Halos alas 8 na ng gabi. Nakauwi na si Rebbie habang sina Dria at Lance ay nasa loob pa rin ng kotse ng binata, naghihintay at nag-aabang.
"I'm sorry," nahihiyang sabi ng dalaga sa binata sabay sulyap dito. Nakaupo na siya sa passenger seat simula kaninang nakaalis si Rebbie. Nakakahiya naman kasi kay Lance kung mananatili siyang nakaupo sa likuran ng sasakyan. Sa lahat ng naitulong nito sa kanya simula pa kanina, ayaw niyang pagmukhaing driver niya ito kahit na sa totoo lang, iyon ang ginawa nito.
"Hey, I told you that it's okay. Ngayon lang kita natulungan kaya lulubusin ko na." Nakangiti man ito sa kanya, Hindi pa rin napigilan ni Dria ang mapabuntong-hininga.
"Tatlong oras na sila sa loob. Hindi pa ba sila tapos?" Tinignan niya ang sampung palapag na pulang building na di kalayuan sa kinapaparadahan ng sasakyan ni Lance.
"Baka nakatulog sila. Medyo matanda na rin si Prof. Santos, so..."
Nag-init ang mga pisngi ni Dria sa gustong ipakahulugan ni Lance sa kanya.
"Anyway, gutom ka na sigurado kasi 8 o'clock na. Anong gusto mong kainin? May malapit na 7/11 dyan na pwede ko lang lakarin."
"No, wag na. Mapapagod ka pa..."
"It's okay. Gutom na rin ako, eh." Nanantiyang tumitig saglit si Dria kay Lance bago niya kinuha ang back pack niya at hinahanap ang pitaka niya.
"Anong hinahanap mo?" tanong ni Lance habang nakatingin sa ginagawa niya.
"My wallet..."
"Dria, ako na ang bahala. Hindi mo kailangang kumuha ng pera."
"Pero..."
Bago pa natapos ni Dria ang sasabihin ay mabilis nang nakababa si Lance sa kotse.
"Hintayin mo na lang ako, okay?" Napatango na lang si Dria sa binata at napasunod sa bulto nitong naglalakad na palayo.
Lance is such a gentleman. Kahit na napaka-nerd nitong tignan sa malaking eye glasses nito, gwapo pa rin ito kung tutuusin. Paano na lang kapag hindi pang-nerdy type ang gupit at porma nito tapos wala itong suot na eye glasses? Baka ito na ang pinakagwapong heart throb sa campus nila.
Napailing si Dria sa sarili. Nagkaka-crush na ba siya kay Lance? Sayang. Kung nauna lang niyang kilala si Lance kesa kay Anton ito sa unang buhay niya, sana dito siya na in love at hindi sa lalaking pinakasalan na papatayin din pala siya sa huli. Kunsabagay, sino ba ang nakakaalam na mangyayari ang lahat ng iyon sa kanya? Wala namang tao ang nakakaalam ng mangyayari sa future nila, di ba? Sino ba ang makakapagsabi sa kanya noon na magagawa siyang traidurin nina Samantha at Anton?
Ironically, ibinalik siya ng Diyos sa nakaraan para siya mismo ang makakapagbago sa future niya. At hindi lang ang future niya and mababago niya. Pati na rin ang future ng Mommy at Daddy niya. Hindi mamamatay ang Mommy niya sa atake sa puso. Hindi mamamatay ang Daddy niya sa pagkakalason. Hindi na siya muling maloloko ni Anton. At higit sa lahat, Wala siyang anak na mamamatay. Sisiguraduhin niya iyon kaya kinakailangan na makakuha siya ng maraming ebidensiya laban kay Samantha. Kailangang matigil na ang pakikiapid dito ng Daddy niya para mailigtas ang buhay nilang lahat.
Napangiti siya nang makabalik na si Lance. May dala itong canned drinks at siopao galing sa 7/11 para sa kanilang dalawa. Nagpasalamat siya rito at kinain na nilang dalawa ang dala nito.
"It's like our first date," pagbibiro pa ni Lance sa kanya. Napalingon siya rito at malungkot na napangiti.
Kung sa'yo lang sana ako na-in love sa'yo noon, ito nga sana ang first date natin, bulong ni Dria sa isipan niya.
Eksaktong tumingin siya sa building, nanlaki ang mga mata niya. Papalabas na mula roon sina Samantha at Prof. Santos!
"Palabas na sila!" Nagmamadali niyang sabi Kay Lance. Agad naman nitong ipinuwesto ang DLSR nito at siya naman ang cellphone niya at kinuhanan nilang dalawa ng maraming larawan ang dalawang magkaakbay na naglalakad papalayo sa motel.
Kumportableng-kumportsble pa Silang naglalakad nang magkaakbay dahil iniisip siguro nilang walang makakakita sa kanila na kakilala nila. Ang hindi nila alam, recorded na ng camera at phone nina Lance at Dria ang lahat ng kilos nila. Maging ang paghahalikan nila sa gilid ng daan ay nakuhanan din nina Lance at Dria ng mga larawan.
Kaagad na napayuko sina Lance at Dria nang biglang sumulyap sa direksiyon nila si Samantha. Pagkaraan ng ilang sandali ay sabay nilang nag-angat ng tingin at nakita nilang pasakay na sa taxi si Samantha samantalang naiwan sa gilid ng kalsada ang propesor.
Nang makaalis na rin ang nga ito ay agad na ni-review ni Dria ang mga nakuhanan niyang larawan. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Ang mga larawan kasing iyon ang magiging susi upang tuluyan nang makikipaghiwalay ang daddy niya sa kaibigan niyang ahas.
"Ipapadala ko sa'yo ang mga pictures."
Napalingon si Dria kay Lance na katatapos lang ding tignan ang mga larawan nakuhanan ng camera nito.
"Thank you, Lance, sa lahat ng tulong mo."
"You're welcome, Dria. Ihahatid na kita," nakangiti nitong sabi sa kanya na nakangiti ring tinanguan niya.
Habang nasa daan sila ay hindi na mapakali si Dria. Hindi na siya makapaghintay na maipakita sa Daddy niya ang kataksilan ni Samantha. It may be her dad's karma for betraying her mom but it will be worthy to see her father regret what he had done to her mother.
Pagkatapos niyang makababa sa kotse ni Lance ay muli siyang nagpasalamat dito. Halos takbuhin na niya ang papasok sa bahay nila.
"Ang daddy?" tanong niya agad sa kasambahay na nagbukas ng pintuan para sa kanya.
"Pumasok po sa opisina niya kanina matapos silang mag-dinner ng Mommy nyo," sagot naman nito sa kanya.
Perfect. God is really making everything perfect for her and her plans.
Nagmamadaling nagtungo si Dria sa opisina ng ama.
"Dad!" tawag niya agad dito. Nadatnan niya itong abala sa phone nito. Gulat itong napatingin sa kanya.
"Dria, ano itong sinasabi ni Samantha na kinuha mo raw ang phone niya?"
Nawala ang excitement ni Dria at napalitan iyon ng galit.
"Galit ka ba kasi kinuha ko yung phone niya o galit ka dahil ngayon lang kayo ulit nagkausap after four days, dad?"
"What are you talking about, Dria?" Lalong nagngitngit si Dria nang marinig ang pagdi-dent ng ama ngunit kita naman sa mukha nito na guilty ito.
"How could you do it to us, Dad? To mom?" balik-tanong niya sa ama.
"Dria..."
"Alam ko na ang affair mo kay Samantha, Dad! Narinig ko ang boses mo sa mismong phone niya kaya kinuha ko iyon! Besides, pera natin ang ipinambili ng phone niya kaya may karapatan ako na kunin sa kanya iyon anumang oras na gustuhin ko lalo na kung ginagamit niya iyon sa panloloko ninyo sa amin ni Mommy!" Nagkaroon ng pag-aalinlangan sa mukha ng Daddy niya at halos hindi na ito makabuo ng salita para isagot sa kanya.
"Do you think na hahayaan ko lang kayo sa ginagawa ninyong panloloko sa Mommy ko? Do you think na patuloy lang akong mananahimik sa isang tabi? You're wrong! Maling-mali kayo! And maling-mali rin ako! I thought na pagkatapos mong malaman na alam ko na, pagkatapos nating mag-bonding kasama si Mommy sa Pampanga bilang isang pamilya, at pagkatapos kong kalimutan siya bilang best friend ko ay titigil na kayo but I was so wrong! Nakikipag-usap ka pa rin sa kanya! Itinutuloy nyo pa rin talaga! Are you angry that you weren't the one who gave her a new phone, dad? Guess what! She doesn't need a new phone from you anymore dahil binigyan na siya ng bagong phone ng isa pang lover niya!"
"Dria, what are you saying?" Napatayo na ang Daddy niya sa swivel chair nito. Kinuha ni Dria ang phone niya at hinanap ang pictures ni Samantha na kinunan niya kanina. Ipinakita niya sa ama ang larawan nina Samantha at Prof. Santos na naghahalikan sa kalsada.
"Tignan mo kung sino ang kahalikan niya kanina, dad. Ang professor namin na halos kasing-edad mo na! She really likes dirty old men as her sugar daddies, huh? Proud pa siyang nakikipaghalikan sa isa sa mga ito in public!"
Halos ipagduldulan na ni Dria sa mukha ng ama ang phone niya. Nanginginig ang kamay na inabot nito mula kay Dria ang phone. Inisa-isa nitong tinignan ang mga larawan. At kitang-kita ni Dria kung paano manghina ang ama at mapaupo pabalik sa swivel chair nito.
"Iyan din ba ang motel na pinupuntahan ninyong dalawa sa tuwing sikreto kayong nagtatagpo, Dad? How cheap of you! Nakahiga ka na sa malinis na kama, pero nakikipagsiksikan ka pa sa kama na may maraming mikrobyo makasama mo lang siya! May malinis ka nang asawa pero gusto mo pa ring makasama ang isang maruming babae!" Halos humihingal na sa galit si Dria habang sinasabi ang mga salitang iyon. Tila naman nasampal nang ilang libong beses ang mukha ng ama niya. Namumutla ito at nanlalaki ang mga mata sa mga larawang nakikita nito.
"Hindi lang ikaw ang lalaki sa buhay niya, Dad! Baka nga hindi lang kayong dalawa. Baka nga iba't ibang lalaki ang kasama niya sa bawat gabi ng buhay niya. Iyan ba ang balak mong ipalit kay Mommy?"
"Dria..."
"Stop seeing her, dad, or else, sasabihin ko kay Mommy ang kataksilan ninyo ni Samantha. This is not a warning but a promise, dad. Mahal kita pero hinding-hindi ko mapapatawad ang kataksilan mo lalo na kung dahil diyan ay mawawalan ako ng ina."
Napahilamos gamit ang palad niya ang kanyang ama.
"I'll stop, Dria. I promise, I'll stop. Ititigil ko na ang lahat sa amin. Ititigil ko na ang relasyon namin. And I'll be faithful to your mom again. I'm sorry, anak. Natukso lang ako. Naging mahina ako at nagpakabulag sa kaibigan mo. But I'm promising you right here, right now na ititigil ko na. I won't be seeing Samantha anymore. Wag mo lang sasabihin sa Mommy mo ang ginawa namin. I don't want to hurt her even more."
Kinuha ni Dria ang phone niya na nabitawan ng ama niya sa ibabaw ng mesa nito.
"And I don't want to see her hurt too Lalo na kapag nalaman niya ang ginawa ninyo ni Samantha, dad. Kaya sana... Sana ay mapanindigan mo ang mga salitang binitawan mo ngayon. She'll be the death of us, dad. Please do not allow it to happen."
Pagkatapos sabihin iyon ay tinalikuran na niya ang ama at lumabas mula sa opisina nito. Nang maisara na niya ang pintuan ay sumandal siya rito habang pinapakalma niya ang galit niya.
Nang kumalma na siya ay nagpunta siya sa master's bedroom kung saan naroroon ang Mommy niya.
"Dria!" Gulat na bati nito nang napagbuksan siya nito ng pinto. "Kadarating mo lang?"
Imbes na sagutin ang tanong nito ay lumapit si Dria sa ina at yumakap dito.
"Yes, Mommy. And I'm so tired."
Yumakap naman ito pabalik sa kanya at napapikit si Dria nang muling madama ang init ng yakap ng Mommy niya.
"Magpahinga ka na sa kuwarto mo. By the way, nag-dinner ka na ba? Gusto mo, ipaghanda kita?" tanong nito nang maghiwalay sila.
"Busog ako, Mommy. Pinakain ako ng kaklase ko sa bahay nila," pagsisinungaling niya. Ayaw niyang nagsisinungaling siya o nagtatago ng sikreto sa ina niya ngunit gagawin niya iyon, huwag lang itong masaktan.
"Mabuti naman. Anton ba ang pangalan ng kaklase mo?" Nanunukso nitong tanong sa kanya. Alam kasi nitong crush na crush niya si Anton. Well, noon iyon. Hindi na niya gusto si Anton. Kinamumuhian na niya ito.
"Forget about Anton, Mom. May bago na akong crush," nakangiti niyang sabi rito. Nanlaki maman ang mga mata nito.
"Aba, after four years ng patay na patay ka kay Anton, maka-move on ka na rin sa kanya, ha?"
Patay na patay? Dati. Hindi niya kasi inakala na ito ang papatay sa kanya.
"So, what's your new crush's name, Dria?" patuloy na panunukso sa kanya ng Mommy niya. Isang matamis na ngiti ang ibigay niya rito bago niya sinabing,
"Let's just call him...
Lance."