Malalim na ang gabi, ngunit nanatiling dilat ang mga mata ni Elena.
Ilang sandali pa ay bigla nalang itong nakaramdam ng pagka-uhaw,
kaya dali-dali itong lumabas ng silid upang tumungo sa kusina para kumuha ng maiinom.
Nang makarating sa kusina ay agad naman nitong tinungo ang refrigerator upang kumuha ng malamig na tubig.
Nang buksan iyon ay napatakip nalang ito ng ilong, Bigla nalang nitong naamoy ang masangsang na bagay na tila nagmumula sa ibabang bahagi ng pridyeder.
Dahil sa labis na pagtataka ay dahan-dahan naman nitong sinilip ang isang hugis bilog na bagay na nakapatong sa ibaba ng pridyeder.
Nababalutan pa iyon ng lumang dyaryo at nakalagay sa isang plastic labo.
Dahan-dahan niyang inalis ang dyaryong nakabalot doon at hindi nagtagal ay halos masuka na ito nang mas lalo pang tumindi ang masangsang na amoy na nalalanghap nito.
Nang matanggal na ang lahat ng balot ay agad naman niyang sinuri ang nasabing bagay.
Maya-maya pa ay napaatras nalang ito at napasigaw.
“Ahhhh”
Nanlaki nalang ang kanyang mga mata nang makita duguang pugot na ulo ng isang tao.
“Hindi.”
Sa labis na takot ay dali-daling tumakbo si Elena pabalik sa kanilang silid.
Hingal na hingal pero pilit parin nitong nilabanan ang takot at naisip nalang bigla ang kanyang mga kaibigan.
“Sandy?”
Agad nitong ginising ang kaibigang si Sandy na natutulog at kasalukuyang nakatalukbong sa ilalim ng kanyang kumot.
“Sandy, come on! we need to get out of here.”
Pilit nitong niyugyog ang katawan ng kaibigan ngunit hindi ito nagigising.
Dahil doon ay napilitan siyang hilahin ang kumot na tumaatakip sa katawan nito hanggang sa napatili nalang siya nang makita ang walang buhay na katawan ng kaibigan at kasaluyukang nakahiga sa sarili nitong dugo, biyak ang noo nito at wakwak pa ang tiyan na mistulang tinanggalan pa ng mga lamang loob.
“No! Oh my God.”
Napatakip nalang ito ng bibig aat nanlumo sa nakita, sa labis na takot ay naisipan nalang ni Elena na tumakbo palabas ng silid.
Ngunit bago pa siya makalabas ay nagulat nalang ito nang maramdaman ang isang matigas na bagay na bigla nalang tumama sa kanyang ulo.
.....................
“ Hey, Elena wake up!”
Nagising si Elena dahil sa lakas ng boses ng kaibigang si Sandy na tila ba ay nakadikit pa sa kanyang tenga ang bibig nito.
Pagdilat ng kanyang mga mata ay agad na pinagmasdan nito ang paligid at napansin na nasa loob pala siya ng isang umaandar na sasakyan.
Sa bawat sulok ay nandoon din ang kanyang mga kaibigan na halos lahat ay nakatingin na pala sa kanya.
“Anong ginagawa ko dito? Where are we heading?”
Pagtataka ni Elena na isa-isang pang tiningan ang mga kaibigan.
Bigla namang nagsitawanan ng malakas ang mga kaibigan nito, habang ang mga mata ay nakasulyap naman sa kanya.
“We’re having our graduation trip remember? Matulog ka na nga lang ulit at mukhang stress ka pa.”
Malambing na sabi ni Sandy na tinapik-tapik pa ang balikat nito.
Bigla nalang pinagmasdan ni Elena ang paligid mula sa bintana ng sasakyan, hanggang sa napailing nalang ito at napasigaw.
“Stop the car!”
Napakunot noo naman si Sandy at tiningnan ng mariin ang kaibigan.
“What? Elena are sure you’re alright?”
Pag-aalala nito.
“I said stop the car! Bumalik na tayo.”
Sigaw ni Elena na bakas na sa mukha ang takot.
“We’re almost there. Ano bang nangyayari sayo Elena?”
Tanong naman ni Brix na nasa unahang bahagi ng sasakyan.
“We can’t go there, please bumalik na tayo.”
Sagot naman ni Elena.
“Hindi namin naiintindihan, just tell us us what’s going on?”
Tanong naman ni Yuri na nag-aalala na rin.
Ilang sandali pa ay napasigaw naman ang lahat nang biglang pumpreno ang kanilang sinasakyan.
“Ahhh.”
Napatigil naman ang lahat at pinakiramdaman ang buong paligid.
“Come on Del, Thanks God we’re still alive.”
Naiiritang sambit ni Brix .
.
Hindi naman iyon ininda ni Delo bagkus ay napatawa pa ng malakas.
“Well, well, well. After almost forever, we’re finally here.”
Napatingin naman bigla ang lahat sa labasan.
Ilang saglit pa ay napatigil naman si Elena at muling namayani ang takot sa kanyang isip.
“This isn’t happening.”
Nangangambang sabi nito sa kanyang sarili.
Maya-maya pa ay mabilis namang binuksan ni Delo ang pintuan nang sasakyan at humarap sa mga kaibigan.
“Guys, here we are, welcome to the land of nowhere. Maligayang pagdating sa BARYO.”
Nakangiting sabi nito.
FIN.