Hindi makapaniwalang nakatingin si Dria sa chekeng hawak. Pagkatapos ay bumaling siya kay Lance. Kasasabi lang niya sa binata na kung maaari ay dagdagan nito ang utang niya rito para mabilis ang bahay nila ngunit heto at iniabot na nito ang tseke na halos kalahating bilyon ang halaga. "L-lance..." nanginginig ang boses niyang sambit sa pangalan nito. Ngumiti naman sa kanya ang lalaki. "I've also contacted our lawyer to get in touch with Mr. Gonzales and set a meeting with him for your plan. They scheduled it tomorrow," nakangiting saad nito. Pakiramdam ni Dria ay hinaplos ng malamig na kamay ang puso niya. She abruptly stood up at naglakad papalapit kay Lance at saka walang pag-aalinlangan siyang yumakap dito. "Thank you! Thank you very much, Lance. I promise to pay you back as soon

