Upang hindi na makawala pa sa kan'ya si Akira, niyaya niya itong magpakasal. Agad namang pumayag si Akira at kinasal sila agad. Pagkatapos ng kasal, pakiramdam ni David ay kumpleto na siya. Pakiramdam niya ay buong-buo na siya. Wala na siyang lungkot na naramdaman sa puso niya dahil mag-asawa na sila ni Akira. At hindi niya hahayaang magkahiwalay pa silang dalawa. "Grabe…akala ko talaga walang pupunta masyadong tao sa kasal natin," sabi ni Akira habang nasa byahe sila. "Akala ko nga rin eh. Pero ang dami nila," sabi naman ni David. "Nga pala….ano bang mayroon sa unit mo at bakit doon pa natin gaganapin ang honeymoon natin? Puwede namang sa bahay eh," sabi ni Akira sabay tawa. Ngumisi naman si David. "Basta. May pa-surprise ako doon." Pagkadating nila sa condo unit ni David, nanlaki a

