Chapter 3

1155 Words
Halos maubusan ng hininga si Agustin, ngunit napatigil nalang ang lalaki nang marinig ang isang malakas na sigaw mula sa likuran nito. “Solomon!” Napatingin nalang ang lalaki sa kinatatayuan ni Trining, Nagising naman si Satana at agad namang lumabas ng kwarto upang makita ang mga nangyayari. Pagkalabas ng kwarto ay nagulat din ito sa nadatnan. “Itay?” takot na tugon niya. “Kumalma ka Solomon, siya si Agustin ang asawa ni Satana.” Nang marinig ang sinabi ni Trining ay agad namang binaba ng lalaki ang hawak niyang itak. Habang si Agustin ay nanatiling balisa at hindi parin maalis-alis ang labis na takot dito. Agad namang lumapit si Satana sa asawa upang alalayan ito. “Ayos ka lang ba Mahal?” Pag aalala nito. Tumango lang si Agustin bilang tugon. “Matulog na kayo, bukas nalang natin pag-usapan to” Tugon ni Trining habang nakatingin sa asawang si Solomon. Habang papasok sina Satana at Agustin sa kanilang silid ay hindi parin maalis ang tingin ni Solomon sa asawa ng kanyang anak. .............. Pagkasikat ng araw, naging abala naman ang lahat. Habang nagsisibak ng kahoy si Agustin ay nagulat ito ng biglang sumulpot si Solomon sa kanyang likuran. “Magandang umaga po.” Magalang na bati nito. “Magandang umaga din” Di nito inakala na tutugon din ang matanda sa kanya. Sa oras na iyon ay nag-aalangan parin itong kausapin ang ama ni Satana. “Pasensya ka na sa nangyari kagabi, hindi ko alam na ikaw pala ang asawa ng anak ko” pagpapatuloy ni Solomon. Napatigil naman si Agustin sa ginagawa nito at hinarap ang matanda. “Pasensya na din po. Natakot lang din po ako kagabi” Ngumiti lang si Solomon at sumagot. “sabi nila taga Maynila ka raw?” seryosong tanong ni Solomon “Opo. Dun kami nagkakilala ni Satana” Masayang sagot ni Agustin. “Kailan pa kayo nagpakasal ng anak ko?” Biglang tanong ng matanda. Napatingin naman dito si Agustin at sumagot. “Mag-iisang taon na po.” Napatango nalang si Solomon at sumagot. “Matagal na pala, nawalan kasi kami balita kay Satana, mula noong umalis siya upang magtrabaho sa Maynila.” pahayag ng matanda. Nakaramdam naman ng lungkot si Agustin sa narinig “Pasensiya na po at ngayon lang namin naisapan ng asawa ko ang dumalaw dito.” Nangilabot naman si Agustin nang misteryosong ngumiti ang matanda. “Ayos lang, wala bang naikwento ang anak ko tungkol sa amin? Sa nakikita ko ay tila hindi mo pa kilalang lubos ang pamilya ng asawa mo.” Sasagot pa sana si Agustin ngunit, nahinto nalang ang pag-uusap ng dalawa ng marinig ang boses ni Trining. “O Agustin , Solomon, pumasok na kayo at handa na ang pagkain.” Magiliw na sabi ni Trining. .............. Kasalukuyang nangangahoy si Agustin, habang si Satana naman ay nasa kanilang bahay lang kasama ang kanyang Ina, Ama at ang kapatid na si Fonse Naka- upo ang mag anak sa harapan ng pahabang lamesa kaharap ang bawat isa. Ilang minuto ding tahimik si Satana at tiniis ang bawat salitang binibitawan ng kanyang ama. “Nahihibang ka na ba Satana?” Ma-awtoridad na sambit ni Solomon. “Mahal namin ni Agustin ang isat-isa tay, Sapat na yun upang magsama kami bilang isang buong pamilya” sabat naman ni Satana. “Kung sigurado ka sa pagmamahal niya, sana noon palang sinabi mo na sa kanila ang tungkol sa atin! mapaglinlang ang mga tao Satana, halimaw ang tingin nila sa mga tulad natin, at ganyan din ang magiging tingin ni Agustin sa oras na malaman niya ang totoong pagkatao mo!” galit na sabi ni Solomon. “Mahal ako ni Agustin tay, at kung sakali mang hindi niya matanggap kung ano tayo, handa akong umalis dito at talikuran ang lahi natin!.” Matapang na tugon ni Satana. Sa labis na galit ay kinuha ni Solomon ang isang baso ng tubig sa harap nito at itinapon sa sa mukha ni Satana. “Solomon tama na!” Pag awat naman ni Trining sa asawa. “Tatalikuran mo ang lahi natin para sa isang lalaki? Tingnan nalang natin kung hanggang saan ka dadalhin ng kahibangan mo Satana. Dahil sigurado ako na katulad din siya ng ibang tao, traydor at mapaglinlang.” Giit ni Solomon. Napayuko nalang si Satana habang malayang pinakawalan ang kanyang mga luha. ............... Habang naglalakad ay napansin ni Agustin na tila abala ang karamihan, may naglilinis, naglalagay ng banderitas, may nagluluto at kung ano-ano pa. Ilang sandali pa ay isang taga doon naman ang sumalubong sa kanya at binati din naman ito. “Ikaw yung dayo di ba?” Tanong ng isang binata. “Oo, ano bang meron at napaka-abala ata ng mga tao?” tanong ni Agustin. “Ngayon ang umpisa ng piyesta sa Baryo, tatlong araw ang selebrasyon, pwede kang dumalo mamaya sa sentro may maikli kaming programa para sa lahat.” paanyaya nito. “Sige, sige, sigurado akong masaya yan” sagot ni Agustin na puno ng pananabik. ............ Kompleto ang pamilya ni Satana, kasama narin si Agustin na nanood ng munting palabas sa sentro. Iyon ang programa ay ginagawa sa tuwing unang gabi ng piyesta. Simple lang palabas, may katutubong sayawan, kantahan at munting palaro para sa mga bata. May kaunting salo-salo din at inuman. Habang kumakain ay napansin ni Agustin ang ilang manok at karne ng baboy sa hapag. Sa labis na pagtatakam ay humiwa ito ng kapirasong manok, nang aktong isusubo na niya ay napansin naman nito na dumudugo pa ang karne. “Ganyan talaga yan, pero ligtas naman yan, espesyal yan dito” Tugon ni Fonse na nasa gilid lang ni Agustin. Napatingin naman si Agustin kay Fonse at tila ay nag-aalangan. Napangiti naman ang lalaki at inakbayan pa si Agustin. “Kainin mo yan, sigurado akong hahanap-hanapin mo ang lasa niyan pagkatapos.” Bulong ni Fonse. ......... Habang naglalakad pauwi ay akay-akay naman ni Satana ang lasing na asawa. Nagulat nalang ito ng huminto ang asawa sa gitna ng daan at biglang nasuka. Hindi maiwasan ni Satana na makaramdam ng takot sa sinapit ni Agustin Napansin niya rin na namumutla ito na tila hinang-hina. “Sa tingin ko hindi niya kakayanin ang maging kalahi natin, mahina siya Satana, mahinang-mahina” Tugon ng isang malamig na boses mula sa likuran ng mag-asawa Napalingon si Satana dito at nagulat ng makita ang kapatid na si Fonse na may kakaibang ngiti sa labi. “Anong ginawa mo sa kanya Fonse?” Gigil na tanong ni Satana. “Sinubukan ko lang kung kaya ba niyang maging katulad natin Satana.” Sagot ni Fonse. Napailing nalang si Satana at binalingan ng masamang tingin ang kapatid. “Kahit kailan ay hindi siya magiging katulad natin!” Sagot nito. Humakbang naman palapit sa kanya si Fonse at tinitigan ang mukha nito. “Kung ganoon, kailangan na niya nang mawala. Oras na upang paghandaan ang iyong pagluluksa Satana.” Misteryosong sambit ni Fonse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD