Gustong pigilan ni Samantha ang binata ngunit ano ang sasabihin niya rito? Tiyak na nasa tabi ng pinsan nito si Anton. Kapag nakilala ito ni Lance, mamumukhaan din nito na schoolmate nila ito dati. Sikat din naman si Anton noon sa university nila bilang guwapong scholar kaya nga ito naging crush ni Dria noon. Siguradong magtataka si Lance kung ano ang ginagawa ni Anton sa lugar na iyon. Baka nga magpaimbestiga pa ito tungkol sa lalaki kapag nagpakita ng interest si Anton sa pinsan nito. Malalaman ni Lance na pinakasalan nito si Dria na kaibigan niya na hindi rin malabo na Kilala nito dahil kadikit niya ito palagi noong college pa sila. Malalaman nito na biyudo na si Anton at namana lang nito kay Dria ang yaman na meron ito ngayon. Hindi rin malabo na pati ang pagpapakasal niya sa ama ni Dr

