Kanina pa nakatayo si Faye kakahintay sa nobyo. Ang sabi nito susunduin siya nito ngunit lagpas alas singko na ng hapon wala pa rin ito. Kinuha niya ang cellphone at saka ito tinawagan. Bigla siyang nakaramdam ng inis ng hindi ito sumasagot. Huwag mong sabihing nangbababae ka na! Talagang basag ang itlog mong lalake ka. Gigil kong pinatay ang cellphone ko. Masama ang loob na sumakay sa taxi. Gusto niyang maiyak sa inis. Hindi pa nga sila nagtatagal, nagagawa na nito ang ganito sa 'kin. Sana man lang nag-text ito kung masusundo ako nito o hindi. Nangalay na lahat-lahat ang mga paa ko! Ilang beses akong napabuntong-hininga. "Salamat ho." Sabay baba ng taxi. Binati ako ng security guard na bahagya ko namang nginitian. Ngunit bago man ako pumasok, napansin ko ang itim na Van na nak

