Bigla kong nakagat ang ibabang labi ng makita ang kaibigan. Tiyak na matinding kapilyahan na naman ang sasabihin nito. "Kumusta beshie? Bakit tatlong araw ka yatang wala?" Inirapan ko naman ito. Nakakaluko ang ngisi nito sa labi. Mukhang iba na naman ang takbo ng isip nito. At hindi ko alam kung makakaiwas pa ba ako rito? Ang kulit-kulit pa naman nito. "Alam mo naman magtatanong ka pa." At talagang tumawa pa. "Ganoon ka na ba lagnatin? Haba noon ah? Ang kilala kong Faye, hinding-hindi liliban ng ganoon katagal?" Mapanukso ang mga tingin nito. At talagang napalunok ako ng tumingin ito sa kabuuan ko. "Bakit?" tanong ko. Bigla akong napaupo. Nangatog ang tuhog ko e. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako ritong aminin na may namagitan na sa amin ng nobyo ko. "Bigla yatang lumusog a

