Chapter 8

1244 Words
Pagkatapos nang mahabang paglalakad ay napatigil naman bigla si Marites. Pabulong niyang niyaya si Agustin na magkubli sa likod ng isang malaking puno. “Andito na tayo Agustin.” Mahinang bigkas nito. Mula sa kanilang pinagtataguan ay nanlaki naman ang mga mata ni Agustin ng makita ang sitwasyon ng asawa na naka piit sa loob ng Selda. “Satana.” Bigla nalang itong naalarma, ngunit agad naman itong napigilan ni Marites. “Sandali. huwag kang magpadalos-dalos Agustin, may mga bantay pa, hayaan mo munang makaalis sila.” Tumango lang si Agustin bilang pagsang-ayon. ............. Habag abala sa paguusap ang dalawang kagawad ay nagulat nalang ang mga ito nang biglang lumitaw sa harapan nila si Marites. “Nakakagulat naman kayo Aling Marites, may maipaglilingkod po ba kami?” Magalang na tanong ng isang gwardiya. Tipid namang ngumiti ang may edad na babae at tumugon. “Nabalitaan ko na naka piit ngayon dito ang aking pamangkin na si Satana, pwde ko ba siyang makita?” Pormal na tanong ni Marites. Tumango naman ang kagawad at sumagot. “Pwede naman po.” Ilang saglit pa ay napatingin naman si Marites sa dalawang bantay at nagsalita. “Tsaka nga pala, bago ko makalimutan, pinapatawag pala kayo ng ating pinuno, mayroon daw siyang mensahe ukol sa paghuli sa dayo.” Sambit ni Marites. Nagkatinginan naman ang dalawang bantay at nagtaka. “Huwag kayong mag-alala, ako nang bahala sa pamangkin ko.” Pagdadahilan naman nito. Agad namang tumango ang mga bantay at mabilis na nilisan ang nasabing lugar. Ilang saglit pa ay masuring pinagmasdan ni Marites ang paligid at nang makompirmang ligtas na ay agad naman nitong tinatawag si Agustin na kasaluyan paring nakakubli sa likod ng isang malaking puno. “Bilis, wala na tayong oras.” Naalarmaang sambit ni Marites. Ilang sandali paa ay nakarating na rin sila sa tapat ng selda ni Satana. ................. Isang pamilyar na boses ang biglang narinig ni Satana, sa kanyang paglingon ay nagulat nalang ito nang makita ang kanyang asawang si Agustin kasama ang Tiya Marites nito. “Agustin?” Agad siyang napatayo at nilapitan ang asawa. “Satana.” Mahinang bigkas ng lalaki. “Agustin, anong ginagawa mo dito? Nasaan si Lino?” Pag-aalala ni Satana. “Ligtas na siya, Satana. Kailangan na nating umalis.” Natatarantang sambit ni Agustin. Napatango nalang ang babae at sumagot. “Pero, Paano?” Tanong nito. Bigla naman silang natahimik nang maramdaman ang biglang pagbukas ng selda, napatingin nalang si Satana sa kanyang Tiya Marites na siya namang nagbukas noon. “Tiya Marites, paano niyo..” Hindi na nito naipagpatuloy pa ang kanyang sasabihin nang biglang sumagot si Marites. “Nakalimutan mo na ba? Isa rin akong kagawad, at isa ako sa may hawak sa susi ng seldang ito.” Nakangiting sambit ni Marites. Agad naman inalalayan ni Agustin ang asawa at inakay ito palabas ng selda. Niyakap niya din ito ng mahigpit at sinabi. “Patawad Satana, hindi dapat kita iniwan.” Pabulong niyang sabi. “Kasalanan ko ang lahat Agustin, at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari mang masama sa inyo ng anak natin.” Tugon naman ni Satana. “Wala nang oras, kailangan niyo nang umalis.” Sambit naman ni Marites. Napatingin naman si Satana sa may edad na babae at sumagot. “Pero paano kayo? Sigurado akong sisingilin kayo ng batas, ayaw kong mapahamak kayo dahil lang sa akin.” Mariing bigkas ni Satana. “Huwag mo akong alalahanin Satana, kaya ko ang sarili ko, ang mahalaga ngayon ay pareho kayong makalabas ng buhay sa lugar na ito.” Giit pa ni Marites. Bago pa man sila maka-alis ay isang itak ang kinuha ni Marites mula sa loob ng isang kahon na nakatago lang sa likurang bahagi ng selda. Maingat niya itong kinuha at inabot kay Agustin. “Kung kailangan lumaban, huwag kang mag-alangan. Iligtas mo ang sarili mo at ang iyong pamilya Agustin.” Napatango naman si Agustin at sumagot. “Salamat sa lahat Tiya Marites.” Mariing sambit nito. ................ Napatikom naman ng kamao si Fonse nang makitang bakante na ang selda ni Satana. Biglang nangitim ang mukha nito at napasigaw nalang sa labis na galit. “Mga inutil! Naisahan na naman tayo ng dayo.” Sigaw nito. “Pero hindi pa huli ang lahat Fonse, malawak ang baryo at sigurado akong hindi pa sila nakakalayo dito.” Sabat naman ng isa sa mga kasamahan nito. Napalinga naman sa paligid si Fonse at sinuri iyon. “Kung ganoon, talasan niyo ang inyong pang-amoy, hindi tayo pwedeng humarap sa ama ko nang hindi natin dala ang ulo ni Agustin.” Gigil na bigkas ni Fonse. ............... Sa gitna nang gubat ay matiyaga namang nilakbay ng mag-asawang Agustin at Satana ang maputik na daan. Hindi pa man tuluyang nakalayo ay napatigil nalang ang dalawa nang matanaw ang mga nagkikislapang mga sulo sa hindi kalayuan. Hinabol nila ang kanilang hininga at nilakasan ang kanilang loob. “Satana, kailangan nating marating ang kalsada palabas. Kailangan na nating kumilos.” Naalarmang sabi ni Agustin. Hindi naman maalis ang tingin ni Satana sa mga nagkikislapang bagay. Bahagya itong nanlumo at tiningnan ang asawang si Agustin. “Agustin, malapit na sa atin ang pangkat nila Fonse, ano mang oras ay pwede nila tayong maabutan.” Nanghihinang sabi ni Satana. “Kaya nga kailangan na nating umalis!” Bigkas naman ng lalaki. Napahinga naman nang malalim si Satana nang matanaw na halos ilang distansya nalang ang layo nila Fonse mula sa kanila. “Umalis ka na Agustin, hayaan mo at pipigilan ko sila, kailangan mong makaligtas at makalabas sa lugar na ito.” Sabi naman ni Satana. “Nahihibang kaba? Satana hindi ako aalis nang hindi ka kasama, magkamatayan na kami pero hindi kita iiwan.” Pasigaw na sagot ni Agustin. Ilang saglit namang natahimik si Satana at mariing nag-isip ng sasabihin. “Agustin hindi ka na dapat bumalik, dito ako nararapat, dito ang tahanan ko.” Napakunot noo naman si Agustin at tinitigan ng masama si Satana. “Pero paano kami ng anak mo? Kami ang pamilya mo Satana at hindi ako papayag na maiiwan ka na kasama ang mga halimaw na nakatira sa baryong ito!” Napailing nalang si Satana at napayuko. “Pero isa ako sa mga halimaw na sinasabi mo Agustin, isa akong halimaw na kailangan makulong sa loob ng baryong ito.” Napailing nalang si Agustin at tiningnan ng madiin ang asawa. “Satana pakiusap, sumama ka na sa akin, kailangan na nating umalis.” Napaatras naman si Satana at napayuko. “Hindi pa ba malinaw sayo Agustin? Pinipili ko mga ang kalahi ko. Ngayon binibigyan kita ng pagkakataon na umalis, dahil kung hindi, ako na mismo ang papatay sayo.” Napako naman ang mga mata ni Agustin sa asawa at hindi parin makapaniwala sa mga narinig nito. “Satana.” Agad namang lumapit si Satana at itinulak siya palayo. Napatigil naman ang hininga ni Agustin nang mapansin ang pamumula ng mga mata ng asawa. “Umalis ka na Agustin! Umalis ka na.” Pagtataboy ni Satana sa asawa. Labag man sa kanyang loob ay dahan-dahan naman itong napaatras palayo. Ilang hakbang nalang ang layo at halos tanaw na ng kanyang mga mata si Fonse at ang mga kasamahan nito. Sa oras na iyon ay sumagi nalang sa isip niya na oras na upang mamili, oras na upang sundin ang kagustuhan ng kanyang asawa. Hindi nagtagal ay napagdesisyonan na rin nito na humakbang palayo, at iligtas nalang ang kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD