Halos hindi ko magawang lumingon sa binata. Ramdam ko ang kabog sa dibdib ko. "Faye..." Lumunok muna ako bago ito hinarap. Ang kaninang kaba napalitan ng saya. Hindi ko alam kung maaawa ako rito o matatawa sa itsura ng mukha ko. Halatang kinakabahan ito at may pangamba sa mga mata. "Will you be my girlfriend?" buong pagmamahal na sambit nito. Tinitigan ko ito. Kinapa ang sarili. Alam ko naman na mahal ko na rin ito. May pangamba lang sa puso ko at sa una pa lang, hindi na ako naging tapat dito. Kung dumating ang araw na malaman nito ang totoong pagkatao ko, matatanggap kaya ako nito? Ipaglalaban kaya ako nito? O iiwan ako nito? Napakurap ako ng yumuko ito. At pag-angat ng mukha nito, halatang bigo ito. "It's okay--" "Yes." Bigla itong nagulat. Natulala ng ilang segundo. Hang

