Malakas sana akong mapapasigaw ng may biglang tumakip sa bibig ko, sabay bulong nito. "Ssshh.." "S-sino ka?" nang mabagal nitong alisin ang kamay sa bibig ko. "Saka na 'ko magpapaliwanag. Kailangan na nating makaalis dito." At saka nito hinawakan ang kamay ko. "Ikaw ba iyong--" "Yes, Princess." Bigla akong napalunok. Kilala ako nito? May maliit itong flashlight na dala. Halos habulin ko naman ang hakbang nito. Ramdam ko ang panaka-nakang sulyap nito sa likuran namin. Kung hindi ako nagkakamali, halos hindi nalalayo ang edad nito kay daddy. "Sh*t!" Nang bigla itong mapamura. Bigla naman akong napalingon. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang may nakasunod na sa amin. Hindi pa pala umaalis ang mga ito?! Nasaan na kaya sila Agent? Bigla kong nakagat ng mari

