"Bwset!" Pabulong na mura ni Hayley habang nakaupo pa rin sa kasalukuyang inuupuan niya ngayon.
Bumuga ng hangin ang kasama niya at tinalikuran na lang si Hayley na halatang malalim ang iniisip pero hindi man nito sinagot ang tanong ng kasamahang waitress sa kaniya ay may hinala na ito sa kung ano man ang rason nito kung bakit ito badtrip. Isa lang naman ang madalas na dahilan kung bakit nababadtrip ang babae kung 'di dahil sa madrasta nitong naadik sa pagsusugal at kung wala nang pang sugal ay si Hayley ang hinuhuthutan nito.
Hindi na lang din nagtanong pang muli o pinilit pang mag open up ng kasama nito si Hayley dahil baka siya pa mapagbuntungan nito ng galit nito. Iba pa naman kung magalit ang babae kasi lahat ng inis sa kaibuturan nito'y baka sa kaniya nito maibuntong, kaya hinayaan na lang nila ang babae roon at hindi na muna kinulit. Nauna na lang ang mga ito sa pagbihis at binigyan muna ng sapat na oras si Hayley para maikalma ang sarili, kasi kung hindi nito mapakalma ang sarili ay baka hindi nito magawa ng maayos ang trabaho niya. Ito pa naman ang may pinakamalakas na karisma sa mga costumers nila.
"Bwiset na babaeng yun! Anong akala niya sa akin? Hindi papatol sa kaniya? Tss. Nagpipigil lang talaga ako, pero ugh! Gustong-gusyo ko na siyang suntukin sa mukha!" nanggigigil na ani ni Hayley habang inaalala ang mga nangyari kanina. Pinipilit kasi siya ng madrasta niyang bigyan ito ng pera upang ipang sugal sana nito kaso walang pera si Hayley na maibibigay rito kaya nagwala ito at pinagsisigawan at tinawag siyang madamot!
Hanggang ngayon kapag naaalala niya ang mga sinabi nito kasama ng wala ring kwenta nitong anak ay mas nababadtrip siya.
"Alam kong may pera ka, sige na Ley. Ibabalik ko naman sayo kapag mamaya, kapag nanalo ako. Bibigyan pa kita ng sobra pagkatapos." Sabi nito nang sabihin ni Hayley na wala siyang pera at wala siyang mabibigay sa ngayon sa matanda. Napairap si Hayley sa sinabi nito. Ilang besses na nitong sinabi sa kaniya ang linyang iyon at ilang besses niya na ring pinahiram which turns to bigay hanggang sa nag turns to limot na lang ang madrasta niya sa mga pera niyang naipahiram rito pero ni singko sentabos ay wala man lang bumalik sa kaniya. Hindi niya alam kung sinasadya ba nitong kalimutan ang mga iyon o sadyang palagi lang talaga itong talo sa mga laro nila.
"Wala po talaga akong pera ngayon, te." ani niya rito sa malumanay pa na bosses. Good mood siya kasi kaninang umaga lang nalaman niyang pasado siya sa unang semestre niya sa kolehiyo. Na amaze lang siya kasi para sa isang working student ay nairaos niya pa rin ang unang semestre niya sa kolehiyo which wasn't that easy pero kinaya niya naman at kakayanin niya para makapagtapos siya't makahanap ng trabaho. Mag-iipon ng pera at aalis sa malaimpyerno niyang buhay kasama ang madrasta at ang ama niyang wala namang ginawa kundi magpabilog palagi sa bagong asawa nito.
"Tss, ang sabihin mo madamot ka lang talaga." Sabi ng madrasta niya na tinalikuran agad siya pagkatapos. Uminit ang ulo ni Hayley dahil sa sinabi nitong iyon.
Gusto niyang sabihin na "kung may pera man ako hindi iyon para sa iyo at sa sugal mo. Kung gusto mong mag sugal maghanap ka ng pera mo." Gusto niyang isigaw rito pero wala pa siyang lakas ng loob na pagsalitaan ito pabalik.
Even if her stepmom is not that nice to her ay nirerespeto niya pa rin ito, pinagtitiisan pero kaunti na lang din ay mapipigtas na ang pasensya niya rito.
Kung may extrang pera man siya ay hindi naman siya mgdadalawa g isip na bigyan ito. Ngayon lang talaga ay wala siyang extra. May pera man ay para iyon sa tution niya, siya na kasi ang nagbabayad para sa tution niya na responsibilidad naman sana ng ama niya.At imbes tulungan pa siya sa mga gastusin niya sa pag-aaral ay pinagsasabihan lang siya nitong tumigil na lang at magtrabaho dahil wala naman silang makukuha sa pag-aaral niya. Masasayang lamang ang apat na taong pag-aaral niya at matagal pa bago siya maging isang propesyonal na guro.
Kahit ganoon ay hindi nawalan ng pag-asa si Hayley sa pag-aaral niya. Iyon na labg kasi ang nayitirang pag-asa niya para makaahon sa hirap. Isa pa roon ay gusto niya nang makaalis sa pamamahay ng dalawa. Maliban din kasi sa madrasta niya ay may isa pang taong malakas manghuthot sa kaniya, ang it is her stepbrother.
"Hayley, may extra ka ba jan? Kahit bente lang?" Tanong ng Kuya Baste niya ng pumasok ito sa bahay nila.
"Wala akong pera ya eh," sagot niya rito.
Nagsalin uto ng tubig sa isang bago bago siya hinarap.
"Bente lang naman, ibibili ko lang naman ng sigarilyo." Ani nito at uminom sa tubig niya.
"Wala tala-" pinutol ng madrasta ang sasabihin niya sana na lumabas galing sa kwarto niya. Hindi niya napansin ang pagpasok ng babae doon kaya nagulat na lang siya ng kumabas ito roon at hawak-hawak na ang pitakang itinago niya sa pinakasuloksulukan ng drawer niya. Nanlaki ang mga mata niya.
"Wala daw siyang pera, Baste pero ano to?" Pinakita nito ang pitaka niya sa kaniya.
"T-te akin na yan." Ani niya. Nag-aalala na. Bayaran na sa susunod na araw at isang libo pa ang kulang niya roon. Kapag kukunan pa ng mga ito iyon ay hindi niya na kayang hanapan pa ng paraan para mabuo iyon. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang sinasahod niya sa pagiging waitress pero kung makakadelehensya siya galing sa mga lalaki sa club at makata ggap ng malaking tips okay sana pero hindi naman parating may ganoong tipo ng mga lalaki sa club, minsan lang kung may mga galante roon.
"Alam no Hayley, sinungaling ka." sabi nang madrasta niya at binuksan ang pitakang pinakatinatago niya sa mga ito.
Nanlaki ang mga mata ng madrasta niya ng makita ang ilang libo na naroon. "Ang dami nito ah!" Gulat niyang ani kaya napalapit na rin roon ang Kuya niya.
Lumapit siya sa mga ito at kukunin na sana niya ang pitaka ng ilayo ito ng madrasta sa kaniya at tampalin ng Kuya niya ang kaniyang kamay.
"Para po yan sa tuition ko," nangingilid na ang mga luhang ani niya. Hindi pwedeng makunan iyon.
"Alam mo Hayley napakasinungaling mo,"
"Kailangan ko na kasing mabayaran yung tuition ko, Kuya. Kung may extra naman ako, bibigyan ko naman kayo." Sabi niya na nag-aalala na talaga habang tinitingnan ang nadrasta niyang inilabas na lahat ng pera sa pitaka at binibilang na iyon.
"Magkano ba ang tuition mo?" Tanong ng madrasta sa kaniya. "At bakit ang dami nito? Ganoon na ba talaga kamahal iyang pinapasukan mong skwelahan? Mabuti pa wag ka nang mag-aral kung ganito naman pala kamahal." Sabi nito.
"Oo nga, ibigay mo na lang kina mama iyong mga kita mo. Makakatulong ka pa sa mga bayarin dito sa bahay." Ani naman ng kuya niya na nakatingin sa mga perang hawak-hawak ngayon ng nanay nito.
"Ang dami nito." Nakangiting ani ng madrasta niya habang si Hayley ay nakatayo sa harapan nito at mangiyak-ngiyak na, ilang buwan niya iyong inipon.
"Ito talagang batang 'to, napakasinungaling.' sabi ng natanda sa kaniya at tinuro siya.
Ngumisi naman ang Kuya niya, "baka iyon ang namana sa Nanay niya, nay." Ani nito na siyang kumuha sa buong atensiyon ni Hayley.
"Baka nga," sabi ng babae at kumuha ng dalawang libo mula roon ganoon din ang Kuya niya ng isang libo.
"Oh. Eto na, buti nga may iniwan pa kami eh," the old woman handed her the wallet na ngayo'y ilang daan na lang ang laman.
"Ayaw mo? Kasi ako? Gusto ko eh," sabi ng matanda ng matagal bago niya iyon kinuha rito.
"May pera ka naman pala eh, alam mo Hayley sa susunod mag sabi ka ng totoo." Sabi ng Kuya niya.
"Salamat ha, may pambili na kaming alak. Tamang-tama birthday ngayon ni Markus." Sabi nito at masayang-masaya na lumabas sa bahay nila.
"Oh? Anong iniiyak-iyak mo dyan? Diba may trabaho ka pa?" Ani ng madrasta nang makitang hindi gumalaw sa kaniyang kinatatayuan si Hayley.
"Magtrabaho ka na para mabuo mo ulit iyang pera mo," sabi niti na umupo sa isang upuan at nakangiting binilang muli ang tig-iisang daan na perang nakuha niya mula kay Hayley.
"Eh, kung kayo kaya ang maghanap ng trabaho?" Hindi na napigilang ani ni Hayley. Matagal na niyang gustong pagsalitaan pabalik ang madrasta dahil ayaw niyang mag away na naman ito at ang tatay niya. Nagpipigil lang naman siyang hindi sagot-sagotin ang madrasta dahil sa tatay niya kasi simula ng mawala ang nanay niya ay nakita niya kung gaano kalungkot ang tatay niya na halos patayin na ang sarili nito sa pag-inom ng alak pero ng dumating ang madrasta niya tumigil ito sa pag inom and she was thankful about it pero nagkakamali pala siya. Mas gugustuhin pa pala niyang magpakalasing ang tatay niya ng magpakalasing kesa sa nakikita niya itong nagpapakatanga sa madrasta niya. Kasi kapag naglasing siya after niyon ay matutulog lang ang tatay niya, peacefully pero ngayon iba na at hindi niya iyon nagugustuhan. His father fell inlove again and that's with his stepmother. His father works his ass of para maibigay lang ang lahat ng kagustuhan ng bagong asawa nito at nasasaktan siyang makitang ginaganoon lamang ang tatay niya. Taken only for granted, nasasaktan siya kasi he doesn't deserve it. Dala na rin ng stress, pagod at sobrang pagmamahal ng tatay niya sa madrasta ay nag iba ang pakikitungo ng tatay niya sa kaniya, mas importante na ngayon ang asawa nito kesa sa kaniya.
Noon, when her mother was still alive kasama nilang pinangarap na makapagtapos siya ng pag-aaral. They were so happy just like the ordinary families but not until her mo got diagnosed with cancer. Namatay ang nanay niya at kasama na rin niyon ang tatay niya. His dad is still alive but it feels like he is kasi kailanman ay hindi na siya nakakatanggap ng pagmamahal at pag-aaruga galing dito as a father.
Noon ipinagpasalamat niya dumating ang madrasta niya sa buhay nilang mag ama, kasi she thought na maibabalik nito iyong dati pero nagkamali pala siya because dahil rito ay mas nagkanda letse-letse ang buhay niya.
Natigilan ang matandang babae sa pagbibilang at tumungo ang mga tingin kay Hayley na nakatitig sa hinahawakang pitakang kaunti na lang ang nilalaman.
"Ano?" Tanong nito na tumayo ng hinay-hinay. "Anong sabi mo?" Tanong nitong muli nang makalapit na nang tuluyan sa babae.
Hayley shifted her sight on the old woman. Nanunubig ang mga mata niya at halata ang galit roon kaya nginisihan siya ng matanda.
"Bakit ganyan ka makatingin? Galit ka?" Tinuro nito ang sentido ni Hayley at marahas na tinulak-tulak. "Galit ka ba ha? Galit ka? Marunong ka nang sumagot ngayon? Bakit? Anong pinagmamalaki mo? 'tong kakaunting pera mo?!" Sigaw ng matanda sa kaniya.
"Kung kakaunti lang pala, edi ibalik mo sa akin!" Sagot niya. Hindi niya na talaga napigilang mapataas at mapalakas ang bosses dahil sa galit. Tinampal niya pa ng malakas ang kamay ng matandang nakaduro sa sentido niya dahilan upang tumama iyon sa gilid ng lamesa at gumawa ng ingay.
"Aba! Walanghiya kang bata ka," aabutin sana nito ang buhok ni Hayley upang sabunutan pero naka-ilag ang babae at naitulak ng malakas ang matanda.
"Kung gusto niyo ng pera magtrabaho kayo! Matagal na akong nagtitimpi sa inyo!" Sigaw niya na hindi inasahan ng matanda kaya tila nasimento ito at hobdi agad nakatayo.
"At wag na wag niyong idadamay ang Mama ko kasi kung ikukompara sayo, walang-wala ka sa kalingkingan niya!" Sigaw niya rito na mas nagpagalit sa matanda. Bago pa man makatayo ang matanda ay agad niya nang kinuha ang mga gamit niya at mabilis na tumakbo palabas.
Narinig niya pa ngang sumigaw ang matanda.
"Letse kang bata ka! Bumalik ka dito!" Sigaw nito pero hindi niya ito nilingon, diretso lang siya sa pagtakbo hanggang sa makaabot siya sa isang maliit na parke sa ikalawang kanto mula sa kanto kung saan ang sa kanila.
Doon siya umiyak ng umiyak.
"Paano na 'to? Ang laki-laki na ng kulang ko. Paano ko mababayaran ang tuition ko nito?" patuloy sa pagtulo ang mga luha niya.
Napayuko si Hayley at muling nanubig ang mga mata niya as she rewind what happened earlier on her mind.
Ang laki ng kulang ng pera niya, ilang araw na lang at bayaran na ng tuitions. Napakagat siya sa kaniyang labi, pinipigilang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Impossibleng mabubuo niya pa iyon. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan kaya madali niyang pinunansan ang mga mata niya.
"Hayley, kaya mo ba?" nag-aalalang tanong ng kasama niya ring waitress na naging kaclose niya na rin na si Mauve.
Nakaharap siya sa malaking salamin sa harap. Tiningnan niya ang repleksyon niya roon. Nakasuot siya ng isang hapit na hapit na japanes uniform, kitang-kita ang cleavage niya at sobrang ikli naman ng suot niyang palda. Tiningnan niya ang mga mata niya, magang-naga iyon kanina dahil sa kakaiyak niya pero ngayon na nilagyan niya ng make-up ang mukha ay hindi na iyon gaanong kahalata.
Tiningnan niya ang kasamahan sa salamin at tinanguan.
"Kaya ko," sabi niya rito.
"Sige, sunod ka ah." Sabi nito at nauna nang umalis.
Muli ay binigyan niya ng tingin ang kaniyang sarili sa salamin at ngumiti. Kailangan niyang ngumiti para sa trabaho niya kahit kabaliktaran man niyon ang nararamdaman niya.
Isa pa, kahit ayaw niya sa trabaho niya ay ginagawa niya pa rin iyon kasi kailangan din niya. She has to save at wala na siyang mahanap pa na ibang trabaho kaya kailangan niyang magtiis kahit minsan naaapakan na ang dangal niya bilang isang babae. Kailangan niyang magtiis para sa mga pangarap niya.
Everyone sees her as a very brave girl, pero kung siya lang mag-isa ay naipapakita niya sa sarili niya kung gaano siya ka hina. Bumuga ng hangin si Hayley at nakangiting tumayo, sa huling besses ng gabing iyon ay nilingon niya ang sarili sa salamin. Her smiles look pretty but her eyes shouts that she is not okay.