Kabanata 6

2494 Words
"Okay ka na ba?" Tanong ni Mauve nang lumabas na ang kaibigang si Hayley sa WQ nila sa club. Tinanguan ito ni Hayley, like she have any other choice? Wala naman siyang ibang choice kung hindi pilitin ang sarili niya na maging okay. Kailangan niya ng pera kaya kailangan niyang magsipag. Wala pang gaanong tao, iyong tatlong lalaki pa lamang at iilang nadagdag na mga lalaki kasi kakabukas pa lang din naman ng club kaya pinag stand by muna sila sa tabi ng manager nila at tatawagin lang kapag may orders na. Dahil doon ay nagkaroon sila ng oras na makapagchismisan muna. Lumapit sa kanila ang isa pa nilang kasamahan na si Katleen "Alam mo Hayley, iyong lalaki pa lang kumindat sayo kanina? May-ari pala yun ng SN!" ani nito na kinikilig na nilingon ang direksiyon ng tatlong lalaki na halatang mga lasing na, maliban nalang sa isa na tahimik lamang roon sa mesa nilang tatlo na kumuha sa atensiyon niya. Napatingin ang mga kasamahan nila sa lalaking bumastos sa kaniya kanina habang siya, ang mga mata niya ay nasa lalaking pangisi-ngisi lamang. Sa mukha nitong mabalbas, sa tangos ng ilong at sa kulay ng mga mata nito ay halatang may lahi itong banyaga. Hindi niya nga lang alam kung anong lahi ba, arabo ba? amerikano? His face shouts more with a western feature kung ikukumpara, he looked like that famous singer named Zayn Malik but with a clean skin without any tattoo and piercings. "Ang gwapo diba?" si Katleen sa kanila, iniwas ni Hayley ang tingin roon. "Ano sa tingin mo, Ley?" She tssked. "Ano naman ngayon? Mayaman nga, bastos naman." simple niyang ani rito na inirapan pa muli ang lalaki nang makitang nakatingin ito sa gawi nila at may nakakalokong ngisi sa mga labi. "Ang pangit pa," she added and rolled her eyes on the guy. Hindi niya gusto ang mga ganoong tipo ng lalaki, masyadong presko, masyadong mataas ang kompyansa sa sarili. Mauve chuckled. "Huy! Grabe ka! Ang gwapo kaya niyan! Teka nga," paghinto sa kaniya ni Katleen. "The last time, iyong anak ng senador na apaka gwapo sa paningin ko ang tinawag mong pangit, hindi bet. Pati din yung model last time sinabihan mong pangit parang tuod! Tapos ngayon?" turo niya sa lalaki. "Gagi ka, wag mong turuin!" bulong at tampal ni Hayley sa kamay ng kaibigan. "Iyang may-ari ng SN na ang gwapo na nga, mestizo, matangkad, mayaman, at sobrang hot pa ay tinawag mo na namang pangit?" pinagkrus nito ang mga kamay sa harapan nito, "Ano ba talaga iyong taste mo sa lalaki, Hayley? Sobrang taas ba ng standards mo? o baka naman..." lumapit sa gilid niya ito at sinundot-sundot si Hayley sa kaniyang tagiliran. "Ano ba," inis na saway sa kaniya nito at inilayo ang kamay ni Katleen sa kaniya. "Tomboy ka no?" Katleen continued, taas-baba ang mga kilay. Naubo si Mauve at napatingin kay Hayley, ganoon din ang ilang kasamahan nila na nakikinig sa usapan ng tatlo. "Ano ka ba, Katleen! Kung tomboy tong kaibigan natin di sana balot na balot to." Suhestiyon ni Mauve. "Sa tingin mo? Ipapakita ko tong mga pakwan ko kung tomboy ako," sabi niya na hinawakan talaga ang dalawang melon niya sa harapan paharap sa kaibigan niyang si Katleen. Nagtawanan ang mga kaibigan niya matapos niyang sabihin iyon with action. Not Hayley, na naubo nang makitang nakatingin sa direksyon niya ang lalaking kanina lang ay sinusuri niya. Halos magdikit na ang mga kilay nito habang nakatingin sa direksyon niya. Napakagat labing inilayo niya ang tingin sa lalaki dahil sa hiya. Nakita kaya niya yung ginawa ko? Nakakahiya naman! ani niya sa kaniyang isipan, napakagat labi at mariin siyang napapikit sa nga nata sandali. Buti na lang at ilang minuto matapos niyon ay isa-isa ng pumasok ang mga tao sa club at unti-unti na rin silang na b-busy. "Let's go," ani ni Kier ng mapansing unti-unti nang parami ng parami ang mga tao sa loob ng club. "Ano ka ba, Kier. Don't be so KJ, minsan nga lang 'to eh." Ani ng kaibigan niyang halatang lasing na dahil sa pamumula ng mukha. Napailing si Kier rito at si Theo naman ang nilingon. Halos mapatampal siya sa kaniyang noo nang makitang, papikit-pikit na ito sa mga mata ang lalaki. Unlike him ay napakabilis kasi ng pag-inom ng dalawa. Nakakaisang baso pa lamang siya, ang dalawa ay nakatatlo na kaya heto, parang siya pa ata ang mamromroblema sa dalawa. Napabuga na naman ng hangin si Kier. Ramdam niya ang panginginit na ng katawan at kaunting hilo dahil sa nainom pero kaya pa naman niya. "Your friend is down," turo ni Dom kay Theo. "Yea, and your next," sagot niya rito na siyang pinagkibitan lamang ng balikat ng kaibigan, confident na makakaubos pa siya ng ilan pang shots. Alam niyang matagal malasing ang kaibigan niyang si Dom, sa lagay nito ngayon pwede pa itong makaubos ng isa pang bote ng alak o ilan pang shots habang siya ay wala nang balak uminom pa ng panibagong shot. Kapag nalasing silang tatlo, no one's gonna help them. Tiningnan niya muli si Theo sa isang tabi, namromroblema kung anong gagawin niya rito. Napabuga na naman siya ng hangin, siguro ay sa bahay niya na lang ata niya ito dadalhin. Habang nasa gitna ng pag-iinoman nila at pasimpleng pagsisipsip lamang ng paunti-unti ni Kier sa kaunting natirang alak sa baso niya ay nagsalita muli ang kaibigan nito. "Did you saw that woman earlier?" "Sinong don?" Halos mapairap si Dom. Wala pa rin kasing pinagbago ang kaibigan, simula nang maging nobya nito si Fajrah ay naging mailap na rin ito sa ibang babae. "Aren't you bored?" "Sa ano?" tanong ni Kier sa kaibigan. "In your relationship? like, it isn't challenging bro you should have some fun sometimes," ani nito. "I don't need the challenge and I am fine with my wife, I am contented" sagot naman nito na kailanman ay hindi makuha-kuha ni Dom. "Ugh! so boriiiing, kaya ayaw kong mag asawa eh. I can't imagine myself sticking with a one woman. That's so boring, Kier." Napailing si Kier rito. "Have you fell inlove, Dom?" tanong niya rito na nagpatigil kay Dom. "I actually don't know what's the feeling of being in love..." ani niya na nagpatahimik sa kanilang dalawa. Bumuga ng hangin ang lalaki and continued "so I can't answer your question," sa pagkakataong iyon ay si Kier naman ang napabuntong hininga. "So, back to that girl earlier," si Dom and chuckled. "Iyong kanina, the one who rolled her eyes on me." Ngumisi siya, "I like her, she's feisty." tukoy nito sa waitress kanina na napailing lamang kay Kier. Wala na atang sasabihin pa ang lalaki na hindi suya mapapailing. Nangunot ang noo ni Kier, kahit alam niya na ang sagot tinanong niya pa rin ang kaibigan. "What about that girl earlier in your office? Isn't she your girlfriend?" Tanong ni Kier. "Comm'on, Kier. Do you really think I do that girlfriend and boyfriend thingy?" Ani nito na nag pailing na naman kay Kier. "Told you, self. He still didn't change," komento ni Kier sa kaniyang isipan. Nag-uusap sila ni Dom roon about business and friends ng kunin muli ng babae kanina ang atensiyon ng kaibigan niya, kaya siya ay napatingin na lang din sa babae. Habang tinitingnan niya ang babae ay naiisip niya ang asawa niya, if Fajrah would wear that kind of outfit, he will surely lock her on their room. He won't let anyone see how sexy would be her wife on that. "Hey! Hey! Hey!" Tawag ng kaibigan niyang si Dom rito. Lumingon ito sa gawi nila at kahit hindi nito gusto na lumapit sa kanila ay pinilit nito ang sarili. "Yes, sir? What can I do for you?" Tanong agad nito kay Dom ng makalapit. Habang si Kier naman ay inilayo ang tingin sa babae. Ngumisi si Dom rito. "Can I have something?" Mainit ang mga matang ani nito habang nakatingin kay Hayley. Kier is looking at his friend na minsay napapa-iling ng bahagya dahil sa pagiging babaero ng kaibigan. Noon pa man ay mahilig na talaga itong makipaglaro sa mga nararamdaman ng mga babae. Dom find it challenging, and treat it like he was just playing a game. Sa lahat ng babaeng naging girlfriend niya sa pagkakaalam niya ay ni isa sa mga iyon ay wala man lang tumagal. Kaya hindi na siya magtataka pa kung tatandang binata ang kaibigan, cause he always believe that karma is a big b*tch. Hindi na rin siya magtataka pa kung bukas nito ay kasama niya na ang waitress na ito. What Dom wants, Dom gets, ikanga nito sa kaniya. "Yes, sir. What is it? Drinks?" tanong ni Hayley na pilit binibigyan ng matatamis na ngiti ang lalaking sobrang lagkit na ng nga tingin sa kaniya, lalo na sa may dibdib niya kung saan kitang-kita ang cleavage niya. Minsan kapag nakakaencounter siya ng ganoong tipo ng mga lalaki ay minsan gusto niya nalang manapak but as long as possible pinipigilan niyang mangyari iyon. Cause she knows that, she needs her work at hindi din naman siya mababastos kung hindi siya nagsusuot ng ganoong mga damit na revealing, na nakakabastos, so it counts... sometimes. "Can I have you, instead?" Mapang-akit na tanong ng lalaki sa kaniya. Naroon pa rin ang mga ngiti ni Hayley sa labi pero hindi niya napigilan ang mapataas ang isang kilay niya. "Well, then I am sorry sir but... I am not one of the options," maakangiti pero halatang sarkastikangpagkakasabi nito. "So, what's your order again, sir?" Tanong niya muli rito at nilingon naman ang isang lalaki sa kabilang banda, but when she already shifted her gaze on him ay napahinto siya saglit. Mas gwapo pala siya sa malapitan, ani niya sa lalaking nakatitig sa baso nito. "What about your number?" "Not one of the options," napangisi si Dom. "Then, can I just know your name instead?" Hayley greeted her teeth in annoyance, napakakulit ng lalaking to! "Hayley, so may I know your order sir? again Im not one of the option," ani niya muli rito. Mapupungay na ang mga mata ni Kier. Habang nakikinig sa usapan ng dalawa ay hindi niya mapigilan ang mapangisi sa mga sagot ng babae sa kaibigan. He think that nakahanap na rin ng katapat ang kaibigan sa wakas! Lumingon din ito sa kaniya nang nakataas ang isang kilay para kunin din ang order niya pero he has nothing to order kasi hindi na siya iinom, kaya inilingan niya ito. "Oh, well that's sad Hayley cause, I only want you." Sagot na naman ni Dom na siyang mas nahpairita na naman muli kay Hayley rito at halos mapa-irap na naman sa inis. Hindi naman madaling naiinis si Hayley kasi sanay na siyang ginaganoon ng mga lalaki, minsan nga ay sinasabayan niya pang landiin ang mga ito para makatanggap ng malaking tip pero ngayon, halos malukot na ang mukha niya sa inis sa tuwing may sumusubok na humirit sa kaniya. Siguro dahil lang iyon sa pagiging badtrip niya sa kaniyang madrasta. "too bad, sir I am not available." sagot niya rito sa panghuling besses at tinalikuran na ang lalaki. Hindi niya na ito binigyan pa ng pagkakataong makapagsalita at nagpaalam na agad bago pa maibuka muli ng lalaki ang bibig nito. Hindi napigilang hindi mapahagikhik ni Kier dahil sa mga narinig. "Finally, nakahanap ka na rin ng katapat mo," sabi niya at tumawa ulit. "Oh? Bat nakabusangot ka na naman?" Tanong ni Katleen at nilingon ang pinanggalingan ni Hayley. "Sinupladahan mo na naman?" tanong nito nang makitang tinatawanan ngayon ni Kier si Dom. Hindi iyon sinagot ni Hayley but instead ay napabuntong hininga siya at napahilamos sa kaniyang mukha, "Ugh!" "Ley, umayos ka jan. Kailangan na kailangan mo ng pera ngayon kaya wag mo munang paandarin ang kaartehan mo," bulong niya sa kaniyang sarili pagkatapos ay tumayo ng maayo at bumuga muna ng hangin bago nagsimulang lumapit muli sa iba pang mga costumers to take their orders. Hiniritan na naman siya ng ibang lalaki but this time lahat ng mga iyon ay sinasakyan niya na dahilan upang makatanggap naman siya ng tip kahit kaunti mula sa mga ito. "I told you, be nice." si Mauve na napaenglish pa ng makitang nakangiting binilang ni Hayley ang nakuha niyang tip sa isang table. "That kind of girl there is what I like, dude!" paulit-ulit nang ani ni Dom kay Kier. Napapabuntong hininga na lang siya. Lasing na lasing na ang kaibigan at hindi niya alam kung anong gagawin niya rito. Napahilot siya sa kaniyang sentido. It's already nine pm, maaga pa lang para sa ibang kakarating pa lamang sa club pero not with them na maaga pa lang ay naroon na at umiinom. Pulang-pula na ang mukha ni Dom, at ngayon ay lasing na lasing na talaga. Kagat labi niyang chineck na naman ang kaniyang phone for the last time. Wala pa rin siyang natatangap mula roon na tawag at text, siguro nga ay nakatulog na talaga ng m ang malalim ang asawa niya kaya after that check ay hindi niya na chineck pang muli ang phone niya at nilagay sa bulsa. This time ay napabuga na naman siya ng hangin at tumayo na, inuna niyang akayin si Theo papunta sa sasakyan niya. "Don't you dare p**e in my car, man." sabi niya rito before binalikan ang isa niya pang kaibigan sa loob na nakatulog na rin sa inuupuan, napailing siya. Dahil sa laki at bigat ay nahirapan siya ng kaunti sa kaibigan. "Kailangan mo ng tulong, sir?" tanong ng babaeng biglang sumulpot mula sa kung saan. Tiningnan niya ito at nakita ang babaeng waitress na kursunada ng kaniyang kaibigan. "Hindi na, thank you." tipid niya itong nginitian at kahit hirap ay pinagpatuloy niya ang pagkarga sa kaibigan niya. Sinundan ng tingin ni Hayley ang dalawang lalaki, "Iyon ba yung may ari ng SN?" tanong ni Mauve ng makalapit. "Oo, bagsak na bagsak. Buti na lang hindi pa lasing iyong isang kasama nila." sagot niya habang nakay Kier ang mga mata. "Kilala mo ba iyong kasama niya?" tanong niya sa kaibigan. Sa kanilang dalawa mas matagal na roon si Mauve so she was hoping na baka kilala nito ang lalaking iyon. "Hindi eh, pero mukha siyang pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung saan ko exactly siya nakita, pero I know kilala ko siya eh. Ano nga ba ang name niyon," ani ng kaibigan na ngayo'y napaisip ng malalim pero kahit anong try nitong alalahanin kung ano ang pangalan ng lalaki ay hindi nito maalala.Nito lang nito naaalala ng pauwi na sila at madaling araw na. "Alam ko na!" sabi nito na agad nagpatingin sa mga kasamahan niyang mga waitresses sa kaniya kasama roon si Hayley. "Ang ano?" sagot ng isang kasama nila, curious. "Miradel, diba Miradel yun? Yung kasama kanina ng may-ari ng SN?" sabi nito na at last ay naalala na kung sino ang lalaki. "Miradel," bulong ni Hayley. Hindi ito pamilyar kay Hayley pero that made her smile. Miradel...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD