THIRD PERSON'S POV CHAPTER 14: Strange Dream Malapit na magpaalam ang araw nang mapagpasyahan ni Aries na tumayo sa unahan ng lahat ng mga tagapagsilbing babae na naglalakbay sa gitna ng kakahuyan saka ianunsyong tumigil muna sa paglalakad para maghanda ng lugar na matutulugan. Nakasimangot na lumapit si Apricot sa apat na kapwa babaeng alipin. Abala ang mga ito sa pag aayos at paglalatag ng tela bilang tulugan, habang si Aries naman sa gilid ay prenteng nakaupo sa malaking bato at nakabantay. Pagkalapit ni Apricot sa mga ito napansin niyang nagtatawanan ang apat at pasulyap sulyap sa kasamang binata na parang mga kinikilig. "Wala ka bang mga paa at kamay para iutos pa sa iba 'yan?" naiiritang sita ni Apricot sa binata. Nilabas niya ang dalang tela mula sa dalang bag saka inayos din

