Chapter 2

2402 Words
A sweet comforting rush of energy surged through my body the moment my feet touched the airport ground! I wanted to jump out of too much excitement when I finally made it outside Negros Occidental. It has been years since I last had my travel away from my hometown. Kanina pa halos mapunit ang bibig ko sa walang tigil na kangingiti dahil sa saya’t tuwang nararamdaman. I was able to persuade my grandfather that I needed to be in Manila for a seven-day culinary expo. He was convinced and he immediately gave me his permission. Buti na lang at naisip kong palusot ang related sa profession ko kaya madali para sa aking makalusot kay Lolo. Propesyon na hindi ko naman pinapraktis dahil may mga katulong din naman sa bahay na siyang nagluluto ng pagkain namin. I went straight to the baggage reclaim area to get my trolley. After I collected my luggage, I went straight to the waiting area to look for the agent waiting for me. Isang hotel ang naka-book para sa mga tourists na kasama sa tour kaya madali na lang ang lahat sa akin. Palinga-linga ako habang naghahanap ng taong may hawak ng placard at may nakasulat na pangalan ko. It took me minutes to finally see a petite woman walking to my direction. “Good morning, Ms. Azuelo?” The woman inquired and looked at me straight in the face as if mesmerized. I offered a friendly smile and nodded my head in acknowledgement. “You can call me Lois.” I offered my hand for a handshake. Her mouth formed an ‘o’ while accepting my hand and I could almost read the movement of her lips as ‘wow’. Okay lang ba ang baabeng ‘to? Medyo weird lang kasi ang reaksyon niya. “You’re so pretty, Ms. Lois. Nakakainggit naman ang height mo. By the way, I am Jill po. Dito tayo.” Lihim akong napangiti. She showered me with endless compliments before leading the way. Parte yata ito ng PR strategy nila para makaipon pa ng maraming costumers. Nagkibit-balikat na lamang ako at sinundan ang babaeng nagngangalang Jill. Sanay naman na ako sa mga pasimpleng papuring natatanggap. Minsan nga, hindi ko na alam kung alin ang paniniwalaan sa dami ng naririnig ko. “If you don’t mind me asking, Ms. Lois, beauty queen po kayo?” Napatingin ako kay Jill at ngumiti bago umiling. She was very talkative and full of positive energy. “Talaga? Pero ano po ang line of work niyo? Showbiz or modeling? Artista po kayo?” she inquired further. Kung hindi lang ako sanay sa atensyon, siguro maiinis na ako. Pero minsan na nga nman akong nagkaroon ng modelling stint sa New York kaya sanay na rin ako sa atensyong natatanggap, not to mention my lolo’s line of work. Minsan nga, nadadamay pa ako sa mga ambush interviews ni Lolo sa tuwing kasama ako sa mga charities niya. “Actually, palamunin lang ako sa amin.” I grinned at her and my lips split wider when I saw her surprised reaction. She looked at me as if I told her something that was out of this world. She has this aura of an innocent girl and I found her amusing. Siguro dahil mas bata siya sa akin. “Grabe naman! Pero kung gugustuhin niyo, siguradong may lugar agad kayo sa showbiz. Mas maganda pa kayo kay Anne Curtis, eh!” puno pa rin ng paghanga ang boses na puri niya. Gusto kong pangilabutan dahil kinompara pa talaga ako sa pambansang dyosa ng Pilipinas. “Parang gusto ko yatang maniwala sa mga sinasabi mo,” natatawang biro ko at sinulyapan siya. We were now headed to the parking lot, Jill was leading me probably to our ride. “Naku! Hindi po kita binibiro, Ms. Lois. Totoo po ang sinasabi ko. Ano po pala ang height niyo? Bagay talaga kayong maging beauty queen!” “I’m five feet and eight inches, Jill. Ayoko rin ng mga media related jobs. Masyadong masakit sa ulo.” Napakagat ako sa aking ibabang labi nang biglang kumunot ang kanyang noo nang balingan ako pero nakahinga rin ako nang maluwag nang hindi na siya nagtanong pa dahil narating na namin ang puting van na siyang maghahatid sa amin sa Vigan. Agad na binuksan ni Lois ang pinto ng passenger seat at tinulungan ako sa aking dalang luggage. “Peter! Peter! Gising! Nandito na ang guest natin!”  Sinilip ko ang tinatawag ni Jill at napagtanto ko na ang driver pala namin na mahimbing na natutulog sa driver’s seat. Napabalikwas ito ng bangon at napalingon sa gawi namin. Hindi ko na siya binigyan pa ng atensyon at tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. I settled at my seat comfortably. Parang nakaramdam agad ako ng pagod nang maramdaman ang lambot ng upuan at nang ma-amoy ang lemon air freshener ng sasakyan. “Ms. Lois, ito po pala si Peter. Siya ang magiging driver natin sa buong duration ng tour. Peter, batiin mo si Ms. Lois.” Wala sa sariling napataas ako ng kilay dahil sa paraan ng pagtitig sa akin ng lalaking nagngangalang Peter. Halos hindi maagkalayo ang edad nila ni Jill sa isa’t isa.  Pinasadahan niya pa ng tingin ang buo kong katawan. Damn! Ang manyak naman ng driver na ito. Lihim akong napatingin sa aking sarili at tahimik akong napamura nang ma-realize na hindi ko pala suot ang aking blazer. I only had my white tube cropped top and white trousers on. Buti na lang at nagpalit ako ng trousers kanina sa lavatory dahil nakaramdam ako ng ginaw sa eroplano dahil sa suot na shorts. Kanina habang naghihntay ng luggae ko, hinubad ko naman ang blazer ko. Wala naman kasing masama sa suot ko. I was confident with my body and I loved my outfit. It was just that, I could not protect myself from gawking eyes like of this Peter! Kurutin ko kaya mata niya! “Peter! Tara na at nang makapagpahinga si Ms. Lois!” Hinarangan ni Jill ang katawan ko at hinarap si Peter. Lihim akong nagpasalamat sa ginawa niya. I was starting to like this woman even more. Nang umusad ang sasakyan, agad kong sinuot ang aking blazer at tinakpan ang aking dibdib dahil exposed na exposed ang aking cleavage. Baka mabangga pa kami nang wala sa oras at ako pa ang masisi. Damn this misogynistic world! It took us four hours to finally arrived at our hotel and my energy was so drained. Hindi ko inaasahan ang hotel na tutuluyan namin. I thought it was just an ordinary one but this looked grand. Hotel and condo yata ito dahil sa nagtataasang building na kumukunekta sa bawat isa. Bawing-bawi naman pala ang hotel na tutuluyan namin kahit mahaba ang naging byahe.  Tiningnan ko ang aking Cartier watch at napagtantong alas singko na pala ng hapon. Manghang nilibot ko ang aking paningin sa paligid nang makapasok kami sa ground floor. Mamahaling mwebles ang bumungad sa amin at magara ang interior design. Agaw pansin din ang grand chandelier sa loob. I let out one satisfied sigh as a comforting feeling settled inside my chest. I was sure, I’d enjoy this whole vacation. Habang hinihintay si Jill na matapos sa receptionist, lumipad ang aking paningin sa papasok na lalaking naka-navy blue na Ralph Lauren polo shirt at jeans at nakasuot din ng aviator shades. Nakayuko ang lalaki habang napapalibutan ng limang unipormadong kalalakihan kaya hindi masyadong kita ang kanyang mukha. May mga nagkikislapang kamera na nakasunod sa mga ito na pawang nagmumula sa mga cellphone ng kababaihan. I could not help but raised my eyebrows at the scene. An actor probably, trying to enjoy his vacation in this hotel yet his loyal fan girls ruined it for him. Tsk! Minsan talaga wala na sa lugar ang ibang fans. Pero siguradong sanay naman na ang lalaking iyon sa atensyon na nakukuha. “Is that an actor?” hindi ko mapigilang mapatanong nang tumabi sa akin si Peter. Sinundan niya ang tinuro ko at pumalatak habang napapailing. “Hindi po, Ms. Lois. Isang sikat na politiko dito sa Vigan. Mula kasi ‘yan sa makapangyarihang angkan at may hitsura kaya maraming fans.” My eyebrows shot up at the mere mention of ‘politiko’. That explained the numbers of bodyguards surrounding him. I wanted to roll my eyes but I stopped myself. Unang araw ko pa lang dito sa dream city ko, may nakita na agad akong poilitiko na siyang nagpapaalala sa akin ng buhay na tinakasan ko sa Negros. Argh! “Ang daming fans! Iba talaga ang charisma ng mga Montoya!” Lumapit si Jill sa gawi namin at inabot sa akin ang key card ng magiging kwarto ko. “Marami ring kritiko. Halos pumapasan na nga yan ng krus dahil sa mga masasamang salitang binabato sa pamilya nila, eh.” Napailing si Peter habang sinusundan pa rin ng tingin ang papalayong lalaki. “May politiko bang walang kritiko? Ang mali lang kasi pinapasa sa kanya ng mga tao ang kasalanang nagawa ng kadugo niya!” Tahimik lang akong nakikinig sa sagutan ni Jill at Peter. As much as possible, I didn’t comment on things that were related to politics. Masyadong malalim ang sugat na iniwan nito sa akin and I really hated it. Well, not entirely. Nakita ko kasi kung paano tumulong si Lolo sa mga tao lalo na’t sa mga nangangailangan. “Napapasa ba ang kasalanan? Ano sa tingin mo, Ms. Lois?” Dalawang pares ng mga mata ang lumipad sa direksyon ko. Jill and Peter were looking at me expectantly, waiting for my answer. Bakit ako nadamay sa usapan nila? Tsk. Humugot ako ng malalim na hininga at hinigpitan ang kapit sa hawak kong shoulder bag bago hinarap ang dalawa kong kasama. “I don’t think so. Hindi naman namamana ang kasalanan… ang galit, oo.” And my parents were the proof of it. They paid for the anger directed to my grandfather. They paid them with their lives. Biglang sumikip ang puso ko at pumitik ang aking sentido nang biglang mag-flash sa aking isipan ang nakaraang hindi naman klaro sa aking isipan. I forced myself to stay calm and focused my attention to the present. “Anyways, shall we go?” Binalingan ko si Jill at pilit na ngumiti. Tsaka namang nagpaalam si Peter at may susunduin pa raw na bisita. “Ms. Lois, may complementary dinner po kayo mamaya sa restaurant ng hotel. Nasa kanang bahagi po nitong ground floor. Then if you want to relax, may outdoor pool po sa bandang likod. Free naman po ang schedule niyo ngayong gabi since bukas pa po talaga ang simula ng official tour natin.” I raised my palm to stop Jill from talking. Parang ako ang napapagod sa kanya, eh. Nagsisimula na ring sumakit ang ulo ko at dumadagdag sa kirot ang ingay ng paligid. Oh well, ang haba ng binyahe namin kaya expected na ang pagod at antok. Itutulog ko lang ito ng ilang oras at makababawi rin ang katawan ko. “I’d better sleep first, Jill. Will you accompany me to dinner later? We can night swim too. If you’re not busy. Okay lang din naman sa akin na ako lang,” I offered and gave her another gentle smile. She was very attentive to me in the entire duration of our travel and I wanted to give back the goodness she offered. “Ay! Hindi ko palalampasin iyan, Ms. Lois. Minsan lang akong magkaroon ng napakagandang company!” Puno ng excitement ang boses niya habang papasok kami sa elevator. Gusto pa akong ihatid sa hotel room ko. Gusto ko na rin sana siyang magpahinga pero masyadong mapilit kaya hinayaan ko na lang. “Okay. Just give me a call later. I really want to sleep right now.” Humikab ako at napahilot sa aking sentido. “Grabe! Kahit humihikab ang ganda niyo pa ring tingnan. Sana all talaga!” Napailing ako at bahagyang natawa sa reaksyon niya tsaka ko siya binalingan. “You are beautiful too, Jill. You jut have to open your eyes to really see your beauty.” “Ang bait niyo talaga, Ms. Lois!” Napahawak pa siya sa aking braso.  “Hindi masyado. Depende sa taong kausap ko. Mabait ka sa akin kaya mabait din ako sa ‘yo.” Lahat naman ng tao mabait pero nakadepende talaga ang ugali ng tao sa nakasasalamuha nila araw-araw at gano’n ako. “May pagka suplada ka nga, Ms. Lois, tsaka kanina napansin ko rin na very intimidating ka. ‘Yong command of power mo kasi very evident,” walang prenong komento ni Jill. Tumawa ako nang malakas dahil sa pagiging prangka niya. “I really like your attitude, Jill. Call me Lois from now on. Ang awkward kasi talaga ng Ms. Lois.” Parang naririnig ko ang boses ng assistant ni Lolo tuwing tinatawag akong ‘Ms. Lois’, eh. Kung hindi kasi ‘Madam’, ‘Miss’ naman ang tawag sa akin ng mga empleyado ni Lolo. Hindi ko na lang sila tinatama dahil sayang din sa energy. “Tsaka, I think, hindi naman naglalayo ang edad natin. How old are you, Jill?” “I’m 22 years old po. Fresh tourism graduate.” “Oh! I’m three years older than you lang pala. See! We could be friends.” “Talaga? Wow! Ang swerte ko naman yata ngayong gabi! Isang diyosang kaibigan ang binigay sa akin. Ay nandito na po tayo room niyo, Ms—Lois pala!” I shook my head amused and unlocked the door using my key card. Then, I opened it widely to allow her in but she only shook her head to me and offered me my luggage. “Sige po! Magpahinga na kayo. Tatawagan ko na lang po kayo mamaya. Naka-save po pala sa cellphone ko ang cellphone number niyo.” “Drop the formalities already. Thank you for today, Jill.” Tuluyan na akong nagpaalam sa kanya at sinarado ang pinto ng aking kwarto. My body was already seeking for the comfort of a bed! I lazily took off my shoes and jumped to the ocean of soft and well-arranged mattress and allowed it to wrap my body in a comforting embrace. The fresh fabric conditioner travelled through my nostrils giving me a moment of sweet nostalgia. My eyes started to get heavy and I immediately allowed sleepiness to consume me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD