Naisipan ni Akira na bisitahin ang Tita niya. Kahit naman kasi hindi naging maganda ang trato nito sa kaniya, doon pa rin siya nakitira. Kahit papaano ay may pakialam pa rin siya sa Tiyahin niya. Pinuntahan niya ito sa dati niyang tinitirahan para magbigay ng tulong. Laking gulat niya nang makita niya ang itsura nito. Sobrang payat na nito at nanlalaki pa ang mata. Nabalitaan niya na gumagamit pa ng ipinagbabawal na gamot ang kaniyang Tiyahin. "Oh? Napadalaw ka? Kumusta? Mayaman ka na ba kaya nandito ka para magmayabang?" Galit na sabi nito sa kaniya. "Hindi po ako nandito para magmayabang, Tita. Nandito po ako para magbigay ng tulong sa inyo. Kaya po ako nagpunta rin dito para mabisita kayo. Para malaman kung ayos lang ba ang kalagayan ninyo," magalang na sabi ni Akira. Malakas na tum

