Walang pakialam si Samantha kung nagkagalit sila ni Anton simula noon. Hindi na siya nito kinausap at hinayaan na lang sa pamamalakad niya sa jewelry business ni Mrs. Zaspa. Itinuring ni Samantha na kabayaran iyon sa lahat ng mga sakripisyo niya sa pamilya ni Dria. Itinuring niyang kapalit ng anak at ng pagkakataon na magkaanak. Inaalagaan niya ito. Ibinuhos ang lahat ng talino at galing niya. Papalugi na ito dahil halos ilang taon ding napabayaan mula nang mamatay si Mrs. Zaspa at pinabayaan ni Dria. Si Samantha ang muling nagbangon sa business. Halos dalawang taon ding nagpakahirap siya para sagipin ito. At siya lang mag-isa ang gumawa niyon. Wala siyang nakuhang tulong mula kay Anton. Pagkaraan ng isa pang taon ay muling umangat ang jewelry business ng mga Zaspa. Nakapag-ipon si Saman

