BIGLA akong napabalikwas sa pagkakaupo ng makitang alas kuwatro na pala ng hapon. Nagmamadali kong isinuot ang jacket at dumiritso sa sasakyan. Muntik ko ng makalimutan na susunduin ko pala ang nobya ko. Sa dami ng mimisyunin ng mga agent ko halos 'di ko na namalayan ang oras. Lihim akong napamura sa haba ng traffic! Hanggang sa naisipan kong tawagan ang nobya. Ngunit hindi ito sumasagot. "Baby, papunta na ako diyan. Hintayin mo 'ko." Halos kalahating oras ng makarating ako sa tapat ng Paaralan. "Excuse me, nasa loob pa ba si Faye?" tanong ko sa dalawang guro na dumaan. "Si Faye? Alam ko maagang umuwi 'yon e. Dinatnan yata ng dalaw kaya sumama ang pakiramdam." Bigla akong napalunok. "Ganoon ba? Salamat." At nagmamadaling pinaandar ang sasakyan. Bigla akong nag-alala sa kalag

