Chapter 2 : Kasunduan

1193 Words
Luna POV Pagkapasok namin sa kwarto ni Leo ay sobrang init ng kapaligiran. Nakatutok sa lalakeng naka-cloak ang espada ng mahal na hari na ama ni Leo at nababalutan ng pulang apoy ang espada ni King Felix. May kasama pa ‘yung lalakeng naka-cloak. Samantalang si Queen Lyra naman ay hawak ang kamay ni Leo at nakataas ang dulo ng buhok nito na handang sumugod sa kalaban. Ang maamong mukha ni Queen Lyra ay napalitan ng isang nakakatakot. "Sino kayo at anong ginagawa niyo para pumasok sa loob ng silid ng aking anak?" maawtoridad na tanong ni King Felix. "King Felix sila ‘yung sumugod sa amin at pinahirapan kami. Tinangka pa nilang makuha ang mga gem stone na aming pinaghirapan," sumbong ni Antonette. "Hindi ako makakapayag na makatapak pa kayo sa sagradong kahariang ito!" sabi ni King Felix at gagamitin na sana ni King Felix ang kanyang kapangyarihan pero agad naman nagsalita yung lalakeng naka-cloak. Ano nanaman ba ang binabalak nila? "Akala ko ba gusto niyo gumaling ang prinsipe niyo?" tanong niya at may pinakita siyang maliit na bote na kulay dark violet. "Anong gusto mong iparating?" T tanong ni King Felix. "Pumunta kami dito upang makatulong hindi para makipaglaban. Namangha ako sa aking talino at tapang ng iyong anak kaya naman bibigyan ko pa siya ng pagkakataong mabuhay," nagulat kami sa sinabi ng lalakeng naka-cloak. "Paano kami makakasigurado na totoo ang sinasabi mo?" tanong ni Queen Lyra at huminahon na ang kanyang mukha. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang tanggalin niya ang hood ng cloak niya na tumatakip sa kanyang mukha. "G-guro?" tanging nasambit ko. Sa wakas nakita ko ulit si Gurong Marcus pero hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon ko siya makikita. "Maligayang muling pagkikita Luna,” nakangiti nitong sabi sa akin. "Magkakilala kayo?" tanong sa akin ni Antonette. "Oo," sagot ko. "Kung ganun Luna mapagkakatiwalaan ba siya?" ramdam ko sa boses ng mahal na hari ang awtoridad. "Opo, pero ang hindi ko lang alam ay kung bakit niya kami inatake ng mga oras na pauwi na kami dito at dala-dala na namin ang mga gem stones. Mabait siya at tinulungan niya ako pero bakit niya ginawa iyon? Kahit pa sabihin na sa loob na konting panahon niya lamang ako naging mag aaral nararamdaman ko na isa siyang mabuti,” kwento ko. "Luna hindi sa lahat ng oras sayo ako papanig na ikaw lagi ang kakampihan ko. Nakumpleto mo ang pag-eensayo mo sa ilalim ko at hanggang doon na lamang iyon,” seryosong paliwanag ni Gurong Marcus. "G-guro…" hindi ko alam pero sumisikip ang dibdib ko. Nasasaktan ako sa binitawan niyang salita, tinuring ko pa naman siyang ama. "Kung wala na dapat akong sagutin ay pwede ko na ba malaman ang inyong kasagutan sa aking alok?” tanong nito at itinaas niya ang bote ng gamot. “Tumatakbo ang oras para sa mahal na prinsipe.” dugtong na sabi ni Gurong Marcus at nakatingin na ito sa mahal na hari. Bumalik na sa dating temperatura ang silid at pinasok na ng mahal na hari ang kanyang espada sa lagyanan nito. "Alam ko na ang taong katulad mo ay hindi tutulong ng walang kapalit,” seryosong sabi ni King Felix na siyang ikinatawa ni Gurong Marcus. "King Felix marunong talaga kayo tumingin ng katauhan," magiliw na sabi ni King Felix pagkatapos ay naging seryoso na din ang mukha ni Gurong Marcus. "Hindi na ako magpapaligoy pa. Kapalit ng gamot na ito ay ipapakasal niyo sa anak kong babae si Prinsipe Leo," sabi ni gurong Marcus at napasinghap kami sa narinig namin. Napahawak ako sa dibdib ko. Lalong sumakit ang puso ko na para pang tinutusok ito ng libo-libong karayom. Nakaramdam din ako ng hilo at panghihina ng aking tuhod. Mabuti na lamang ay naalalayan ako agad ni Axter na nasa likuran ko lamang. "H-hindi,” bulong ko. "Nahihibang ka na ba? Alam mong nakasalalay ang kinabukasan ng buong Majika sa magiging lahi ni Leo, kaya hindi ganun kadali ang pagpili ng magiging asawa niya. At hindi pa ito ang panahon!" galit na sigaw ni Queen Lyra. "Tama ang aking reyna pero nakasalalay din ang buhay niya ngayon. Nasa panganib siya sa mga oras na ito. Masakit mang sabihin na pumapayag ako. Ayoko sana mangyari sa aking mga anak ang ganitong klase ng kasunduan pagdating sa buhay pag ibig nila. Pero tadhana na ang kusang dumating upang mangyari ito,” malungkot na sabi ni King Felix. "A-ayoko m-magpakasal sa i-iba! N-nanaisin k-ko na lang m-mamatay k-kung h-hindi si L-Luna ang m-mapapangasawa ko!" hirap na hirap na wika ni Leo. "Leo!" Sabi ko at dali dali akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. "Kanina ka pa ba gising? Kamusta na ang pakiramdam mo? ‘Wag ka na magsalita magpalakas ka na muna," umiiyak na sambit ko sa kanya. "N-napakaiyakin mo talaga," paos na sabi niya at pinunasan niya ang mga luha ko. "N-narinig niyo ako h-hindi ako papayag s-sa k-kasunduan na i-iyan kaya p-paalisin niyo sila! Aaaah!" Namilipit nanaman sa sakit si Leo. "W-wala na po bang ibang paraan?" Tanong ko kay Gurong Marcus. "Madaming paraan Luna pero kulang na kayo sa oras. Oo, mahal mo siya pero ano ang magagawa ng pagmamahalan niyong dalawa? Hanggang saan ito aabot? Kung puso ang lagi niyo susundin sa huli kayo pa din ang masasaktan at ang pinakamalala may madadamay pa kayong inosenteng nilalang. Hindi mo ba napapansin Luna? Malamig na ang kanyang katawan. Sa mga oras na ito ay pahina na nang pahina ang t***k ng kanyang puso." Mahabang sabi ni guro kaya naman nataranta kaming lahat sa narinig namin. Tama nga si gurong Marcus. Malamig na ang katawan niya at pahina na nang pahina ang t***k ng kanyang puso. Hinihingal na din siya na tila hinahabol niya ang kanyang paghinga. Napatingin ako sa boteng lumulutang sa harapan ko. Pinalutang ito ni Gurong Marcus papunta sa akin. "Kung mahal mo siya gagawin mo ang nararapat at ikabubuti ng taong mahal mo," sabi ni gurong Marcus. "Tama na yan! Pinapaikot niyo lang si Luna eh!" narinig ko ang sigaw ni Antonette. Napakagat ako sa labi ko. Nanginginig kong kinuha ang bote ng gamot. Ilang beses na akong niligtas ni Leo. At hindi ko man lang namalayan na ang paghangang nararamdaman ko para sa kanya ay umusbong na pala sa isang pag ibig. Malinaw na sa akin ngayon na mahal ko na rin si Leo at hindi ko na nasabi sa kanya iyon. Huli na nga ba talaga ang lahat? Pero para sa taong mahal ko gagawin ko ito kahit pa ikadurog pa ito ng aking puso. Binuksan ko ang bote ng gamot at nilapit ko sa bibig ni Leo. "L-Luna, w-wag..." Nanghihinang sabi ni Leo at muli nanaman siyang nawalan ng malay. "P-patawad pero ito lang ang tangi kong magagawa para sa'yo. Tanda ito ng pagmamahal ko sa'yo. Sana noon pa lang ay nasabi ko na din sa'yo. Naging duwag ako patawad," bulong ko kay Leo at pinainom ko na sa kanya ang gamot. Marahil ay hindi ako ang nakatadhanang reyna mo Leo. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD