CHAPTER 6: CHANGE THIS BOOK TOGETHER
Umawang ang bibig ko. Siya ‘yong nasa picture sa librong binigay ni Maggie!
Pekeng umubo ‘yong lalaki saka pumameywang. Nahila naman ang pala-pulsuhan ko sa ginawa niyang pagpameywang at nagpipigil ng pagka- irita na tinignan ko ito. “May ninakaw ka sa ‘kin. Ibalik mo na, niligtas ko naman ang buhay mo.” Aniya sa mariin at nanggigigil na tono.
Siya pa ba galit! Ako dapat ang galit kasi hindi nga ako si Apricot, ano ba!
Napakamot ako ng ulo. Kababaeng tao kasi ng fictional character na ginagampanan ko ngayon pero ang lakas magnakaw. Who knows baka buong baryo pa ang pinagkaka- utangan ko rito. Kanino pa ba ako may atraso rito dahil sa kanya.
Napa- gulo ako ng buhok sa stress!
Hindi ba naisip ni Maggie na hindi ako fit sa character na ‘to! I should be a princess!
“Aw!” daing ko nang makaramdam ng kirot sa braso ko. I was shocked nang makakita ng dumadaloy na dugo mula rito, ito yata ‘yung tinamaan ng espada kanina.
“Isugod mo ‘ko sa hospital na lang kung mukha akong weirdo! Mamamatay ako ‘pag naubusan ako ng blood!” reklamo ko pa.
Hanggang sa umiling ito na parang hindi makapaniwala sa narinig, naglabas siya ng panyo saka bara- barang tinapal at tinali sa sugat ko! “Gagaling din ‘yan, hindi ka naman nasaksak sa puso.”
Hindi na lang ako nagreact, wala ako sa mundo ko hindi yata uso ang ambulance. Mabuti na lang din at medyo mababaw lang ang sugat na ‘yon, kung hindi ay tiyak na mauubusan ako ng dugo rito habang okay lang sa siraulong ‘to.
Nilahad niya ulit ang kamay niya, “Ilabas mo na ang singsing ko,”
Oh, right, oo nga pala. “Ganito kasi ‘yan, hindi ako si Apricot na inaakala ninyo at wala talaga akong idea kung ano man ang ninakaw ko, wala akong alam kung nasaan.”
Blangko ang ekspresyon na tinitigan ako sa mga mata nitong Aries na prinsipe.
“Okay sige papatunayan ko sayo. Di ba prinsipe ka? Nabasa ko ang libro ng buhay niyo, anak ka ng reyna at hari sa Magic Paradise!” natutuwang pinindot-pindot ko ang pisngi nito. Totoo talaga siya! “Hindi pa nga ako makapaniwala, kaharap na kita! Binabasa ko lang ang story niyo kagabi!”
Tinapik nito ang kamay ko saka nagpormang diretsong linya ang mga labi. Nauubos ang pasensya. “Wala na akong oras makipag- lokohan sa ‘yo. Tatlong araw na ako sa loob ng librong ‘to, panigurado hinahanap na ako sa mundo namin. Ibalik mo na ang ninakaw mong garnet ring ko,”
“Hindi nga ako si Apricot! Kita mo alam ko na anak ka ng hari at reyna-“
“Kasasabi ko lang na prinsipe ako. Natural anak ako ng reyna at hari.”
Oh, right. Napakamot ako ng leeg. “Uh, alam ko rin na friends ng parents mo si... sino nga ba,” Minsan talaga makakalimutin na ako kaka-puyat. “O sige ‘wag na lang ‘yon. Uh ano na lang, may kapatid ka!” Mabilis na sabi ko, confident sa sinasabi habang nakataas pa ang isang daliri sa harap nya.
“Kapatid mo si Ariel, right? The prince- charming type!”
Nagsimulang kumunot ang noo niya. Nakuha ko ang buong atensyon niya sa binanggit ko. Naniniwala na siya? Totoo naman, nabasa ko lang ang story ng buhay nila kasi hindi ako taga-rito.
My name is Hailey and not Apricot!
Nasa loob na talaga ako ng fictional book, legit na talaga! Gusto ko maiyak!
Tumingala ako sa kalangitan. So right now, I’m no longer under a normal sky. Kulay puti naman ang mga ulap, mataas rin ang sikat ng araw at kulay asul ang kalangitan. May kaunting mga ibon na lumilipad sa paligid noon.
Basically, parang katulad din sa Earth for normal people like me. Ang kaibahan lang...
“I have magic. Magic is real. I have magic at speed magic ‘yon,” bulong ko, paulit-ulit na parang ritwal. Hindi ako makapaniwala!
Nag- aalala ako kung paano uuwi but I’m also happy to experience having magic!
“Anong alam mo sa ‘kin at kay Ariel?” seryosong tanong niya.
I knew it, kapatid niya pa nga si Ariel sa book. Ariel looks more like a prince charming at ang first impression ko naman sa kanya, dito kay Aries ay mukhang hindi ko siya makakasundo kahit isang araw lang.
Sabi ko I won’t judge him by looking at his looks lang, pero parang totoo naman. Mukha siyang nakakairita, hindi bagay maging prince. Parang kontrabida pa nga dahil bukod sa singkit na mga mata nito, madilim din ang tingin at matapang t mapaglaro ang hitsura pati mga ngisi. Idagdag mo pa ang way ng pakikipag- usap, hindi maka- prince charming ni Barbie!
“Bakit ganyan ang tingin mo,” malalim na huminga ito saka parang naiinip na tumingin sa ibang direksyon. “Parang nilalait mo ‘ko sa isip.”
“Hindi masyado.” Sagot ko lang. “Taga- Earth ako. You know Earth? Doon ako nakatira, someone gave a book to me at napasok ako sa loob nito kanina lang. Ang alam ko lang ay inantok ako at nakatulog tapos ito na...”
“Earth?-“ hindi niya na natuloy at pinutol ko na ang sasabihin niya para magpaliwanag pa.
“I met someone named Maggie, a book keeper. Sabi niya I must find Apricot kasi that Apricot is responsible of my present situation, tyaka kailangan ko gampanan ang character niya rito kasi mukhang umalis siya and-“
Napatili ako nang bigla itong maglakad, hila- hila ang pala- pulsuhan ko na naka- kabit pa sa posas niya. Walang pakialam sa pinapaliwanag ko kanina lang.
“Sige na, naniniwala na ako, manahimik ka na.” bagot na sabi niya.
Hindi naman ako naniwalang naniniwala na siya sa ‘kin kasi mukhang hindi naman! Pero sige.
Malalaki ang hakbang niya kaya halos lakad na mabilisan ang ginawa ko para makasabay. “Okay, mabuti naman. Now, tanggalin mo na ‘tong hand cuff. Bakit ba kasi kailangan may ganito pa? Nakakaladkad ako!”
“Akala ko ilalabas mo ang garnet ring ko kapag ginawa ko ‘to e, that ring holds my magic. Tatanggalin ko sana ‘tong walang susi na posas gamit ang magic ng singsing na ‘yon kapag naibigan mo na. Kaso hindi ka pala ‘yong Apricot na hinahanap ko,” walang gana niyang sagot.
“So?!”
“So?” gaya niya habang nakatingin pa rin sa nilalakaran.
“Ano na? Wala ‘tong susi?!”
Umiling lang siya, walang gana at parang naiingayan na sa presensya at mga sinasabi ko mula pa kanina.
Nahampas ko ang noo ko sa inis.
Bakit naman kasi gagawa ka ng bagay na hindi mo pinag- iisipan ang ibang possibilities, hindi ba?! Dapat inisip niya man lang... what if ako talaga si Apricot at naibenta ko na ang garnet ring... e ‘di forever kang naka posas sa ibang tao!
“Totoo pala ang kwento- kwento. Malas raw kapag dumadating ka.”
Naiawang ko ang bibig ko sa huli niyang sinabi, hindi ko alam kung maiinis ako, maiirita o magkukunyaring natawa na lang.
“Sino namang nagpauso ng kwento- kwento na ‘yan!” iritableng singhal ko sa kanya.
“Bakit ka nagagalit? Akala ko ba hindi ikaw ang Apricot na tinutukoy ko?”
“Hindi nga! Feeling hurt lang ako kasi... siyempre, ako na ‘to eh, si Apricot na ako ngayon at bibitbitin ko na ang mga tingin niyo na ‘yan sa katauhan na mayroon ako ngayon-“
Humarap ito sa ‘kin habang seryosong- seryoso na inilapit ang mukha malapit sa ‘kin kaya naman napaatras ako ng leeg.
“Wala tayong magagawa kung minalas ka sa librong ‘to at sa Maggie na ‘yon, ang dapat mo na lang isipin ngayon ay kung saan hahanapin ang totoong Apricot,” aniya. “O baka naman nagsisinungaling ka lang para humabol- habol ako sa ‘yo dahil alam mong prinsipe ako-“
Tinulak ko ito palayo sa dibdib saka sinamaan ng tingin.
“Hindi talaga makapal ang mukha mo, ano? Hindi talaga eh,” sarkastikong ngumiti ako sa kanya. “Ako rin gusto ko nang umalis sa librong ‘to kagaya mo, okay? Kaya samahan mo ‘kong hanapin ang Apricot na ‘yon!”
“Ano pa nga ba.”
Iritableng ginulo niya ang buhok saka humugot ng malalim na paghinga. Na para bang bwisit na bwisit siya sa nangyayari ngayon. Ako rin naman bwisit na bwisit ngayon, mababawasan sana ang unfortunate happenings kung hindi lang niya dinagdagan ng paposas- posas na ‘to!
“Iihi muna ako dito sa tabi,” biglang sabi nito kaya naman namilog ang mga mata ko.
“HUH?”
Wala na akong nagawa nang maglakad na ito habang hila- hila ang nakaposas na kamay ko.
LUMIPAS ang ilang minuto at huminto kami sa malayong parte ng bayan nang mapagod sa paglalakad. Sinabi niyang mas okay na nasa malayo kami kasi mukhang galit ang mga tao sa ‘kin sa pinanggalingan namin. Kung hahabulin man nila ako, dawit siya. May pa- posas pa kasing nalalaman.
Naupo kami sa wooden bench at ininda ko na naman ang mga gasgas sa mga paa ko. Nangiwi rin ako nang mapansin na naka-pantulog outfit pa ako, terno na blue winnie the pooh pajama and top na long sleeves. I also noticed that I am wearing a pair of red silk gloves. Cute, but not bagay sa terno pantulog ko, agh!
“So ano na? Ano ng gagawin natin? Paano ako makakauwi? Saan ko hahanapin si original Apricot? Kilala mo ba ‘yon?”
Sinulyapan lang ako nito nang saglit saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib na parang pinaghalong inis at inip ang nararamdaman ngayon. Hindi ko alam kung saan siya naiinis, sa hindi ba siya makauwi o sa ‘kin.
“Gusto ko rin umuwi sa mundo ko, malas lang at nakasalubong kita nung nakaraan. Mabilis mong natanggal ang singsing sa daliri ko, that’s how notorious thief you are.”
“Correction, hindi ako ‘yon. Ako si Hailey. Mabait akong tao, mabait akong anak sa parents ko,”
Huminga lang ito nang malalim, parang nagpipigil ng inis. Pasimpleng lumayo ako ng upo sa kanya papunta sa kabilang dulo ng bench. Hindi talaga siya mukhang friendly na prince, baka antagonist pa nga siya sa book ng Magic Paradise.
Jusko. I should behave.
“So... anak ka ng mga bida sa book. Pero bakit nasa ibang book ka kung nasaan tayo ngayon?” tanong ko out of curiosity, “I mean may sarili kang book, doon ka character, pero bakit nandito ka sa ibang book? Nage- gets mo ba ang ibig kong sabihin?”
“Tsk, ang dami mong tanong.”
“Sagutin mo na lang para matahimik ako, itatanong ko rin ‘to sayo mamaya o bukas ‘pag naisip ko ulit.” Honest reply ko sa walang gana niyang sinabi kanina.
True lang. Medyo excited pa naman ako sa situation ko kahit medyo worry kung paano uuwi. I have magic, kahit papaano may laban ako sa bad guys, right?
Bumuntong- hininga ulit siya. “Wala lang, may hinahanap lang ako,”
“’Yung garnet ring?” naka-smile kong tanong. He’s responding, mamaya tanungin ko siya about Magic Paradise!
Masamang titig ang ipinukol niya sa ‘kin, napaiwas tuloy ako ng tingin habang itinatago ang mga labi. “Wag ka sakin magalit. Hindi ako ang nagnakaw, remember?” mahinang paalala ko kahit hindi nakatingin sa kanya.
“Bukod sa garnet ring. I’m looking for someone.”
My mouth formed ‘ah okay’ words nang walang boses at nanahimik na ako. Baka sa ‘kin pa ibuntong ang galit sa nagnakaw ng ring niya. Hindi ako ‘yon, remember that!
Lumipas pa ulit ang ilang minuto saka binasag ng ingay sa tiyan ang katahimikan. Napahawak ako sa tiyan ko. Wala pa akong breakfast at lunch!
“Wala ka bang balak bigyan ako ng food? I’m hungry.” Lumingon ito sa ‘kin saka ginawa ko naman ang best ko para mag- puppy eyes at ngumiti ng nakaka- awang ngiti.
“Tsk,”
Ah okay, hindi effective.
Tumayo ito bigla saka hinagisan ako ng itim na cap. “Suotin mo para hindi ka makilala ng mga masasalubong natin.”
“O-okay,” tumayo na rin ako, “Kakain na tayo? Libre mo?”
Nagpunta kami roon saka ako nawindang sa sobrang daming tao, ginawa ko ang lahat para itago ang hitsura ko at baka makasalubong pa ako ng pinagkaka- atrasuhan ko.
Halos mabunggo- bunggo ako sa kung kani- kanino, “Sorry po, hindi ko sinasadya.” Sabi ko habang pinapaliit ang boses ko.
Hindi makapaniwalang tinaasan ako ng kilay ni Aries, “Ano ang ginagawa mo?”
“What?” masungit na sagot ko sa kanya. “Iniiba ko ang boses ko, baka may makakilala pa sa ‘kin.”
Umiling lang siya saka nauna na nang kaunti. Probably naiirita na rin sa bagal ko maglakad, nakapaa pa rin ako at ang sakit ng mga gasgas ko roon so ‘wag niya ako susungitan.
I’m worrying about my wounds, baka makapasok ang bacteria at magka- infection. Kung hindi ako medical student ay hindi ako mag- woworry nang ganito.
Tumigil kami sa harap ng tindahan, para syang tyangge sa Earth. Whatever, pero mukhang hindi naman tindahan ng food. Gutom na talaga ako.
“Pwede na ba ang tatlong- daang ginto para sa pares ng sapatos na ‘to?”
Sinipat ko ang binibili niya, hawak niya ang magandang pares ng pambabaeng sapatos. Parang doll shoes ang itsura pero maganda ang design, sabi ko na talaga wala na ako sa Earth e. Floral iyon pero wala pa akong nakikitang ganoon sa Manila, kahit nga sa Lazada.
“Naku, hijo, ikaw pala ‘yan! Kuhanin mo na ‘yan, huwag mo na ako bayaran.” Ngumiti ang matanda kay Aries. “Kulang pa nga ‘yan sa pagligtas mo sa apo ko noong nakaraan,”
Pagliligtas? Nagsalit ang tingin ko sa kanila na may pang- aasar na tingin para kay Aries. So, may kabutihan siyang tinatago pero hindi lang halata ganoon ba. Nang mapansin niya ang hitsura ko ay inirapan ako nito.
Tumango- tango si Aries doon sa babae, wow no thank yous. Hindi uso sa Magic Paradise?
“Mayroon din ho ba kayong gamot sa sugat? Pantapal na rin ho.” Sabi niya sa tindera habang inaabot sa ‘kin ang pares ng sapatos.
“Thank you,” nahihiyang sabi ko, hindi siya umimik, hindi rin nagtapon ng tingin sa gawi ko.
But at this moment, nabawasan ng one point ang bad-o-meter ni Aries sa isip ko. Baka 10% kind pa rin naman siya.
Buong oras ay hindi naman nagsasalita o nagkukuwento si Aries, basta may ginto lang siyang pinambabayad at nakakain ko na ang mga nagugustuhan at tinuturo kong food na nadadaanan namin.
And seriously! Ang sarap ng mga pagkain dito!
“This is far more delicious from Earth’s kare- kare, adobo, caldereta! Hangsarap, try mo!”
He just pursed his lips at umiling. Nakapamulsa na hinihintay ako matapos sa kinakain while we were standing in front of a stall.
Boring kasama, kung ikaw nasa kakaibang world tapos nakaka- try ka ng new food and such dapat di ba ay masaya ka!
Whatever.
“Pagkatapos nito, pupunta tayo sa harap ng dimension kung saan ako dumadaan palabas at papasok ng iba’t- ibang libro.” Umpisa niya.
Lumapit ako sa kanya lalo habang kinakagat ang stick ng masarap na pagkain. Curious. “Dimension? Pwede na dumaan doon? You no longer need the garnet ring? Makakaalis na tayo from here?”
“Tss, maghihintay tayo doon hanggang sa lumabas ang pintuan na pwede daanan.” Iritableng sagot niya. “Hindi pa rin posible hanggat walang garnet ring, magbabaka- sakali lang.”
Ah okay. So in short ay aasa lang kami ng kaunti pala.
Basta hindi ako ang kumuha ng garnet ring, remember that.
Biglang nag- ingay ang mga tao sa paligid, nagkagulo kaya medyo natulak- tulak kami ni Aries sa gilid. Parang nagtatakbuhan sila palayo.
“Aw, ouch, ‘yung paa ko mga ateng at kuya!”
“Tumakbo na kayo! Nandyan na sila!” sigaw sa ‘min dalawa ni Aries ng ginang na napadaan sa harapan namin. Napansin niya yatang kami lang mula sa maraming tao ang hindi kumikilos sa kinatatayuan.
Napatingin ako kay Aries, lalakad na sana siya paalis nang may humila sa likurang bahagi ng damit ko. Pati sa buhok ko na naka- ponytail!
“Ah! Ano ba!”
Napalingon si Aries sa ‘kin at napahilamos ng mukha. “May balat ka ba sa pwet? Nadadamay ako sa kamalasan mo sa buhay, e,”
Inirapan ko na ito. “Sinong nagsabi sayo na magposas ka sa kamay ko at kamay mo?” pagsusungit ko. Minsan na nga lang magsalita, maninisi pa.
Napatili ako nang ituloy na hatakin na ako ng mga di namin kilalang lalaki. Well, lahat naman dito ay hindi ko kilala. Pero itong mga lalaking ‘to ay kadarating lang sa lugar.
Lahat sila ay may espada, but the difference is that they are all wearing ‘pang-gubat na outfit’. ‘Yung mukhang master nila ay ganoon rin pero may crown na puro dahon sa ulo.
Isinakay nila kami sa sasakyan nila kanina na hila- hila pa ng dalawang kabayo na dala nila, pero malaking horse cartwheel kung saan isinasakay ang mga naabutan at nahuli nilang iba pang tao.
Well, unfortunately isa na ako roon. Padarag na itinulak kami pasakay sa cartwheel at siksikan kaming ibinyahe papasok sa gubat. Kaharap ko ang prinsipeng nakabusangot na mukhang wala namang powers.
“Hindi na kailangan igapos, thanks to you,” asar ko habang itinataas ang posas na siya rin mismo ang naglagay sa ‘ming dalawa. Umirap lang ito at umiling.
“Palagi ko silang natatakasan nitong mga nakaraang araw, e, ngayon lang talaga nahuli. May taglay ka talagang kamalasan,”
Kinurot ko ito sa binti sa sobrang irita, hindi siya natuwa at umirap lang. Ako rin!
Magdadasal na lang ako na makauwi pa ako sa ‘min nang buo at ligtas!
Habang bumabyahe sa gitna ng kagubatan ay nag- umpisang umiyak ang isang bata sa tabi ko, pareho kami ni Aries na napatingin doon.
Inalo ito ng mukhang mama niya yata sa tabi. “’Wag kana umiyak, anak. Magiging maayos din ang lahat.”
Hinaplos ko ang ulo ng bata dahil sa awa kaya hindi sinasadyang nahatak ang kamay ni Aries. Sinamaan niya ako ng tingin.
“Oo nga, hindi nila tayo sasaktan, makakatakas tayo.” Bulong ko. “May magic ako, tatakas tayo mamaya.” Pag- alo ko sa bata kahit hindi naman ako sure talaga. Sa dami ng mga goons na ‘to tapos ako lang ang mukhang may magic dito.
“Ikaw at siya?” tukoy niya sa isang kamay sa posas ko. Right!
I need Aries’ help!
Binalingan ko ng tingin ang prinsipe na nakaupo sa harapan ko, nahuli ko ang tingin niya kaya inirapan niya ako na parang alam na ang naisip kong sabihin.
“’Wag kanang mag- abala pa, nabasa ko na ang librong ‘to pati na rin ang wakas.” Walang ganang sabi niya. Humarap siya sa bata na nakaupo sa tabi ko. “Mamamatay ka doon kasi itatapon ka sa balon at masasaksak naman sa likod ang mama mo, walang makakaligtas sa inyo maliban sa ‘kin at sa babaeng ‘to,” aniya na parang nang-aasar saka itinuro ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nashookt naman ang nanay noong bata sa narinig saka sabay na silang umiyak noong bata. Ang ibang kasama naman namin na nahuli ay lalong natakot nang marinig ang mga sinabi niya.
“Hey! You’re not helping!” inis na bulyaw ko rito. Prinsipe ba talaga ‘to?!
NANG makarating kami sa tribo ng mga goons na nanghuli sa ‘min ay lalo akong nakaramdam ng kaba. Nag- iingay silang lahat gamit ang maliliit na tambol nila, trumpet and other instruments habang nasa paligid ng malaking apoy na mas mataas pa sa tao.
Plus this jerk na handcuffed sa pala- pulsuhan ko!
“Hindi ko alam kung kamusta kang makakaladkad kapag ginamit ko ang speed magic ko, good luck sa ‘yo.” Pananakot ko kay Aries habang pinaluluhod kami sa harapan ng maraming tao na nakatira sa tribe.
Umismid siya. “Hindi mo naman ako makakaladkad. Kasi hindi ka rin makakagamit ng magic, kung makakagamit ka man lagot ka sa mga shaman nila dito,”
Napaawang ang bibig ko at napunta nga ang tingin ko sa mga matatandang babae sa paligid namin, sila ‘yon? Like mangkukulam ganon?
Pasimpleng siniko ko nang malakas ang tagiliran ni Aries. “Alam mo hindi ako sure kung anong gusto mo mangyari ngayon, parang hindi mo naman gusto na maka- survive tayo rito. Hindi ka nga nag- aalala tapos nagawa mo pang kontrahin ako. Siraulo ka ba?”
He smirked playfully, sa sinag ng apoy sa mga mata niya... nakakatakot si Aries tignan. Napaisip tuloy ako kung harmless ba siyang character ng libro or...
“Kaya kong makatakas dito gaya nga ng sinabi ko kanina nabasa ko na ang librong pinapasukan natin ngayon. At kung naiisip mong tulungan silang lahat,” nilingon niya ang mga tribal goons na nag- uumpisa na ng ritwal para ialay at patayin sa ibabaw ng balon ang mga kasama naming victims. Umiling siya at yumuko, pero hindi inaalis ang mapaglarong ngisi. Natakot ako. He looks... unmerciful. “Guguluhin mo ang takbo ng kwento ng librong ‘to kapag may pinigilan kang normal at dapat na mangyari, kapag ginawa mo ‘yon, kakailanganin mong manatili rito hanggang matapos ang kwento. Ikaw na mismo ang tatapos ng kwento at hindi na aayon sa istorya ang mga eksena,”
Natigilan ako. Kaya siya confident kasi hindi sya parte ng librong ‘to tama ba? Kahit na nasa loob kami ng libro at... fictional character lang ang mga biktimang kasama namin, hindi ko maatim na tumakbo palayo at iligtas lang ang sarili ko.
Iniisip ko pa lang... hindi ko na talaga kaya. Hindi naman ako bayani pero ang hirap naman na walang gawin lalo na’t ako ang may pinaka- kakayahan na tumulong dahil sa magic ko.
This prince must learn something from me.
“So?” sarkastikong sagot ko sa mga sinabi niya.
Natigilan si Aries, mukhang hindi inaasahan ang narinig na tugon mula sa ‘kin. Dahan- dahan siyang lumingon sa ‘kin, hindi makapaniwala. Umiling ito. “Kapag pinili mong tapusin ang kwento, papasanin mo ang buhay ng karakter na ginagampanan mo.”
“And so?” kunyaring unbothered na sabi ko. Kunyari lang, gusto ko lang naman na tulungan niya kami. Nag- umpisang manginig ang mga kamay ko sa mga posibleng mangyari sa ‘kin.
I have three trauma way back when I was 10 years old up until now.
Trauma of darkness, being left alone... and...
“Kapag sa ‘yo na umikot ang kwento ng librong ‘to mas dadami na ang darating na problema, mga character din na villain, lahat sila ay ikaw lang ang gugustuhing patayin. Ano?”
“Ililigtas ko sila. Kung ayaw mong tumulong bahala ka.” Pinal na sabi ko sa kanya habang pinanonood ang umiiyak na mag- ina na inilalapit ng mga armadong tribe men sa balon.
Mahigpit na hinawakan ni Aries ang braso ko, mahigpit na mahigpit.
“Hindi ugali ng karakter ni Apricot ang gagawin mo, magnanakaw ka rito at masama ka, isa pa... pwedeng mamatay si Apricot sa librong ‘to kapag binago mo ang takbo ng istorya sa gagawin mong kalokohan. You wouldn’t want that to happen to you. Hindi ka pa man din taga- rito sa librong ‘to.”
I chuckled. Mukha siyang mas kabado pa kaysa sa ‘kin sa pwedeng mangyari sa buhay ko.
“Try me.” Hamon ko sa kanya. “Kung nag-aalala ka sa ‘kin, tulungan mo na lang ako.”
“Nababaliw ka na, bakit naman ako mag- aalala sa kagaya mo,”
Bumuntong hininga ako. Wala ng pag- asa magbago ang tingin ko sa prinsipe na ‘to, selfish and jerk.
Nilabas ko ang patalim na hawak ko, I was lucky to walk passed by a fire awhile ago. Mainit ito ngayon, I tried to use my speed magic to cut the handcuff through this hot metal. Manipis lang naman ang handcuff. At dahil sa speed magic na mainit ay naputol ‘yon.
Hanggang sa napalingon si Aries sa ‘kin, putol na ang handcuff nang walang nakakapansin.
Disappointed at iritable ang tingin ni Aries sa binabalak kong gawin, “Pero di ba mas nakaka-disappoint na prinsipe ka and you have the skills to fight pero ayaw mong gawin ang pwede mo naman gawin? You wouldn’t want to be labeled as coward, running away from what needs to be faced.”
Natulala si Aries sa sinabi ko, tapos yumuko at natawa na parang nagsabi ako ng joke.
“Bahala ka. Desisyon mo ‘yan.”
Right on time, mabilis pa sa isang segundo ay nahawakan ko ang kamay ng lalaking may hawak na patalim nang gamitin ko ang speed magic na taglay ko patungo sa kanya. Hindi ko alam paano ginagamit ang magic na mayroon ako ngayon pero kapag naiisip kong kumilos nang mabilis ay nagagawa ko naman kaagad. Sasaksakin niya sana ang nanay ng bata na katabi ko kanina.
Nagulat ang lahat, pati nga ako eh! Nakipag- eye to eye contact lang ako after stopping his hand.
So what’s next after stopping his hand from stabbing the woman?
Bago pa ako makaisip ng gagawin ay naitulak na ako ng lalaki sa ground, napakamot ako ng ulo, sorry ha first timer sa action scene eh.
Mabilis ulit akong kumilos para hindi nila ako mahuli, nagkagulo ang lahat kaya inuna kong hatakin ‘yong bata at dinala sa malayong lugar.
“Dito ka lang, dadalhin ko ang mama mo rito, wait wait ka lang here ha,”
Tumango ito saka mabilis na bumalik ako sa gitna ng tribe ulit, napailing ako nang maisip na masyadong mabigat pala ang iba sakanila kaya hindi ko kayang buhatin kahit na may speed magic. “Hindi ko naman gugustuhing makaladkad kayo,” bulong ko.
Kaya hinarap ko na lang ang mga nagkakagulong tribe men, sinisipa ko ang private part nila. Effective naman napapa- stop and kneel sila sa sakit.
Huminto ako para pagtawanan sila pero biglang may humatak ng buhok ko sa gilid, sinipa ko ang egg and bird niya pero hindi naman siya umaray!
“Oh god, peace!” Nag- peace sign ako at puppy eyes sa kanya pero parang gigil na gigil na ito sa galit. “Pwede peace? Pwede daanin na lang sa maayos na usapan?”
Suminga lang siya na parang toro na nakakita ng red clothe!
Ayaw ata niya.
When he’s about to stab me with his small sword bigla siyang tumalsik palayo!
May sumugod na isa pang lalaki na may sword sa banda ko pero may humila na agad ng beywang ko para makaiwas.
Paglingon ko... it was the selfish prince.
“Oh, akala ko ba ayaw mo?” dahan- dahan kong asar dahil sa lapit niya sa mukha ko pagka- lingon niya, still holding my waist.
He smirked. “Is that how you express your gratitude to your hero for saving you?”
Tinulak ko ang dibdib nito para makalayo sa kanya. “Thanks, then.”
“Hindi na ako nakatiis na hindi ka tulungan, ang sakit sa mata panoorin ng ginagawa mo. Wala ka bang ibang alam gawin kundi manipa ng ano nila...”
Napabuga ako ng hangin. Fine, nakakahiya!
Mabilis na kumilos ako para pasanin nalang sa likod isa- isa ang mga bihag na kasama namin ni Aries palayo sa lugar, mabigat pero mabilis lang naman kaya hindi ko masyado ininda. Now nasa malayo na sila ng tribe at pwede na tumakas, bumalik ako para sa selfish prince na naiwan doon.
Medyo selfish na lang pala dahil tutulungan niya na yata ako.
Siguro two seconds lang ako nawala. Or three?
Pagbalik ko ay nagstretching ako ng balakang. Gosh, ipagpatayo niyo ako ng rebulto para sa pagbuhat ko sa mga iyon kanina ha!
Manghang- mangha ang mga nakakitang tribe men sa ginawa kong bilis, the shamans even prepared a ritual na ulit- ulit nilang binibigkas pero parang hindi naman ako tinatablan.
Hinila ko ang sleeve ng polo ni Aries nang makitang pumulot ito ng sword. “Tumakas na tayo, ligtas na ang lahat.”
Umiling lang siya, “Too late, he’s already here,”
Sino?
Tumingin ako sa mga taong taga- tribo. Kulay dilaw na ang mga mata nila at naging blanko na walang emosyon, na parang... hypnotized.
Nagulat na lang ako nang biglang magliwanag ang buong katawan ko saka nawala rin.
Malalim ang paghinga na ginawa ni Aries kaya nilingon ko siya. Alam niya ba ang nangyayari at mangyayari?
“Mukhang official na. Ikaw na ang bagong super hero ng kwento, miss notorious thief.” Nang- aasar na sabi niya sa ‘kin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Ang pangit sa pandinig ha.
“What’s gonna happen now? Nagbago na ba ang story? Dapat na ba akong matakot?” kasi oo, kinakabahan na nga ako sa mga oras na ‘to!
Tumango siya at nang- aasar na nginisihan ako.
“Let’s change this book together. Tutal matapang ka naman,”
Teka lang, hindi sa ganoon! Nakagat ko ang labi ko.
TO BE CONTINUED...