Chapter 2 (Faye)

1444 Words
Bigla akong napahinto ng maramdamang may sumusunod sa akin. Kaagad akong lumingon. Isang lalaking nakapamulsa at nakatingin sa akin. Bigla na lang kumabog ang dibdib ko. Mukhang kilala ko ito? Isang ngisi ang sumilay sa lalake. Hanggang sa unti-unti itong lumapit sa 'kin. "Nice to see you again." Lihim akong napalunok ng maamoy ang pabango nito. "Sino ka?" Pangpapanggap ko kahit natatandaan ko na kung sino ito. Ito lang naman ang lalaking nasakyan ko nakaraang linggo. "Ang lalake lang naman na sinakyan mo nakaraang linggo. Remember?" Sabay arko ng labi nito. Bigla akong napaiwas ng tingin. "Anong kailangan mo?" pormal na tanong ko. "At paano mo nalaman na nandito ako? Sinusubaybayan mo ba ako?" sunod-sunod na tanong ko. Bigla akong nakaramdam ng takot sa isiping isa ito sa mga kalaban ng ama ko. Pero walang nakakakilala sa akin. Itinago ako ng sariling ama sa lahat ng tao. Iyon ay dahil sa illegal nitong pamumuhay. Sinasabi nitong mahal ako nito bilang anak. Ngunit galit lang ang namutawi sa puso ko ng malaman ko ang tunay nitong trabaho. Ang trabaho rin nito ang naging dahilan kung bakit namatay ng maaga ang mommy ko. Namatay ito dahil sa pagsugod ng mga kalaban. Bata pa lang ako noon. Ngunit natatandaan ko ang mga pangyayari. Tanging ako lang ang nailigtas nito. At simula noon, itinago na ako nito sa lahat. Inilayo sa kaguluhan. Pinalaki ako sa Amerika. Ngunit hindi nawala ang lengguwaheng Filipino sa 'kin dahil kasa-kasama ko ang aking yaya noon sa ibang bansa. Doon ako nag-aral at nakapagtapos. Kinuha ko ang kursong Education. Masaya ako kahit papaano dahil hindi nito pinakialaman kung anong gusto ko sa buhay. Hanggang sa napagdesisyunan kong bumalik ng Pilipinas at gusto ko ritong magturo bilang isang guro. Mahilig ako sa mga bata. Iyon ang nakakapagbigay sa akin ng kasiyahan. Palihim akong kinakausap ng aking ama kapag gusto ako nitong kausapin. Hindi ako nito nilalantad sa labas. Palaging tago. Oo nga, masaya ako na inilalayo ako nito sa gulo. Ngunit hindi nawawala ang galit ko rito dahil sa trabaho nito. Sobrang sakit para sa akin na ang sarili kong ama ay isang kaanib sa sindikato. Hindi lang basta kaanib kun'di isa sa mga namumuno. Mapanganib at kinatatakutan ng mga tauhan nito. Sa tuwing nakikita ko ito di ko magawang ngumiti. Galit, sakit at sama ng loob lang ang nararamdaman ko para dito. Dahil sa tuwing nakikita ko ang sariling ama, naaalala ko lang kung paano namatay ang mommy. Hindi nito nailigtas. Tanging ako lang ang nailigtas nito. At masakit iyon para sa akin. Kung puwede nga lang sabihing, sana ang mommy na lang ang nabuhay. Ngunit alam ko naman na ito pa rin ang ama ko kahit anong mangyari. Kung minsan hinihiling ko na sana ampon na lang ako. Pinili ko ang simpleng pamumuhay kahit pa gusto nitong bigyan ako ng marangyang pamumuhay. Hindi ko tinanggap. Hindi ko kayang tanggapin ang mga ibinibigay nito kung alam kong galing lang iyon sa illegal na paraan. Kaya nagtapos ako ng pag-aaral upang mabuhay ko ang sarili ko ng hindi na umaasa rito. Gusto ko lang ang simpleng pamumuhay. Na kahit hindi karangyaan, ang mahalaga galing sa malinis na pamumuhay. Pinili ko ang simpleng apartment na kaya kong bayaran. Simula ng magkaroon ako ng trabaho. Hindi ko na tinatanggap ang mga ibinibigay nito sa akin. Ang higit na masakit sa akin, kapag nakikita kong mahal na mahal ako nito. Nasasaktan lang ako't napapaiyak. Alam kong may mabuting puso ang daddy ko. Ngunit hindi nito magawang bitiwan ang illegal na trabaho dahil iyon na ang gawain nito matagal ng panahon. Inilihim nito iyon kay mommy. Kaya pala madalas kong nakikita na nagtatalo ang mga ito noon dahil pala sa trabahong mayroon ito. Ilang beses ako ritong nakiusap na bumitaw na ito sa trabahong iyon. Ngunit tahimik lang itong aalis sa harapan ko. Kung minsan naman magsasalita ito na hindi raw ganoon kadali ang hinihiling ko. Halos mapasigaw na ako rito kakapilit na marami namang paraan. Ngunit malalim lang na tingin ang ibibigay nito sa akin at walang imik na aalis. Alam kong matapang ang ama ko sa mga tauhan nito. Napapaiyak lang ako dahil ni minsan hindi ako nito sinigawan ni napagsalitaan ng masasakit. Kaya alam kong may mabuting puso ito. Hinayaan ako nito sa gusto ko. Namuhay akong mag-isa. Ngunit hindi ko nagustuhan ng may isang kanang kamay itong madalas pinapapunta sa paaralan upang bisitahin ako. At iyon ang hindi ko nagugustuhan. Lalo na ng malaman kong may pagtingin ito sa akin. Hanggang sa mapagsalitaan ko ito na hindi ko ito magugustuhan kailanman. Kung ang sariling ama ko nga hindi ko halos kinakausap dahil galit ako rito sa pamumuhay na illegal ito pa kayang tauhan nito na isa ring mamamatay tao! Gustuhin ko mang kausapin ang sariling ama ngunit nalaman kong nasa Italy ito. Kaya pala inihabilin ako sa isang kanang kamay nito na tingnan paminsan-minsan. At iyon ang kinakagalit ko. Gaano ba kalaki ang tiwala ng sarili kong ama sa tauhan nito? Hindi ba nito naisip na posible ako nitong gawan ng masama? Oo nga, isa akong black belter. Pero hindi iyon sasapat kong marami sila at pawang may mga baril na hawak. Lalo na't hindi ko kayang pumatay! Nag-aral man ako ng paraan kung paano ang pagpapaputok ng baril ngunit hindi ko naisip na gamitin ang bagay na iyon sa mga taong ito! Ayokong maging tulad nila. Pumapatay ng mga tao! Kahit sabihin pang may baril akong nakatago sa apartment ko pero hindi ko naisip na gamitin iyon. Iyon ang baril na iniwan sa akin ni daddy kahit ayaw ko. Ang sabi nito, para daw sa protection ko at hindi ko raw masasabi kung kailan darating ang panganib. Tandaan mo anak, isa kang El Mondrasel. Darating ang araw na malalaman nilang buhay ang nag-iisa kong anak. Kaya kailangan mong mag-ingat. Kailangan mong may pananggalang. Naalala ko pang wika ng sariling ama ko. Nang dahil sa trabaho nito, may naka-abang na panganib sa akin. Iyon ay ang mga kalaban din nito na kapwa kalaban sa mga illegal na gawain. Wala akong tiwala sa kahit kaninong tauhan ni daddy. Lalo na sa kanang kamay nito na malalim kung tumitig sa katawan ko. Nabanggit ko nga iyon sa yaya ko. Ang sabi naman nito di ako nito magagawang galawin o gawan ng masama dahil takot ang mga ito sa daddy ko. Matanda na ang yaya ko. Noon pa man alam na rin nito ang ginagawa ni daddy. PAGAK itong natawa. Tinaasan ko naman ito ng kilay. Hindi ako maaaring magpakita ng pagkatakot dito. "Wala akong panahon sumubaybay kung dahil lang sa isang babae," sagot nito sabay ngisi. Minsan napapa-isip ako kung anong mayroon sa ngisi. Madalas yata sa mga kalalakihan mahilig ngumisi. "So, anong kailangan mo sa akin? Paano mo nalaman na nandito ako?" Kumunot ang noo ko. Nilabanan ko ang titig nito. Na kung minsan gusto ko nang yumuko. Para kasing nanlalambot ang mga tuhod ko. Parang nakakatunaw kung tumitig ang stranghero na ito. Bumuntong-hininga ito at saka tumingin sa kawalan. "May pinuntahan lang ako rito. At hindi ko inaasahan na isa ka palang guro." Sabay tingin sa akin habang naka-arko ang gilid ng labi nito. "So, ngayon alam mo na. Kaya makakaalis ka na." Sabay talikod dito. "May nakalimutan ka yata Miss Faye?" Bigla akong napahinto. Gulat akong napalingon. "P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" Sabay lunok. Ngumisi na naman ang gag*. Wala e, nakakagago ang pangisi-ngisi nito. Kahit guwapo pa ito hindi ako puwedeng magtiwala rito! Baka isang patibong ito ng kalaban ni daddy. "Kung gusto mong malaman. Sumama ka sa akin." Namula ang mukha ko sa namumuong inis. Wala akong panahon para makipagbulahan sa lalaking ito. "Anong akala mo sa akin bata na basta na lang sasama kapag binigyan ng candy? Para sabihin ko sa iyo, layo-layuan mo ako kung ayaw mong mapahamak!" Pananakot ko. Na siyang ikinatawa nito. Lalo tuloy akong naiinis. Pakiramdam ko lalo itong nagiging guwapo sa paningin ko. Napaka-cool ng bawat galawan nito. Parang walang kinatatakutan. Walang pakialam sa paligid. Kung makatindig akala mo kung sinong hari e. Ang tikas ba naman ng dibdib! Ang tangkad pa. Tinitingala ko pa nga ito e! "Nakalimutan mo bang hindi ka pa nakakapagpasalamat sa akin Miss Faye?" Bigla akong napaatras ng inilapit nito ang mukha sa mukha ko. Napaiwas ako ng tingin ng tumitig ito sa labi ko. "Fine. Thank you and goodbye!" Sabay talikod. Nakakailang hakbang pa lang ako ng magsalita itong muli. "Sorry Miss Faye. Hindi ako tumatanggap ng salamat lang. Mas lalong hindi ako tumatanggap ng pera. Marami na ako noon." Mabilis akong napalingon dito. Ngunit ang malapad nitong likuran ang sumalubong sa akin. Kalmado itong naglalakad habang nakapamulsa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD