bc

MAFIA'S Secret Agent' Series 3 "Marco Lee Hamish" (Second Brother)

book_age18+
1.0K
FOLLOW
5.8K
READ
HE
brave
mafia
bxg
campus
rejected
like
intro-logo
Blurb

Buong buhay ni Marco, walang nakakatakas sa kaniya sa lahat ng mission na hinahawakan niya.

Lahat bumabagsak sa mismong kamay niya. Ngunit isang araw ng magulantang

siya sa isang mission.

Ang balak niyang pagpatay sa malaking sindikato. Ay ama pala ng babaeng nagugustuhan niya!

Magagawa niya bang patayin ang sariling ama ng babaeng iniibig niya?

Kaya niya bang ipagsawalang bahala ang pagiging Agent niya sa pagkakataong iyon alang-alang sa dalaga?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 (Marco)
KEMDI'ES EXCLUSIVE RESTAURANT Pasimple akong uminom ng malamig na tubig habang palihim na pinagmamasdan ang dalawang hapon na masinsinan ang pag-uusap. Nasa ilalim ng lamesa ang isang kamay ko na may hawak na baril. Nakatutok sa mga ito. Nakasuot akong itim na jacket. Alas otso pa lang ng gabi ng mga oras na iyon. I smirk nang tumingin sa akin ang isang tauhan ng hapon. Nagsalubong ang kilay nito. Tinaasan ko naman ito ng kilay sabay sabing "Paalam." At doon ko kinalabit ng mabibilis ang baril na nasa ilalim ng lamesa ko. Hindi malalaman ng kung sino ang bumabaril dahil walang tunog ang bawat paputok ng baril ko. Inuna ko ba naman ang lalaking tumingin sa akin bago ko sinunod ang dalawang hapon. Lihim akong napangisi ng makitang nataranta ang mga tauhan ng hapon. Pansin ko ang pagmamadaling lumabas ng ilang taong kumakain sa restaurant na iyon. "Hanapin niyo!" sigaw ng isang tauhan. Umarko ang gilid ng labi ko. Parang wala lang ng tumayo ako at lumabas ng restaurant. Pagkarating sa parking lot. Akmang paaandarin ko na ang sasakyan ng makita ko ang isang babae na nagmamadali. Lakad, takbo ang ginagawa nito. Hanggang sa mapakunot-noo ako ng makitang hinahabol ito ng isang lalake. Hinablot nito ang braso ng babae. "Let me go!" sigaw ng babae. Nakabukas ang kaliwang bintana ng sasakyan ko kaya rinig ko ang boses ng mga ito. "Hindi pa tayo tapos mag-usap!" "Wala na tayong dapat pag-usapan." At mabilis na pumiksi ang babae. Nagulantang ako ng bigla na lang nitong buksan ang pintuan ng sasakyan ko. Kung bakit nakalimutan kong i-lock! Gulat akong napatingin dito. Nagsalubong ang kilay ko. Nang bigla na lang nitong hawakan ang braso ko. "Sir, paandarin mo na!" tarantang wika nito. Pansin kong nagmamadaling lumapit ang lalake. Niyugyog naman ng babae ang braso ko habang nakatingin sa lalaking madilim na ang mukha. Mukhang galit na. "Bilis na! Paandarin muna!" Para itong maiiyak na ewan. Mabilis kong ni-lock ang pinto. Pilit iyon binubuksan ng lalake. Kita ko ang galit sa mukha ng gag*. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan. Kita ko sa side mirror kung paano sipain ng lalake ang isang sasakyan. Sinuntok pa nga! Binalingan ko ang babae. Humihinga ito ng malalim. Nakapikit ang mga mata. Hinihilot din nito ang sintido. "Ugali mo ba talaga miss ang sumakay sa hindi mo kakilala?" biglang wika ko sa stranghera. Doon naman ito napabaling. Para itong naalimpungatan. Kita ko ang paglunok nito. "P-pasensya ka na. Wala na kasi akong maisip na paraan para maiwasan ang gag*ng lalake na iyon. Nakita ko kasing buhay ang sasakyan mo. Kaya naisip kong may tao sa loob. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip na sumakay para makatakas sa lalaking iyon." "Gusto mong makatakas sa lalaking iyon? Eh paano pala kung mapanganib ang nasakyan mo?" Panunubok ko sa babae. Pansin kong bumalatay ang takot sa mukha nito. Ngunit sandali lang iyon. Na-curios ako ng tumitig ito sa harapan ng kalsada. "Mas mabuti nang mapahamak sa kamay ng ibang tao. Huwag lang sa tauhan ng daddy ko." Kita ko ang galit sa mukha nito. Kumunot naman ang noo ko. "So, tauhan iyon ng daddy mo?" Pagak pa akong natawa. "Ihinto mo na lang diyan sa tabi," utos nito. "Paano kung ayaw ko?" Sabay ngisi. Kita kong nagtiim-bagang ang babae. Nagustuhan ko yata ang ipinapakita nitong tapang. Hindi ko naiwasan ang mapakagat-labi. Nang magulat ako nang hagisan ako ng libo-libong pera. "Ihinto mo ang sasakyan." Pansin kong nagtitimpi ito. Hindi ko pinansin ang nagkandalaglag na pera nito. Halatang mayaman ah. Sakto namang nasa tapat kami ng hotel. Biglang lumikot ang utak ko. "Sure!" nakangiting wika ko. Akmang lalabas na ito ng hawakan ko ang isang braso nito. Kumunot ang noo nitong tumingin sa akin. "Kahit isang gabi lang ang ibayad mo sa aki--" Nang mapabaling ang mukha ko sa sampal nito. Biglang namula ang mukha ko sa galit. Ito lang yata ang nakasampal sa akin! Tumigas ang panga ko. Ngunit matapang din ang mukha ng babae. Ito pa lang ang kaisa-isahang babae na nakilala kong tumingin sa akin ng palaban ha?! "Hindi ako mababang uri para bastusin mo! Hindi ako pukpok!" Pagak akong natawa ng makita ko itong sumakay ng taxi. Nahaplos ko pa ang guwapong mukha ko dahil sa sampal nito. At sa tingin mo makakatakas ka sa akin? Napangisi ako habang pinagmamasdan ang taxing papalayo. Wala itong kaalam-alam na dinikitan ko ang damit nito ng maliit na gadget upang malaman ko kung saan ito pupunta o kung saan ito nakatira. Sa tingin niya ba basta-basta na lang ako papayag na may sasakay sa sasakyan ko ng hindi ko malalaman kung sino ito? Malay ko ba kung isa ito sa mga kalaban. At nagpanggap lang ito kanina kasama ang lalake sa parking lot. KUMUNOT ang noo ko. Sa isang simpleng apartment lang nakatira ang babae? Pero kung makapagbigay ng pera akala mo e, mayaman? Pero daddy ang tawag nito sa ama? O baka sugar daddy nito? Napabuga ako ng hangin. Bakit ko nga ba ito pinagkaka-abalahan? Nagkataon lang talaga siguro na ako ang nasakyan nito. Habang umiinom ng wine, hindi mawala-wala sa isip ko ang galit sa mukha ng babae. Naalala ko pa ang sinabi nitong mas mabuti nang mapahamak ito sa kamay ng ibang tao, huwag lang sa tauhan ng daddy nito? Bakit nga ba hindi siya magsumbong sa daddy nito? O baka pinahintulutan talaga ng ama nito ang lalaking iyon na nakita ko sa parking lot? Kaya ba nakatira itong mag-isa sa isang simpleng apartment? Hindi ba mas delikado para dito at kung pasukin na lang ito ng tauhan ng daddy nito ng walang nalalaman ang sariling ama nito? Naglayas ba siya sa kanila? Mukha naman talaga siyang mayaman kung pagbabasehan sa itsura nito. Napabuga ako ng marahas. Bakit ko ba iniisip ang babaing iyon?! KINAUMAGAHAN. Nasa private room ako kung saan inaayos ko ang lahat ng mimisyunin ng mga agent. Napatitig ako sa isang litrato. Lihim na umigting ang panga ko. Talagang nagpapanggap ka pang professor ha? Hustio Suchin. Half Chinese, half Filipino. Nagtuturo sa isang University. Ngunit ginagamit niya lang ang pagiging professor nito upang kunin ang karamihang studyante. Mga lalake ang target nito. Ibinibenta sa kapwa niya bakla! Nalaman ko ring ilang studyante na nito ang pinapakialaman. Ginagahasa nito at tinatakot. Tumunog ang ngipin ko sa galit. Kung nasa harap ko lang ito, baka pinilipit ko na ang leeg nito. Pero dahil malaki ang kasalanan nito. Papahirapan ko muna ito especially ang ar* nito! Ipaparanas ko rito kung anong pakiramdam ang ginawa niya sa mga studyante niya! Uunti-untiin kong putulin ang pagkalalake niya hanggang sa mahimatay siya sa sakit! Ito ang pinagka-iba ko sa dalawa kong kapatid na lalake. Hindi ako basta pumapatay. Dahil pinapahirapan ko muna ang mga ito. Depende kung anong krimen ang ginawa ng mga ito. Hindi ako papayag na ganoon na lang sila mamatay. Ako mismo ang maghihiganti sa mga taong pinatay, ginahasa o ibinenta nila! Ipaparanas ko ang matinding parusa! Kung minsan nga napagkakamalan ako ng kapwa ko agent na para daw akong hindi agent. Kung magalit daig ko pa ang isang Mafia kung magparusa. Totoo naman iyon. Iyon ay dahil galit ako sa mga taong nakapanakit o nakapatay sa mga inosenteng kabataan! Hindi sapat sa kanila ang ikulong! Buhay ang kinuha nila. Buhay din ang kabayaran! Pinahirapan nila? Higit pa sa salitang paghihirap ang ipaparanas ko sa kanila! Hindi ako papayag na basta na lang sila bubulagta sa harapan ko. Magmamakaawa muna sila, maliligo muna sila ng dugo at maghuhumiyaw sa sakit bago sila malagutan ng hininga. K. E. S. O UNIVERSITY Simpleng pants at t-shirt ang suot ko. May bitbit na bag. Nakasuot ng sunglasses. Studyanteng-studyante ang datingan ko. Pinili ko ang pinakadulo. Iyong makikita ko ng husto ang lalaking si Hustio. Gumalaw ang panga ko ng lumikot kaagad ang mga mata nito. Kita ko kung gaano natutuwa ang pagmumukha nito habang nakatingin sa mga kabinataan. Hindi mapaghahalataang isa itong bakla. Lalaking-lalake kung manamit. Mautak ka rin ha. Para hindi ka mapaghinalaan! Puwes, ito na ang huling araw mo sa University na ito. Natapos ang lecture. Palihim kong pinagmasdan ang isang binata. Pina-iwan ito ng hinay*pak na si Hustio. Alam kong gagahasin na naman ng hay*p na baklang ito! Tumunog ang ngipin ko sa galit. Tumayo na ako. Ngunit napahinto ako ng bigla ako nitong tawagin. Nakangiti ito at pinasadahan pa ako mula ulo hanggang paa. "Bago ka rito?" Nakangiti pa. "Yes sir." Sabay yuko. "Oh, hindi ka yata nabanggit sa akin. Anyway, mag-usap muna tayo!" At saka nito pina-alis ang isang binata. Kita ko kung paano nakahinga ang binatilyo. "Come here!" Gumuhit ang mapanganib kong ngisi. Pinindot ko ang relong nasa bisig ko. Sa ngayon, ang agent ko muna ang bahala sa iyo. Alam ng mga ito kung saan ito dadalhin. Palabas na ako ng University ng mapakunot ang noo ko. Parang familiar sa akin ah. What the? Isang guro ang babaing ito? Lihim akong natawa. Kaya pala ganoon na lang ang galit nito sa akin dahil sa pangbabastos ko rito. Dahil isang edukada pala ang babae! Pinagmasdan ko ang bawat kilos nito. May kasama itong bata. Anak niya? May asawa na pala? Isinakay ito sa isang sasakyan. Lumapit pa ako ng bahagya para marinig kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. "Bye-bye, Ma'am Faye!" wika ng bata. Hanggang sa lumabas ang isang babae sa sasakyan. "Thank you Miss Faye. Pasensya na sa abala." "Ayos lang madam. Sobra ngang nakakatuwa at napaka-bibo ni elistia." Faye? Hmm, nice name.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerous Spy

read
298.6K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.9K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.5K
bc

EASY MONEY

read
174.4K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.6K
bc

YOU'RE MINE

read
893.8K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook