Chapter 9

2267 Words
Mag-isa lang si Dria sa table niya sa school cafeteria para sa lunch break nila. Wala sa mga klase sila sina Samantha at Rebbie dahil hanggang ngayon ay kausap pa rin sila ng dean dahil sa nangyari kaninang umaga. Pinatawag si Samantha para magpaliwanag sa involvement nito sa professor nila samantalang si Rebbie at pinatawag dahil miyembro ito ng school paper nila. Dria wasn't worried. Kung ipapatawag din siya para magpaliwanag sa involvement niya sa eskandalo ay pupunta siya. She's willing to bare it all sa dean kung kinakailangan. Pero sa tingin niya, hindi siya idadamay ng dalawa. Samantha isn't stupid enough para maghukay pa ng mas malalim na butas na ikakapahamak nito. Mas lalo siyang masisira kapag nalaman ng lahat na nakipagrelasyon siya sa ama ng magtalik niyang kaibigan. Hindi rin mahina si Rebbie para umamin na kasama ito habang kinukuhanan ng mga larawang sina Samantha at ang professor. The school paper staff could also easily deny na sila ang nag-post ng mga larawan. Hindi nila kontrolado ang lahat. Everybody can post there anyway kung gugustuhin ng mga ito. At oo, kinausap niya si Samantha kanina. But the students who witnessed their talk cannot say what they've talked about dahil wala namang nakarinig sa mga sinabi niya bukod kay Samantha. Ang narinig nga ng mga ito ay ang pagbabanta sa kanya ni Samantha but no one could pinpoint her as the culprit of the scandal. Oo, tuso at matalino si Samantha. Pero kaya ring gawin iyon ni Dria. Hindi na siya ang Dria noon na mahina, duwag, at uto-uto. Pinatapang na siya ng mga naranasan niya sa unang buhay niya. Hinding-hindi na niya hahayang mangyari ang lahat ng iyon ngayong nabigyan siya ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan. Isa-isa na niyang itinatama ang lahat at wala ng makakapigil pa sa kanya. "Dria..." Napaangat siya ng ulo nang marinig na may tumawag sa pangalan niya. Nagulat siya nang makilala ang nasa harapan ng table niya. Si Anton. Ang schoolmate nila na kinabaliwan niya, minahal at pinakasalan niya, at pinatay siya ng dahil kay Samantha sa unang buhay niya. Ano ang kailangan nito ngayon sa kanya? "Yes?" malamig niyang tugon dito. Sa mga ginawa at sinabi nitong masasakit sa kanya sa unang buhay niya, tuluyan nang nabura ang pagmamahal na meron siya para sa lalaking ito. Lihim siyang napangiti nang makita ang pagkapahiya nito sa malamig na pakikitungo niya rito. Inaasahan nga niyang aalis na ito ngunit mukhang determinado itong makausap siya kaya nanatili ito sa kinatatayuan nito. "P--pwede ka bang makausap?" nanunubok na tanong nito. Pinagtaasan ito ng kilay ni Dria. Kakausapin siya ni Anton? Tungkol saan naman? Magsasabi na ba ito ng damdamin nito sa kanya? Kung sa unang buhay niya ay baka magtatatalon ulit siya sa saya, ngayon ay didiretsahin na niyang tatanggihan ang damdamin nito dahil isa si Anton sa mga dapat niyang burahin sa buhay niya ngayon. Pero gusto pa rin niyang marinig ang mga sasabihin nito. Itinuro niya ang upuan na katapat ng kinauupuan niya. Indikasyon na pumapayag siyang magkausap sila. Agad namang naupo roon ang binata. "Nabalitaan ko yung nangyari kaninang umaga," panimula nito na ikinadikit ng mga kilay ni Dria. Hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin nito. "Ikaw... Ikaw ba talaga ang naglagay ng mga larawang iyon sa bulletin board para mapahiya si Samantha?" Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito. "Dria, bakit mo ginawa iyon? Di ba mag-best friend kayo? Kung nag-away man kayo, tingin ko masyadong mabigat yung ginawa mo sa kanya. Napahiya siya at..." "Close pala kayo ni Samantha," pagputol niya sa sinasabi nito. Kahit galit siya kina Samantha at Anton, bumigat pa rin ang pakiramdam niya na malaman na nag-aaral pa lang sila ay malapit na ang mga ito sa isa't isa. Ang buong akala niya, magkakilala lang sa pangalan ang dalawa. "Magkaibigan kami," pagkumpirma ni Anton. "Pareho kaming galing sa mahirap at makakapag-aral lang diro dahil sa scholarship. Naiintindihan namin ang isa't isa. Ang mga hirap na pinagdaraanan namin para lang makasabay sa takbo ng mundo dito sa eskwelahan natin." "Ahh, kaya naman pala," sambit ni Dria na ikinadikit ng mga kilay ni Anton. "Kaya naman pala, ano? Natural lang, Dria, na ipagtatanggol ko siya sa mga nang-aapi sa kanya." Tumawa nang malakas si Dria sa sinabing iyon ni Anton na ikinagulat nito at ng mga estudyante na kumakain sa tabi nila. Nakakagulat talaga iyon dahil ngayon lang nila narinig na tumawa nang malakas si Dria. Kilala siya sa eskwelahan na simple, mahiyain, at tahimik lang kaya nakakagulat na walang kimi siyang tumatawa sa harapan pa ng isang lalaking kaeskwela niya. "Anong sinabi mo? Tama ba akong inaakala mong inaapi ko siya?" natatawa pa ring tanong niya bago nabura sa isang iglap ang ngiti niya. "Walang nang-aapi sa kanya, Anton. Nangyari ang lahat ng iyon sa kanya dahil din sa kagagawan niya. Alam mo ba na ang nagpapaaral sa kanya ay ang pamilya ko?" Nakita ni Dria ang gulat sa mga mata ni Anton. Ahh, hindi pala nito alam ang tungkol doon. Kung malapit ito kay Samantha, dapat alam nito ang tungkol doon ngunit sadyang hindi iyon ipinaalam ni Samantha dito. "Hindi siya humabol sa scholarship exam dahil alam niyang pag-aaralin naman siya ng mga magulang ko. Bukod sa bayarin dito sa school, may monthly allowance din siya mula sa amin. Kapag nagpapasama rin akong mag-shopping sa kanya, ipinagsa-shopping ko rin siya ng sarili niyang gamit. Minsan pa nga, doble pa ang dami ng pinamimili niya kesa sa pinamimili ko. Pero ayos lang iyon... dahil best friend ko naman siya. Sa dami ng mga binibigay namin sa kanya, hindi ba nakapagtataka na pumatol pa rin siya sa professor dito sa school natin? Kung close naman pala kayo, baka nasabi niya sa'yo ang rason." Nag-iwas ng tingin sa kanya si Anton. "Hindi. Hindi niya nasabi. Pero hindi pa rin iyon rason para kuhanan sila ng larawan at ipahiya mo siya," may galit na sa boses nitong lahad. "Anton, be careful sa mga sinasabi mo. Wala kang ebidesiya na ako nga ang kumuha ng mga larawan at nag-post sa bulletin board tungkol sa affair nila. Pwede kitang idemanda sa ginawa mong iyan." Hindi makapaniwalang napatitig kay Dria si Anton. Alam niyang sinabi na rito ni Samantha ang tungkol sa nararamdaman niya sa binata kaya nagugulat ito ngayon sa kanya. "Dria, ang gusto ko lang naman ay..." "u***g-uto ka ni Samantha, ano, Anton? Pinaniniwalaan mo ang lahat ng sinasabi niya. Gagawin mo ang lahat ng ipag-uutos niya. Kahit ang patayin ang babaeng mahal na mahal ka ay gagawin mo para sa kanya," puno ng panunumbat na saad ni Dria. "Ang buong akala ko ay napakasuwerte ko sa'yo. Kahit mahirap ka ay may dignidad ka. Pero dahil nahawaan ka na ni Samantha ng kasakiman niya, tinapakan mo na ang dignidad mo para sa pera. Sising-sisi ako na minahal kita!" patuloy na panunumbat ni Dria sa naguguluhang si Anton. "Dria, ano ba ang pinagsasabi mo? Nandito lang ako para tanungin ka tungkol sa nangyari kay Samantha. Hindi niya ako binayaran! Hindi ko ipagpapalit ang dangal at dignidad ko para lang sa pera!" Natigilan si Dria. Nagising sa kasalukuyang panahon. Naisumbat na pala niya kay Anton ang lahat ng ginawa nito sa kanya sa nakaraang buhay niya. "At kung totoong mahal mo ako, bakit mo ako hinuhusgahan ngayon dahil lang sa handa kong ipagtanggol si Samantha dahil kaibigan din ang turing ko sa kanya?" Ito naman ang nanunumbat kay Dria ngayon. Napaismid si Dria. Dapat ay makonsensiya dahil sa mga sinabi niya kay Anton ngunit hindi iyon ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Bagkus, nagpapasalamat siya dahil naisumbat na niya rito ang mga bagay na hindi niya nasabi rito noon bago siya nito barilin. "Sa ngayon, kaibigan lang. Pero darating ang oras na siya na ang magpapatakbo sa buhay mo. Na mga salita na lang niya ang paniniwalaan mo. Na kahit ang pumatay, gagawin mo dahil ipinag-uutos niya iyon. Kahit ang asawa mo at sariling anak ay magagawa mong kitilan ng buhay para sa kanya. Kaya bago pa mangyari iyon, tigilan mo ang ginagawa mong pagtatanggol sa kanya, Anton dahil katulad ko, sisirain din niya ang buhay mo. Para sa ikatatahimik ko, hayaan mong sabihin ko sa'yo ngayon na wala akong ginawang hindi nararapat sa kanya. Hindi siya makukuhanan ng larawan Kasama ang professor kung sa una pa lang, hindi na siya pumatol rito. Hindi mangyayari ang mga nangyayari ngayon kung naging mabuti lang siyang kaibigan at nakuntento sa kung ano ang meron siya ngayon. Kumakampi ka sa demonyo, Anton. And I hope that soon you will realize that fact." Tumayo na si Dria at iniwan si Anton ngunit hinabol siya ng binata at tinagka pang pigilan sa paglayo nang hawakan nito ang braso niya. Mabilis na ipiniksi ni Dria ang braso niya dahilan para mabitawan siya nito. "Dria, please, sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang nagawang kasalanan ni Samantha sa'yo para magalit ka nang ganyan sa kanya," pakiusap nito. Hinarap ito ni Dria. "Gusto niyang kunin ang lahat ng meron ako, Anton. Pati ang buhay ko ay gusto niyang kunin ngunit hindi na mangyayari iyon. Hinding-hindi na." Pagkatapos sabihin iyon ay iniwan na niya ang binatang magkadikit pa rin ang mga kilay na nakatingin sa kanya. ... Nagkausap sila ni Rebbie sa last subject nila dahil Wala ang professor nila. Nagkaroon ng meeting ang buong faculty tungkol sa nangyaring eskandalo kaya nagkaroon sila ng pagkakataon na magkausap. "Iyak nang iyak si Samantha habang kausap ni Dean Gonzales. Akala mo napilitan lang talaga siyang pumatol kay prof. Pero sabi naman ni Prof, si Samantha ang nang-akit sa kanya. Nagpapakita ng motibo at naglalalalapit sa kanya para sa pera at mataas na grado," pagkukuwento ni Rebbie sa kanya. "So dapat na ba akong maghanda dahil anumang oras ay susugurin niya ako?" Natawa si Rebbie sa tanong niyang iyon. "Wala Kang dapat ikatakot. Pinauwi na siya ni Dean. One week siyang suspended kaya isang linggo na Samantha-free ang school natin. Besides, ni minsan, hindi nabanggit ang pangalan mo. Ni suspetsa na ikaw ang kumuha ng mga larawan, walang binanggit ang ex best friend mo. Pati nga kami, napawalang sala kasi pinanindigan talaga namin na hindi kami ang nag-post ng mga larawan sa bulletin board. Walang saksi, Dria. Walang makapagtuturo sa ating dalawa," bulong nito sa kanya. "How about Lance?" bulong pabalik ni Dria kay Rebbie. "Si Lance? Sus, cut my neck kung may pagsasabihan ito ng mga bagay na ikakakapahamak natin. Hindi mo ba napansin kagabi na halos maglaway iyon sa tuwing nakatingin sa'yo?" Humagikgik pa ito pagkatapos ibulong iyon sa kanya. "Rebbie!" pananaway niya rito. "Hindi naman halatang crush na crush ka niya, hindi ba?" patuloy nitong panunukso sa kanya. "Nerd siya pero hot. Kung ayaw mo sa kanya, akin na lang siya, pwede?" "Hoy, ano siya? Pagkain na kapag ayaw ko, ikaw na lang ang kakain?" "Pwede naman. Masarap naman siyang kainin, eh." Natawa na lang si Dria sa kaibigan na kinikilig pa sa kinauupuan nito. Masaya silang maghiwalay ni Rebbie. At habang nasa loob siya ng kotse nila at pauwi na, napabuntonghininga si Dria habang inaalala ang mga nangyari sa maghapon niya ngayong araw na ito. Matagumpay na niyang makaalis sa buhay niya sina Samantha at Anton. Siguradong magpapakalayo na si Samantha dahil sa naging eskandalo nito at si Anton ay iiwas na sa kanya dahil alam nitong galit siya rito. Mabubuhay na siya nang tahimik sa ikalawang buhay niya ngayon. Naalis na niya ang mga tinik na susugat sa kanya. She will live happily with her parents now. Hindi na mawawala ang mga ito sa kanya. She will meet new friends like Rebbie. She will love again at baka si Lance na ang para sa kanya sa buhay niya ngayon. She will now live happily ever after pagkatapos ng mga trahedyang tumapos sa unang buhay niya. Kinuha niya ang phone niya para sana magpadala ng mensahe para sa Mommy niya na pauwi na siya ngunit nakita niyangay mensahe pala siyang natanggap mula rito. Agad niya itong binuksan. Dria, maaga kang umuwi. Nandito si Samantha at hinihintay ka. Pakiramdam ni Dria sa mga sandaling iyon ay binalot ang buong katawan niya ng yelo. Si Samantha? Nasa bahay nila? Biningi si Dria ng malalakas na t***k ng puso niya. Sigurado siyang may dalang delubyo ang pagpunta ni Samantha sa bahay nila. Kaagad niyang tinawagan ang Mommy niya ngunit busy ang linya. She can't connect! "Uncle, bilisan mo, please!" utos niya sa driver nila. Nanginginig na sa takot si Dria. Alam niya ang kayang gawin ni Samantha dahil galit na galit ito ngayon sa kanya. At nagbitaw din ito ng pagbabanta kanina na hindi pa sila tapos. "God, please! Please!" pagmamakaawa ni Dria habang nagmamadaling bumababa sa sasakyan at tumakbo papasok sa bahay nila. "Mom! Dad! Nasaan kayo?!" sigaw niya agad nang makapasok siya. "Ma'am Dria!" gulat na tawag sa kanya ng katulong nila. "Ang Mommy at Daddy? Nasaan sila?!" natataranta niyang tanong dito. "Nasa backyard po kasama si Ma'am Samantha. Doon daw kayo magdi-dinner..." Hindi na pinakinggan pa ni Dria ang mga sunod na sinabi ng kasambahay nila. Tumakbo na siya agad palabas ng bahay at nagpunta sa likuran ng mansiyon. Halos sumabog ang ulo niya ang makitang nakahandusay sa baba ng mesa ang mga magulang niya habang relaxed na nakaupo si Samantha at umiinom ng wine sa champagne glass nito. "Mommy!" sigaw ni Dria at agad na napaluhod sa lupa para tignan kung ano ang nangyari sa ina. Nanginginig ang mga kamay na ihinarap niya sa kanya ang katawan nito. "No!!!" Buong lakas na sigaw niya nang makitang bumubula ang bibig ng Mommy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD