sa nangyari. Hindi pa sana kami papayag dahil gusto namin tumulong sa Academy pero higit daw kaming kailangan ni Leo. Ang sabi ng manggagamot ay hindi isang ordinaryong pana ang tumama kay Leo. Meron itong lason at unti-unti niyang papatayin ang katawan niya. Unti-unti muna itong kakalat papunta sa kanyang puso. Nakailang palit na din ng healer dahil sa kagustuhan naming gumaling si Leo. Napatawag na din ng mahal na hari ang pinakamagaling na manggagamot pero nanghina lang din ito sa pag-gamit ng healing ability niya. Pero masyadong mabilis daw kumalat ang lason sa dugo niya. Humingi din ako ng pahintulot na papainumin ko ng katas ng viburnum si Leo at pumayag naman agad ang mahal na hari at reyna. Gumaling ang lahat ng sugat nya sa tulong ng mga healers at katas ng viburnum. Pero mas lalo kaming nataranta nang naging kulay lila na ang kanyang labi. Sigaw pa din siya ng sigaw dahil sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang katawan. Bigla na lang sumigaw si Leo na lumabas daw kaming lahat. Ayaw pa nga sana namin lumabas lalo na ako. Pero nakiusap si Leo sa amin. Yung pakiusap na wag namin siyang kaawaan sabay daing sa sakit. Kaya naman inintindi na lang namin siya. Siguro ayaw niya lang na nakikita namin siya sa ganung kalagayan. "Wala man lang akong maitulong. Tanging pagtayo at paghihintay lang ang kaya kong gawin. Dahil nanaman sa akin nalagay nanaman siya peligro," Sabi ko sabay hagulgol at agad din naman akong nilapitan ni Antonette saka niyakap. "Sssh! Wag mong sisisihin ang sarili mo, mahal ka lang talaga ni Leo kaya ka niya nililigtas," pang-aalo sa akin ni Antonette. "Ikaw Luna mahal mo ba si Leo?" napatingin ako kay Kristal na nakatayo sa unahan ko. Mahal ko nga ba si Leo? Maging ako ay naguguluhan pa din. Kaya naman hindi agad ako nakasagot kay Kristal. "Mukhang mababalewala ang pagsasakripisyo ni Leo," Walanh emosyong sabi ni Kristal at masama itong nakatingin sa akin. Akala ko magiging masaya ang gabing ito. Dahil kanina lamang ay ang saya saya namin dahil sa natanggap naming parangal. Pero bakit ganito? Tila binawi naman agad sa amin ang kasiyahang iyon. "Kristal tama na yan," Saway ni Hezreal kay Kristal. "Bakit? Simula nang dumating naman sila sa Academy na 'to puro na lang kamalasan at pag atake sa Academy ang nangyayare ah!" sigaw ni Kristal at hinarap niya si Hezreal. "Bakit ba parati na lang si Luna ang sinisisi n'yo? Ganyan ba talaga kakitid ang utak ninyo?!" nakisali na din si Axter at hinarap na din niya si Kristal. "Ah oo nga pala, kasalanan mo rin pala. Alam mong hinahanap ng Grisser Clan si Luna diba? Eh bakit dito mo pa siya dinala? Malamang aatakehin nila ang Academy oras na malaman nilang buhay ang bagong tagapangalaga ng mga mahiwagang bato! Na buhay ang nag iisang prinsesa ng White Clan! Tiyak din akong nakikipagtulungan na sila sa dark shadow ngayon," lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Kristal. "Pero paano? Naging maingat ako sa pag aayos ng katauhan ni Luna dito. Tayo-tayo lang ang nakakaalam," hindi maipinta ang mukha ni Axter. "I-ibig sabihin dahil sa akin nasira ang mga gusali sa Academy? At d-dahil sa akin madami ang nasaktan lalo na si Leo," muli nanaman akong napahangulgol sa mga narinig ko. "Ano ba ang sinasabi mo Kristal?" naguguluhan ding tanong ni Antonette. "Nakita ko ito na pinulot at binasa ni Leo habang nasa kalagitnaan ng pag-atake. Alam na nilang buhay ang prinsesa ng White Clan," sabi ni Kristal at may inabot siyang papel kay Antonette. "Isuko niyo na ang bagong tagapangalaga ng mga gem stones. Kung hindi ay madadamay ang lahat ng studyante niyo." Yan ang nakasaad sa sulat. "Ang Grisser Clan at dark shadow lang naman ang naghahabol sa gem stone. At malamang sila nga ang may gawa ng kaguluhang ito. Hindi talaga sila tumitigil," sabi naman ni Axter. "Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit ako nagagalit ngayon. Nadadamay ang mga inosente sa pagitan ng away ng White Clan at Grisser Clan," sabi naman ni Kristal. "Hindi lang ito sa pagitan nila Kristal," napatingin kami sa nagsalita at nagulat kami dahil nandito na pala si Headmaster Grim. "Headmaster Grim," sabay-sabay naming wika. "Ano ba ang ginagawa niyo sa Academy? Bakit simula pagkabata ay nag-eensayo na kayo sa paaralang ito?" Mahinahong tanong ni Headmaster kay Kristal. "Para makontrol namin ang aming kapangyarihan at maging malakas Headmaster," mabilis na sagot ni Kristal. "Eh bakit dapat makontrol n'yo nang tama at maging malakas ang inyong mga kapangyarihan?" muli nanamang tanong ni Headmaster. "Para maprotektahan ang mga mamamayang naninirahan dito sa ating mundo pati na din ang mahihina o walang kakayahang lumaban sa masasamang uhaw sa kapangyarihan." muli nanamang sagot ni Kristal at tila natauhan siya dahil sa kanyang sinagot. "Mukhang nakuha mo na kung ano ang gusto kong iparating Kristal," makangiting sabi ni Headmaster saka tumango naman si Kristal at nakayuko na ito. "Mula noon pa man ay ganid na sa kasamaan ang Grisser Clan. Kaya sila nahiwalay sa samahan ng ibang imperyo at kaharian ay dahil sa pagiging baluktot ng kanilang pamamalakad sa kanilang nasasakupan. Naging ganid sila sa yaman at kapangyarihan. Kaya ninais din nilang makuha ang mga gem stone ay dahil makakatulong ito sa masama nilang binabalak," mahabang sinabi ni Headmaster. "At kung totoo nga na si Luna ang prinsesa ng White Clan ay dapat natin siyang protektahan kasabay ng pag protekta natin sa mga gem stones. Dahil mahalaga ang gagampanan ni Luna sa kasaysayan ng Majika. Hindi ba Smith at Axter?" nakangiting tanong ni Smith na kanina pa pala nakatulala. "A-anong ibig niyong sabihin?" naguguluhan na talaga ako. "Ang ibig sabihin ay nakatadhana na itong mangyari," Sagot naman ni Axter. "Oo nga kayo naman yun lang di niyo pa maintindihan," kamot-kamot ulong sagot ni Smith sabay tumawa siya ng may pagkailang. Napalingon kami sa kwarto ni Leo nang may narinig kaming kalabog at ingay na parang naglalaban. Kaya naman dali dali kaming pumasok sa kwarto ni Leo. "Sila yung umatake sa amin at nagtangkang kunin ang nabawi naming mga gem stones!" ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.0K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.2K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
470.8K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

Marrying My Fiancee

read
461.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook