Napatigil nalang ang pangkat nila Fonse nang makita sa kanilang dinadaan si Satana, nakatingin ito sa kanilang direksyon na mistulang inaabangan ang kanilang pagdating.
“Nagagalak ako at nakalaya ka din sa piitan aking kapatid.”
Misteryosong sambit ni Fonse habang unti-unting humahakbang palapit kay Satana.
“Kung hinahanap niyo si Agustin, wala na siya. Pakiusap Fonse itigil mo na ito, hayaan mo na si Agustin, Ako ang nagdala sa kanya dito, kaya ako dapat ang parusahan niyo!”
Pakiusap ni Satana.
Isang tipid na ngiti naman ang pinakawalan ni Fonse hanggang sa inilabas nito ang isang maliit na punyal mula sa kanyang bulsa at itinutok sa leeg ni Satana.
“Pasalamat ka at kinikilala pa kita bilang aking kapatid, dahil kung hindi ay hindi ako magdadalawng isip na patayin ka kasama ang pinakamamahal mong si Agustin.”
Nanlisik naman ang mga mata ni Satana at nagpumiglas.
Hinawi nito ang kamay ni Fonse kaya tumalsik ang hawak nitong punyal sa lupa.
“Wala ka na ba talagang puso? Asawa ko si Agustin at handa akong gawin ang lahat para sa kanya.”
Tiningnan naman ng masama ni Fonse ang kapatid at sinabi.
“Talaga? Tingnan natin Satana, Tingnan natin ang magiging resulta ng lahat ng mga kahibangan mo.”
Bago pa man makasagot si Satana ay naalarma naman ito nang biglang dumating ang isang kagawad na tila ba ay hingal na hingal pa.
“Fonse, natagpuan na namin si Agustin.”
Sabik na sambit nito.
Isang misteryosong ngiti naman ang pinakawalan ni Fonse.
Habang si Satana naman ay naiwang balisa.
Nang makaalis na ang pangkat ni Fonse ay nabaling naman ang tingin ni Satana sa punyal na nakahandusay sa lupa.
...........
Pawis na pawis at pilit namang hinahabol ni Agustin ang kanyang hininga.
Kasaluyan itong nakakubli sa likod ng puno habang pinapakiramdaman ang paligid.
Ilang saglit pa ay nanginig naman ang tuhod nito nang marinig ang isang pamilyar na boses.
“ Sige lang Agustin! tumakbo ka! hanggat may tatakbuhan ka pa!”
Malakas na sigaw ni Fonse.
Walang kasiguraduhan, ngunit muling tumayo si Agustin at mabilis na tumakbo mula sa pinagtataguan nito.
“Agustin, naamoy kita. Hindi ka makakalayo.”
Patuloy na sigaw ni Fonse.
Hanggang sa nagulat nalang si Agustin nang makita ito na halos ilang hakbang nalang ang layo sa kanya.
Mabilis itong tumakbo, nagpaliko-liko ito sa malalaking puno at mga halaman upang iligaw ang mga humabol sa kanya.
Dahil doon ay agad namang nawala sa kanyang paningin si Fonse, muli nang mapagod ay nagpahinga ito sa may damuhan.
Sapat narin ang kapal ng mga damo upang makapagtago siya, ganoon pa man ay kailangan parin niyang mag-isip ng paraan kung paano makaligtas.
Hingal na hingal ngunit pinilit ni Agustin na huwag gumawa ng kahit kaunti ingay, lalo na ng maramdamang, papalapit na ang grupo ni Fonse sa pinagtataguan niya.
“Mabuti pang maghiwalay tayo, upang mapabilis ang paghuli natin sa dayo.”
dinig na dinig niyang tugon ni Fonse sa mga kasama.
Hanggang sa isa-isa na niyang narinig ang kaluskos ng mga paa na mistulang humahakbang palayo.
................
Nang mapansin na wala na ang mga kasamahan ni Fonse ay mariin naman nitong sumilip at napansin na mag isa nalang doon si Fonse.
“Agustin, lumabas ka na! hindi ka rin makakalayo dito. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo.”
Pagbabanta ni Fonse na naglalakad lang palibot sa pinagtataguan ni Agustin.
Huminga naman ng malalim si Agustin at bahagyang nag-isip.
Hanggang sa napansin nalang nito ang itak na hawak-hawak niya.
“Kung kailangan lumaban, huwag kang mag-alangan. Iligtas mo ang sarili mo at ang iyong pamilya Agustin.”
Bigla nalang nito naalala ang bilin ni Marites, Ang mga salitang nagpalakas bigla sa kanyang loob.
“Agustin, huwag mo akong gagalitin, Ubos na ubos na ang pasensya ko!”
Malakas na sigaw ni Fonse.
Madiin ang kapit ni Agustin sa hawak nitong itak, Hanggang sa buong lakas na tumayo ito at lumabas sa damuhang pinagtataguan niya.
“Huwag kang duwag Agustin, ilabas mo ang tapang mo harapin mo ako!”
Iritableng sigaw ni Fonse.
Ngunit nanlaki nalang ang mga mata nito ng maramdaman ang biglang pagtusok ng tila matulis na bagay mula sa likuran niya.
Napalingon ito sa kanyang likuran at doon bumungad sa kanya ang matapang na imahe ng isang dayo.
“Agustin.”
Sambit nito.
“Andito lang ako Fonse, kung gusto mo akong patayin, lumaban ka ng patas.”
Sigaw ni Agustin.
“Yun kung kaya mo.”
Napahawak si Fonse sa nagdurugong sugat niya sa likuran habang mariin paring nakatitig kay Agustin.
“ahhhh!”
Mala-halimaw na sigaw ni Fonse.
Ilang sandali pa ay napa urong naman si Agustin,
Nanlaki naman ang mga mata nito ng mapansin ang unti-unting pag-iiba ng anyo ni Fonse.
Nangitim ang balat, hamaba ang mga kuko at kumapal ang balahibo na bumabalot sa buong katawan nito.
“Halimaw”
Nanginig ang buong katawan ni Agustin, lalong-lalo na nang makita ang mga tumitirik na mapupulang mga mata nito.
Ilang sandali siyang napatulala at napatitig nalang ito sa halimaw na nasa harapan niya.
“ Hindi mo ako matatalo dayo!”
Nagulat nalang si Agustin ng biglang humakbang ang haliwaw palapit sa kinatatayuan niya.
“Errr!”
Nawalan nalang siya nang balanse at natumba sa lupa, bigla ay mabilis namang pumaibabaw ang haliwaw sa katawan niya at mariing dinaganan ito.
Pilit mang nagpumiglas ngunit bigla nalang niyang naramdaman ang kamay nito na sumasakal sa kanyang leeg at ang matutulis nitong kuko na bumabaon sa kanyang balat.
Hindi man makagalaw ay pilit parin niyang inabot ang itak na tumilapon hindi kalayuan mula sa kanya.
“ahh”
Sambit nito habang pilit na hinahabol ang hininga.
Patuloy lang si Fonse sa pagsakal sa kanyang leeg.
“Tingnan natin ngayon ang tapang mo dayo.”
Malakas na sambit ni Fonse.
Pilit na inilabas ni Agustin ang kanyang natitirang lakas, hanggang sa maramdaman nalang ng kanyang mga daliri ang katawan ng itak na nakahandusay din malapit sa kanya.
“Oras na upang mabura ka sa mundo dayo.”
Gigil na sambit ni Fonse.
Hindi nagtagal ay napatigil naman ito nang maramdaman ang kakaibang hapdi mula sa kanyang tagiliran.
Agad namang sinamantala ni Agustin ang pagkakataon upang itayo ang sariling katawan.
“Errr!”
Sigaw nang halimaw nang maramdaman ang pagdaplis ng itak sa kanyang tagiliran, dumaloy ang mga sariwang dugo mula doon dahilan upang makaramdam ito ng panghihina.
Nanghihina man ay nilakasan parin ni Agustin ang loob at sinugod ang halimaw.
“Ahhh!”
Sigaw nito nang muling tinaga ang dibdib ni Fonse.
Ilang beses pa itong bumangon ngunit sa labis na panghihina ay bumabagsak parin sa lupa ang halimaw.
“Hindi- hindi mo ako matatalo.”
Hinang-hina na sambit ni Fonse.
“Ngayon mo tikman ang ganti ng isang dayo Fonse.”
Nang mapansing wala ng lakas ay hindi pa nag-paawat si Agustin mabilis itong humakbang at mariing ibinabon ang itak sa dibdib ni Fonse.
“Mamatay ka halimaw!”
Buong lakas na sigaw ni Agustin.
...........................
“Ahwooo”
Isang malakas na alulong ang narinig ng mga lahing aswang.
Isang tunog na nagdulot nang takot sa karamihan.
Napahawak nalang si Trining sa braso ng asawang si Solomon at mariing sinabi.
“Solomon, meron na namang hindi magandang nangyayari.”
Kabadong tugon ni Trining
Maya-maya pa ay napansin nalang ng mag-asawa ang ilan sa grupo ng mga kalalakihan ang mabilis na tumatakbo palapit sa kanila.
“Mang Solomon, si Fonse!”
Biglang namang naalarma ang mag-asawa sa narinig.
“Anong nangyari kay Fonse, Anong nangyari sa anak ko?”
Nag-aalalang tanong ni Trining.
Napayuko naman ang kagawad at mahinahong sinabi.
“Wala na po siya. Patay na ang anak niyo.”
Sagot nito.