THIRD PERSON'S POV CHAPTER 12: Hate This Book INABOT ni Aries ang isang dahon mula sa puno saka 'yon pinaglaruan sa kamay habang naiinip na naghihintay sa taong pakay kausapin. Napatingin siya sa kalangitan habang may mga ibon doon na lumilipad papunta sa malaking puno sa tabi niya para sumilong mula sa tirik na sinag ng araw. "Napaka-tagal naman non lumabas," bulong niya sa sarili habang pasulyap-sulyap sa pintuan ng opisina ng hinihintay. Mataas na ang sikat ng araw at naisip niya na sa mismong tanggapan na ng pamahalaan niya hahanapin ang kakausapin niya dahil nalaman niyang nagt-trabaho pala ito bilang kanang kamay ng punong-tagapamahala ng bayan. "Teka, tigil!" may kalakasang utos ni Aries nang makita si Alen na kalalabas lang ng opisina nito. Naaalala niya ang mga napag-usapan

