CHAPTER 10 CHAPTER 10 Nakakrus ang mga braso ko sa dibdib habang pinanlilisikan siya ng mga mata. “Bakit ba kasi nananabunot ka kagad? Babawiin ko naman ang sinabi ko!” angal niya habang inaayos ang buhok. Dinala niya ako sa loob ng opisina niya at pinagsisisihan kong nagworry pa ako sa kanya kahapon! Buhay pa pala ang isang ‘to at ubod pa rin ng yabang. “So what’s the plan? Ano, magpapacute ka na lang dito? Without helping me find the gem with magic?” inis na asik ko sa kanya. Pinanliitan niya ako ng mga mata. “Ikaw ang bida kaya ikaw dapat ang namomoblema non.” Akmang lalapitan ko na sana siya ulit para sabunutan kaya niyakap na nito ang sariling ulo. “Oo na, oo na! Nagbibiro lang ako!” aniya. “Ang totoo niyan, naka-kalap ako ng balita sa kung sino dapat ang tanungin natin ku

