Napabuga ng hangin si Kier. “Ang bilis ng oras,” sabi nito habang hawak-hawak ang kamay ng asawa niya. Nasa labas sila ng apartment kung saan kakarating lamang nila. “Do you want to go upstairs muna? Magpahinga ka muna,”suhestiyon ni Fajrah. Malayo-layo iyong binyahe nila kaya siguradong napagod ang asawa. “No, I’m fine.” Nginitian niya siya ni Kier at hinila palapit rito habang ito ay nakaupo sa hood ng kanyang kotse. He rested his head on his wife’s chest, hindi niya gustong pakawalan ang asawa kasi alam niyang after this night ay matagal bago na naman niya ito makikitang muli. It could be for a couple of days or even weeks. “Ang tagal naman bago matapos ng internship mo, Love” may halong inis at lungkot na ani ni Kier. He wanted her to be at home so bad. Iyong tipong pag-uwi niya ga

