CHAPTER 5: I'M NOT A THIEF

2405 Words
CHAPTER 5: I'M NOT A THIEF Nabalik ako sa realidad, sa kung saang lupalop ng Earth ako naroroon ngayon mismo pagkatapos ng parang pagtulak sa ‘kin ni Maggie kanina mula sa kawalan! Gaya ng tanong ko kanina... nasa loob na ba ako ng isang libro? Imposible. Gumala ang paningin ko sa hitsura ng mga taong nasa paligid ko, hindi sila mukhang kapitbahay ko lang sa village, ang mga suot nila ay hindi mukhang pang-modernong style ng pananamit at hindi rin pang- makaluma. Saang eksaktong lugar ako napadpad? Mangkukulam o engkanto yata ang bruhang Maggie na 'yon, I wanna go home! "Anong ngayon lang, palagi ka rito sa pamilihan para magnakaw ng mga ginto! Kilalang-kilala ka na ng lahat pero parang hindi mo pa kilala ang sarili mo," umiling ito, mukhang nauubos na ang pasensya saka hinatak ako pababa ng cart! Teka, ano daw? "Anong magnakaw ng ginto, siraulo ka? Gusto mo bigyan pa kita ng maraming gold ha! 'Di ko kailangan magnakaw kaya 'wag ka mambintang!" Nagsusungit na itinaas ko ang wrist ko sa mukha niya, showing my gold wristwatch na regalo pa ni dad sa 'kin noong kaarawan ko. Girl, sinasabi ko sa ‘yo, mahal pa ‘to sa value ng bahay at lupa ninyo! Hindi niya iyon pinansin, sinulyapan niya lang ang cart niya na wala ng mga apples ngayon at lalong nainis ang hitsura. Napangiwi ako, "Hindi ko sinasadya 'yan, babayaran ko na lang just let me call my parents-" Kinaladkad na ako nito palayo sa lugar and I don't know where we are going! Itatapon niya ba ako sa dagat? Ipapakain sa tigre? Ma-magic-in niya ba ako para maging paniki?!  "Ano ba bitawan mo nga ako! Irereport na kita sa mga police!" Bulyaw ko sa matinis kong boses. Nakakahakot na kami ng atensyon mula sa mga tao habang hinihila niya ako palayo. "k********g! Help!" Habang kinakaladkad ako nito palayo sa pamilihan ay may nakita akong lalaki sa ibabaw ng sanga ng punong nadaanan namin, kumislap ang hikaw nito sa kaliwang tenga. He’s watching us intently, grinning like he’s amazed by what he’s seeing! “Ikaw! Tulungan mo ‘ko! Ni hindi nga ako nakatira dito, napasok lang ako sa librong ‘to pero taga-Manila ako! Taga-Earth ako! Naniniwala ka ba dito? Sa beauty kong ‘to mukha ba akong magnanakaw?!” turo ko sa lalaking nasa puno habang kinakaladkad pa rin. Kaso natawa lang ito at napailing. Kung nasa loob man ako ng libro na fictional, well, I was kind of wishing na ako ang bida at prinsesa ako ng malaking kingdom na madidiskubre ko sa dulo ng istorya. Masarap ang buhay at painom- inom lang ng masarap at mainit na tea sa malaking garden na puno ng rosas. Pero ang one million question for this moment... bakit sa character ng magnanakaw ako napunta?! Nagpatuloy lang siya sa pagkaladkad sa 'kin at kahit anong piglas ko ay nagtagumpay itong dalhin ako sa loob ng mukhang lumang bahay, gawa ito sa kahoy na may pinturang itim at pula sa loob at labas. Pagkabukas niya ng pinto, bumungad sa 'min ang makapal na usok mula sa mga sigarilyong hawak ng mga naroon. Mukhang beerhouse, maraming matatandang lalaki ang nag-iinom sa paligid. At sobrang ingay ng tawanan at kwentuhan ng mga matatandang babae at lalaki sa paligid! "Hoy bakit mo ba ako dinadala rito! I swear malalagot ka talaga kay mom and dad kapag nireklamo ka namin sa presinto!" I sounded like an engot lang na nananakot, gosh, please! Magpapakabait na talaga ako basta gisingin niyo lang ako mula sa dream na 'to!  Nangiwi ako sa higpit ng hawak nito sa braso ko, akala mo nakahuli ng tatakbo na kriminal! Nang makarating kami sa sulok na parte ng silid kung saan may pintuan ay tumigil itong I don't know who na may hawak sa braso ko saka hinarap ako. "Ituring mo na ang araw na 'to na pinaka-malas na araw mo." Tinuro niya ang posters sa pader na nasa gilid ko, banas na sinulyapan ko naman ang mga iyon. "Pinatungan nila ang ulo mo ng limang libong ginto at pilak at ako ang nakahuli sayo" Mama ko. Puro wanted list ang mga nasa poster, na may pictures, crime and names and gold value! "Apricot, 5000 gold and silver. Thief?!" Hindi na maipinta ang mukha ko nang makita ko ang mismong picture ko doon, I mean picture ng babae na kamukhang- kamukha ko! I swear wala talaga akong matandaan na may kinukuha akong hindi akin saka mukhang gusgusin na walang skin care routine ‘yang babae sa poster! ‘Yon siguro ang tinatawag niyang Apricot, gaya ng pangalan na tinatawag niya sa ‘kin, pero I promise talaga na hindi ako ‘yon! Hindi na siya sumagot saka binuksan na ang pinto at nag-umpisa na nga ang kamalasan sa araw ko na 'to. O baka ito ang day one ng kamalasan ko. Ugh! Tumambad sa amin ang ilang lalaki na mukhang nakakatakot ang hitsura at ngiti. Ang isa sa kanila ay nakaupo nang prente sa upuang malaki. May suot na malaking kwintas na ginto. Pabagsak sa sahig na tinulak ako nitong siraulong babaeng kidnapper ko sa harap ng mga iyon.  "Akin na ang limang libong ginto at pilak. Nahuli ko si Apricot," sigaw niya. Umawang ang bibig ng mga tao sa loob ng silid, parang wow na wow sa presensya ko nang malingunan kami. Daig pa nila ang mga anime characters sa tv na may stars sa mga mata ngayon. “Igapos niyo si Apricot! Dali!” “T-Teka, niloloko kayo ng babaeng iyan! Hindi ako si Apricot, ako si Hailey! Sayang lang ang gold niyo diyan, fake ako! Class A! Replica!” Pero hindi effective, nag-umpisa silang matuwa, ‘yong may kwintas na ginto ay napa-palakpak pa. “Tulong!” Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. "Apricot, tumahimik ka. Ikaw ang pinaka-maliksi, mayabang at nakakainis na kriminal sa lugar na 'to, bakit ka humihingi ng tulong ngayon?" "Sinabi ko naman sa inyo, ako si Hailey! Nagkakamali kayo ng hinuli!" Paliwanag ko sa pinaka- naghyhysterical kong tono! "Sa ganda kong 'to?!" Hinagis ng isang lalaki ‘yong bag ng nagtutunugang ginto at pilak sa kidnapper ko kanina at saka ako iniwan noong babaeng iyon. “Tignan mo nga naman, dadating din pala ang araw na ‘to, Apricot. Hindi na ba gumagana ang magic na mayroon ka kaya nahuli ka lang ng hamak na tindera ng prutas?” Ngumisi silang lahat. Pero unti-unting nagseryoso ang hitsura ng lalaking may suot na gintong kwintas saka nagtutok ng mahabang espada sa leeg ko! Nabato ako mula sa kinauupuan kong sahig lalo na nang makita ang pagkislap pa ng espadang ‘yon sa sobrang talas, pakiramdam ko nanlamig bigla ang likod ko sa takot at tumigil yata sa pagtibok ang puso ko! Totoo pala ‘yong nasa books kapag ganito ang eksena, hindi ka pala talaga makakakilos sa kaba. Pinikit ko nang sobrang diin ang mga mata ko nang umamba na itong hihiwain ang leeg ko. Dati ay napapaisip lang ako habang nagbabasa ng mga libro kung ano kaya talaga ang pakiramdam ng mga characters sa ganitong eksena... pero ngayon? My god, ayaw ko na pala malaman ang pakiramdam! Magpapakabait na po ako simula ngayon. Please lang, please, please! Binuksan ko ang mga mata ko, hindi ko kinontrol pero parang instinct na dapat umalis ako sa pwesto ko para hindi ako tamaan ng espada niya. Ilang segundo lang, naihiwa niya na ang espada sa pwesto ko. Napatili pa ako sa takot. Pero wala na ako roon. Doon sa pwesto ko kanina... parang magic na nalipat bigla nang mabilis ang pwesto ko sa ibang parte ng silid! Napalunok ako at nanginginig na tinignan ang mga kamay ko. Sa isang kisap mata, napunta na ako sa likuran niya. Malayo sa pwesto ko kanina. Gaya ng inisip kong gawin, iilag at tatakbo sana ako pero ang parang hangin ang naging galaw ko. Oh my gosh. Sumigaw sa inis ‘yong lalaking may espada saka nagpanic na rin ang iba pa rito sa silid, naglabas sila ng mga patalim saka mabilis na sinugod ako! “Mommy!” tili ko sa takot at humakbang para tumakbo at umilag, pagdilat ko I was so shocked to see myself moving swiftly and faster than my normal speed! Ducking down, dodging and running around every corner of the room until they bumped to each other and fell to the ground. Napangiti ako, I don’t know how it was working, this speed... magic ba ‘to? Sa isip ko gusto ko lang humakbang ng dalawang step, pero in action ay sobrang bilis ng kilos ko. Katumbas pa yata ng limang step! Nangiti na ako nang sobrang lawak! “So this is what they call... magic?” Nagtaas ako ng tingin sa mga lalaking bad na ngayon ay naka-upo sa sahig at iniinda ang hilo sa paghuli sakin. “And wala kayong magic, right? Kasi you were catching me with your bare hands and swords. At normal speed. Habang ako ay parang si The Flash! Ako lang ba may ganito sa librong ‘to?” nakangising tanong ko. Amazed na amazed ako! Sumigaw sa inis at galit iyong mukhang master nilang lahat saka nagwala sa hangin gamit ang espada niya, desperadong hulihin ako. Nag-eenjoy na binilisan ko lang ulit ang kilos ko para hindi niya ako matamaan but suddenly I felt pain on my arm. Natamaan niya ako roon at nagdudugo na ngayon! Napahinto ako sa corner saka niya ako nahuli at nahawakan ang buhok ko. Gigil na gigil! “Pinapasakit mo talaga palagi ang ulo ko sa kayabangan mo, Apricot!” He grinned and waved his sword, saka niya akmang ihihiwa na sa leeg ko. “Marami ka nang utang sa ‘kin noon pa at kulang na ang mga ginto at pilak sa mga aberyang dinulot mo! Buhay mo na ang gusto kong kuhanin!” “Aah!” tili ko sa gulat nang may sumipa sa kamay niya pagkatapos ng closing speech niya sana. Dahil sa kung sino man na sumipa sa kamay niya ay tumalsik sa malayo ang espadang hawak noong bad guy saka nasipa pa ito sa private part nito. Namilog din ang bibig ko sa reaksyon nito, parang pati ako ay nasaktan for him and for his bird. Nabitiwan niya rin ang buhok ko. Bago pa man ako makapag-react ay hinila na noong lalaking bagong dating ang braso ko palabas sa silid. Palabas sa lugar na ‘yon. Mabilisan niya akong inalis sa lugar na ‘yon habang tinitignan ko lang ang kamay niyang nakahawak nang mahigpit sa kamay ko at ang suot nito na parang kasuotan ng pang- prinsipe. So I am going to call him Prince Charming! Tumigil kami sa malayong parte ng lugar, hinahabol ang hiningang napaupo ako sa mabatong sahig. Gusto ko pang maiyak sa hitsura ng mga paa ko nang mapunta rito ang atensyon ko, ngayon ko lang narealized na wala pala akong sapatos! “Ouch, nakakainis naman!” angal ko, saka nagngangawa nang marealized na wala sa paligid ang mom at dad ko para dalhin ako sa hospital at ispoil ako. “Kamalas- malasan! Wala na akong maunawaan sa mga nangyayaring ‘to sa buhay ko ngayong araw at mukhang malabo pa na panaginip lang ang lahat ng ‘to!” Ngangawa pa sana ako nang malingunan ang lalaki sa ‘di kalayuan. Nakatingin nang mariin sa ‘kin na parang isa akong wirdong tao sa paningin niya. Well, mukha nga akong wirdo ngayon! Naalala ko na may kasama nga pala ako. Oo nga pala, niligtas niya ‘ko! Tumayo ako agad para ngumiti sa kanya. “Maraming salamat! You saved my life, thank you talaga-“ Tumikhim ito. Tinitigan ko siya. Nagtaas ito ng kilay, parang naghihintay ng iba pang reaksyon mula sa ‘kin. “Uh, what?” Wala akong kahit na anong ideya sa buhay ng Apricot na sinasabi nila at ni Maggie, hindi ko rin alam kung magkakilala ba kami or... magkaaway rin ba?! Teka masama rin ba siya or magkakilala kami? Kuya ko siya o kaaway? “Friends tayo?” tanong ko sa kanya sa hindi siguradong tono. Nagpeke ito ng tawa, maiksi at hindi man lang umabot sa mga mata. So, in short ang character ko sa libro ni Maggie ay nakakainis na magnanakaw? I’m more than fit to be a princess, hindi dapat ganito e! “You kissed me the last time we met. You stole my garnet ring and now you couldn’t recognize me?” sarkastikong tanong nito. “Huh?!” nasamid yata ako ng sariling laway. Favorite books ko pa lang ang naki-kiss ko sa buong buhay ko. He grabbed my wrist tight and put on something there. A handcuff! Tapos ay ikinabit niya rin sa wrist niya ang kabila! “N-Nababaliw ka na ba!” “Wala naman sa ‘kin ‘yong kiss, sanay naman akong ninanakawan ng halik ng maraming babae kapag hindi na nila mapigilan ang sarili.” Prenteng inayos nito ang itim na buhok niya na tumatama at humaharang sa kaliwang mata niya. “Ang akin lang, ibalik mo ang singsing ko para makaalis na ako rito sa mundo mo. You see hindi ako taga- rito,” “Ang kapal ng mukha mo, hindi ako si Apricot sabi! Tanggalin mo ‘to!” padarag na itinaas ko ang kamay ko saka nahila ang kaniya na naka- kabit din sa handcuff. Kumibit- balikat lang ito saka nag- umpisa nang maglakad, syempre nakaladkad ako! Magsasalita pa sana ako ulit nang matitigan ko ang mukha niya kaya natigilan ako. Naka-side view ito kaya kitang- kita ko ang pagkislap ng hikaw sa kaliwang tenga niya. Wait. Bukod sa siya ‘yong nasa puno kanina na lalaki na nadaanan ko habang hinihila  ako no’ng babaeng tindera ng prutas na bruha... I think I saw him in Maggie’s book. Wait, dalawang lalaki lang ang nasa litrato doon at... kamukha niya ‘yung isa! “Your name is-“ Nilingon niya ako pero mata lang at hindi ikinilos ang mukha na para bang ang taas ng tingin sa sarili. “Aries. Prince of Magic Paradise.” Pagputol niya sa dapat na sasabihin ko. Yes. Prince Aries at Prince Ariel ang dalawang prinsipeng nasa libro at ang namimeet ko sa mga oras na ‘to ay si... Prince Aries! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD