KUMUNOT ang noo ko ng makarinig ng doorbell sa labas. Wala yata akong natatandaan na may pinagsabihan kung saan ako ngayon nakatira? Hindi rin ako nago-order ng kahit ano? Nang bigla akong matigilan. Hindi kaya isa sa pamilya ng nobyo ko? Bigla kong nakagat ang ibabang labi ko. Inayos ko muna ang sarili. Nang masigurong prisentable na ang itsura ko saka ako tumungo sa harap ng pinto. Tiningnan ko muna sa maliit na hole kung sino ang nasa labas. At ganoon na lang ang pagtataka ko at isang delivery boy? Wala sana akong balak pagbuksan ito ng bigla kong maalalang baka ang nobyo ko ang nagpadala. Dati naman nito iyon ginagawa. Lalo na naisip ko rin na mahigpit ang security dito. At tulad ng sinabi ng nobyo ko, hindi basta-basta makakapasok ang kahit sino dito. At alam ko naman na na

