Chapter 10

1218 Words
Sa gitna ng gubat ay dahan-dahan namang lumapit ang mag-asawang Trining at Solomon sa bagay na pinagkakaguluhan ng ilan sa kanilang mga kabaryo. Nagbigay daan naman ang lahat nang makita silang papalapit. Ilang saglit pa ay napahawak nalang si Trining sa kanyang dibdib nang makita ang sinapit ng kanyang anak na si Fonse. Dali-dali itong umupo sa tabi ng katawan ni Fonse at mariing niyakap ang anak. “Hindi, hindi maaring mangyari ito.” Paghihinagpis ng ginang. Samantalang tahimik lang sa isang sulok si Solomon at pilit na kinimkim ang sarili nitong emosyon. “Mga kabaryo, oras na upang magtipon at magsanib lakas. Papatayin natin ang dayo!” Mariing bigkas nito. Agad namang tumango ang lahat bilang pagsang-ayon sa kanilang pinuno. .......... Habang abala sa paghahanda sa kanilang pagsugod sa dayo ay nanatiling tahimik naman si Solomon. Ilang sandali pa ay nagsidagsaan naman ang lahat sa harapan nito na mistulang nag-aantay sa kanyang mga senyales. “Pasikat na po ang araw pinuno, kailangan na nating kumilos.” Sambit nang isa sa mga kagawad. Napatango nalang si Solomon at ini-angat ang hawak nitong itak. “Para kay Fonse at para sa lahat, Ihanda ang inyong mga patalim oras na upang hulihin si Agustin.” Sigaw nito sa galit na tono. “Patayin ang dayo!” Sagot pa ng isa sa mga residente. Agad namang nagsigawan ang lahat bilang pagkaka-isa sa nasabing misyon. Ngunit hindi pa man sila naka kilos ay napatigil naman ang mga ito nang marinig ang isang pamilyar na boses na nagmula sa kanilang likuran. “Sandali.” Nagulat naman ang lahat nang makita si Satana, walang emosyon sa mukha nito, may hawak siyang patalim at mariin na nakatutok iyon sa kanyang leeg. “Satana?” Mahinang sabi ni Solomon. Napatingin naman si Satana sa kanyang ama at sinabi. “Ilang buhay pa ba ang kailangang masayang para sa maling batas na iyong ipinapatupad ama?” Napataas naman ng tingin si Solomon at sumagot. “Wala kang karapatang husgahan ang pamamalakad ko, Ang mga nagkasala ay kailangang parusahan, kailangang patayin kung kinakailangan.” Giit ni Solomon. “Nasa akin ang lahat ng karapatan ama, dahil ako ang itinakda. Sa akin nakasalalay ang kapalaran ng ating lahi. Narito ako upang ipaalam na kung sakaling may mangyaring masama sa aking asawa at anak ay hindi ako magdadalawang isip na hiwain ang aking leeg gamit ang patalim na hawak ko. Isa lang ang hiling ko ama, palayain mo si Agustin, hayaan mo siyang makalabas ng baryo at handa akong i-alay ang buhay ko sa ating mga kalahi at sa baryong ito.” Salaysay naman ni Satana. Napailing naman si Solomon at sumagot. “Isa kang hibang, pinatay ng lalaking iyon ang kapatid mo!” Sigaw ni Solomon. “Kayo ang nagtulak sa kanya upang gawin iyon!, Kung gusto mong masunod ang mga nais mo ay mas mabuti pang tapusin na natin ang lahat ng ito” Nanlaki naman ang mga mata ni Solomon nang biglang dinaplisan ni Satana ang kanyang leeg gamit ang patalim na hawak nito. “Sandali.” Natigil naman ang lahat at napatingin kay Solomon. .................... Naaninag na ni Agustin ang liwanag, kasabay ng pagsikat ng araw ay isang bagong pag-asa ang nakita nito. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na siyang naglalakad marating lang ang bayan. Hinang-hina ito at halos maubos na ang lahat ng kanyang natitirang lakas, ngunit wala sa isip niya ang pagsuko. Bigla siyang napangiti ng matanaw ang ilang mga gusali, kasabay noon ay unti-unti niya nang nararamdaman ang kanyang kaligtasan. “Magkakasama din tayong muli Satana, mabubuo muli ang pamilya natin.” Masayang sabi nito sa sarili nang makitang halos palapit na siya sa bayan. Ilang sandali pa ang lumipas at tuluyan na rin nitong narating ang kanyang pakay. Pagkarating sa bayan ay nadatnan niya ang ilang mga residente na tila nagtaka din nang makita siya, Paika-ika itong naglalakad at napansin din nito ang mga bulong-bulungan at ang ilang mga matang nakatitig sa kanya. “Tulungan niyo ako. Tulong.” Hapong-hapo na sabi nito. Hirap man ay sinikap parin nitong magsalita ngunit ang lahat nang nandoon ay tila takot ding lumapit sa kanya. Nanlumo naman si Agustin, ngunit ilang sandali pa ay isang boses nalang ang kanyang narinig. “Agustin?” Napalingon ito sa isang sulok at napansin ang isang pamilyar na mukha. Napahinga naman nang malalim si Agustin nang makita ang matandang driver na nakilala nito at kasalukuyang naka-kalong sa bisig nito ang anak niyang si Lino. “Ikaw nga.” Agad namang lumapit ang matanda sa kinatatayuan ni Agustin. “Anak.” Napangiti naman si Agustin at kinuha ang anak mula sa bisig ng matandang lalaki. Biglang namayani ang mga bulong-bulungan. Bakas ang labis na pagtataka sa mukha ng lahat. “Mga kababayan, siya si Agustin at siya ay biktima ng mga aswang na kasalukuyang naninirahan sa ating kalapit na baryo. Siya ang magpapatunay sa misteryong matagal nang gumugulo sa ating isipan. Totoo sila, totoo ang mga halimaw at kahit ano mang oras ay nariyan sila upang maghanap ng inosenteng tao na pwdeng mabiktima.” Agad namang lumakas ang mga bulong-bulungan at kapansin-pansin ang mga namuong takot sa mukha ng bawat isa. ........................ Naging abala ang karamihan sa pagsapit ng piyesta, pagtapos ng mga nangyari ay pinili parin ng mga taga baryo na ipagdiwang ang kanilang tradisyon. Sa isang sulok ay nanatili namang tahimik si Satana. Maya-maya lang ay naramdaman naman ito ang pagdating ng kanyang inang si Trining, may pag-aalala sa mukha nito pero hindi na iyon ininda pa ni Satana. “Nawa’y huwag mo sana kaming kamuhian ng ama mo, umpisa palang ay nais lang namin na protektahan ka.” Malumanay na sabi ni Trining. Napaling naman si Satana at sumagot. “Sana naisip niyo din na protektahan ako laban sa angkan natin, laban sa inyo at sa lahat nang naninirahan sa baryong ito. Sana naisip niyo na para niyo na rin akong pinatay nung inilagay niyo sa panganib ang buhay ni Agustin at ng anak namin.” Malumbay na sagot naman ni Satana, Napayuko nalang si Trining at nanlumo. “Patawad anak, hindi ko rin akalain na ito lang ang kahahantungan ng lahat.” Mahinang sabi ni Trining. “Tama lang siguro na ako ang itinakda, dahil ako ang magbabago sa lahat, ako ang tutuwid sa sistemang pinapaniwalaan niyo ni ama. Alam kung kakaiba tayo, pero hindi tayo dapat pumapatay, hindi tayo dapat kinatatakutan ng mga tao, hindi tayo dapat nagtatago sa lugar na ito.” Seryosong sambit ni Satana bago nilisan ang ina. ................. Sakay ng isang ordinaryong bus ay mapayapa namang nilakbay ni Agustin ang malubak na daan paauwi ng Maynila. Karga ang anak na si Lino ay tahimik lang ito habang pinagmamasdan ang paligid mula sa malapad na bintana ng nasabing bus. Inaalala parin nito ang mga nangyari. Habang nagtatalo ang tuwa at lungkot ay hindi parin maalis sa kanyang isipan ang asawang si Satana at ang pag-asang muli pa silang magtatagpo. Sa isang iglap ay nabaling naman ang kanyang tingin sa mukha ng kanyang bitbit na sanggol, Napangiti nalang ito nang makita ang maamong mukha ni Lino. Bitbit ang pag-asa ay buo na ang isip nito, oras na upang lumisan, Panahon na upang kalimutan ang kanilang mga karanasan at ang bawat mapapait na ala-ala sa loob ng sinasabing, BARYO. WAKAS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD