Chapter 3

2099 Words
A SHIVER ran down my spine when my feet touched the water as I sat on the pool side. Ang ginaw naman yata ngayong gabi. Tanging pulang bikini lang ang suot ko kaya ramdam na ramdam ko agad ang ginaw, dagdagan pa ng lamig na nagmumula sa ihip ng hangin. Parang hindi rin yata sapat ang isang bote ng whiskey na pinagsaluhan namin ni Jill dahil unti-unting nawala ang pang-iinit ng katawan ko pero nanatili ang panghihilo ko. It took my body minutes to finally adjust to the cold-water dancing around my feet.  A satisfied air escaped my mouth and my lips formed into a relaxed smile as I look at my reflection on the clear water, in sync with the small ripples.  I closed my eyes and allowed the effect of the cold water massaged my tired feet. I wanted to feel the cold water in my entire body but I was afraid I didn’t know how to swim! Nevertheless, this was a total breather. A moment of sanity and peace escaped my entire system when my ears acknowledged the noise coming from two voices right behind me. Sa tono ng desperasyon sa boses ng babae at sa iritasyong nakakabit sa bawat salitang binibitawan ng lalaki, masasabi kong nasa isang hindi pagkakaintindihan ang dalawa. Were they lovers? Damn! Sa lahat ba naman ng bubulabugin ng nonsense issue nila, ako pa na nananahimik dito. Gusto ko man silang silipin, hindi ko magawa dahil baka mapansin nila ako at mabansagan pa akong isang ‘marites’. Instead, I looked around for Jill but my eyes could not get a hold of that lady. I asked her to get more drinks for us, she declined at first afraid that I might get a hangover tomorrow and I could not enjoy our tour but I managed to convince her. Kailangan ko ring maglasing ngayon para makatulog nang mahimbing dahil hindi agad ako nakatutulog kapag first time ko sa isang lugar. I would for sure enjoy the tour if I’d had an eight-hour sleep. “Ano pa ba ang kulang? We’re good friends, we’re in the same line of work and our families are both powerful. We can definitely work this out, Adie!” Napakunot-noo ako at hindi ko mapigilan ang magpaikot ng mga mata dahil sa mga salitang narinig sa babae. She sounded so hysterical, desperate even, as if she was running out of time. Ang lapit na rin nila sa akin kaya mas narinig ko pa nang todo ang usapan nila. This was not eavesdropping, they were actually trespassing my personal space! “Sof, we can’t work out. Kahit anong pilit mo, hindi ako makikipag relasyon sa ‘yo. If there’s one thing that will be between us it will only be politics. That’s just it.” Ang tigas ng boses ng lalaki at hindi ko mapigilan ang mapataas ang isang kilay. He sounded so stern and unreachable. Parang ako ang nahiya sa paraan ng pangre-reject niya sa babae, eh! “C’mon, Adie! After all these years? Don’t tell me na kahit konti lang hindi ka na-attract sa akin?” “I already set the record straight from the beginning. I don’t want another politician in my life. I’m so tired dealing with all the mess in my life, with all the negative stuff politics brought to my family, Sof. I know you understand.” “I can leave politics if you want, Addie! Just please give me a chance!” So, they’re politicians, huh! Hindi talaga ako nilulubayan ng salitang ‘yan. I could not believe how people in politics were willing to compromise love just to keep their status intact. Bakit ba mas mahalaga ang posisyon kaysa relasyon? Kahit anong pilit kong intindihin, mananatiling isang palaisipan ito sa akin. Hindi ko rin maiwasang hummanga sa tapang ng babae. Hindi biro ang bitawan ang isang bagay na gusto mo para lang sa lalaking iniibig. If I’d meet someone who would leave politics just to be with me, I’d keep him and fight for him too. Pero hindi naman pare-pareho ang lahat ng tao. Bago pa ako mayamot at tuluyang masira ang gabi ko, nagdesisyon akong lisanin ang lugar at hayaan sa dalawang taong napakalaki ng problema. Pilit kong pinapakalma ang sarili dahil unti-unti nang umiikot ang paningin ko. Pero kaya ko pa naman. Saan na ba kasi si Jill at bakit ang tagal niyang makabalik. “Addie, wait! Please!” Parang maghahabulan pa yata ang dalawa. We’re they for real or were they some celebrity shooting a teleserye? I turned to the pool chair near me to get my cover-up when a force shoved me away making me lose my balance. Panic surged through my entire body as my hand instinctively reached for something to hold on to but I grabbed nothing. Seconds passed, a big splashing sound erupted in the vicinity of the pool area as my body succumbed to the cold water. I tried to pushed back my feet, wanting to survive the deadly current pulling me down but the water started to invade my nostrils and lungs as if invisible hands trying to choke me to death. Damn! This was not a good way to die! I tried to shout for help but water crashed my mouth once again. I was in the middle of fighting for my life when I felt two strong hands around my waist, helping me up. Guiding me off the water. Habol-habol ang hiningang napakapit ako sa leeg ng sumagip sa akin, hindi alintana kung isa man siyang estranghero at hawak ang baywang ko. As of this moment, he was my savior and I owed him my life. I wanted to cry in relief when my body felt the concrete floor. I opened my eyes but the entire surrounding was too dark and my head started to spin and ache once again. Biglang naging madilim ang pool area pero nakarating pa rin sa pandinig ko ang bulong-bulungan sa paligid. Nakatawag pa yata ako ng atensyon. Pero bakit biglang namatay ang mga ilaw? Kahit led lights na nakapaligid sa pool nakapatay na rin. “I’m sorry about that. Are you okay, Miss?” “No! I almost die!” I exclaimed in between fear and relief. I tried to look at the man’s face but I could not see him clearly. “You’re safe now,” pabulong na sambit ng lalaki. Siya yata iyong kasama ng babae kanina! Damn! Nadamay talaga ako sa gulo nilang dalawa. Pero ayoko naman siyang awayin dahil niligtas niya pa rin ako. “Thank you for saving me.” I reached for his hand and squeezed it. Tila nawala ang ginaw na nakapalibot sa aking katawan nang maramdaman ang init na nagmumula sa kanyang balat. Biglang may pumulupot na isang tuyong towel sa katawan ko at agad akong nakahinga nang maluwag dahil nabawasan ang panlalamig ko. “Miss? Can I bring you to your hotel room?” Isang boses babae ang agad na narinig ko. Unti-unti rin binawi ng lalaki ang kamay niyang hawak ko at lumayo sa akin. Gusto ko pa sanang magprotesta pero agad na kinuha ng babae ang atensyon ko nang alalayan niya akong makatayo. “Thank you…” wala sa sariling sambit ko habang sinusundan ng tingin ang pigura ng lalaking paalis na. Nagkibit-balikat na lamang ako at pinagsalamat na buhay ako at hindi tuluyang nilunod ng tubig. Damn! I won’t get near pools again nor with couples on an LQ!   NAALIMPUGATAN ako dahil sa nag-iingay kong cellphone at napabalikwas ng bangon nang mapagtantong ngayong araw ang simula ng tour namin. Hindi ko mapigilan ang mapamura at mapasapo sa aking sentido nang biglang may maramdamang kirot doon. Pilit kong inabot ang aking cellphone at inaninag ang caller ID. Kailangan ko pang lakihan ang aking mga mata para lang makita ang screen dahil parang ang bigat pa rin ng mga talukap ko Nang mapagtantong si Jill ang tumatawag mabilis kong sinagot habang tumatayo mula sa pagkaka-upo sa kama. “Jill!” I ran to my luggage to get my outfit for today before running to the bathroom. Nagpa-panic na ako dahil masyado nang mataas ang araw na nakasilip mula sa bintana ng hotel room. “Ms. Lois! Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko! Naku po!” Napakunot-noo ako habang pinapakinggan ang boses ni Jill sa kabilang linya. May bahid iyon ng pag-aalala at takot kaya unti-unti akong napatigil sa paglalakad. “Why? What’s wrong?” “More than one-hour na po kaming naghihintay sa inyo at nagrereklamo na po ang ibang tourists… wala po akong nagawa kasi po nasa rules na…” I almost let out a curse but I stopped myself because Jill might misunderstand my sudden outburst. They left me! Of course, walang special treatment sa lugar na ito. Isang ordinaryong turista lamang ako rito. Damn! Kung hindi lang kasi ako muntik nang nalunod kagabi at sobrang nabugbog ang katawan ko sa magkahalong panic at takot, sana maaga akong nagising ngayong araw! I was drunk, drained and I overslept. And now, I was left in this hotel while my fellow tourists were on their way to enjoy this whole place! What now? “Ms. Lois?” untag ni Jill na siya namang nagpabalik ng atensyon ko sa kanya. “Malayo na ba kayo? Is there any other way na makahabol ako?” “Ms. Lois, 1 PM na po. Nasa kabilang city na kami at dito na rin magche-check in. Iyon po ang nakalagay sa itinerary natin.” I heaved a deep frustrated sigh and tried hard to calm myself. Kasalanan talaga lahat ng ito ng lovers na iyon, eh! Nadamay pa ako sa kamalasan nila! Argh! “We could refund po half of your payment, Ms. Lois.” Nahimigan ko ang takot at pagkataranta sa boses ni Jill. I could imagine her biting her nails. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa imahe niyang naglalaro sa isip ko. Buti na lang at ang bilis na gumaan ang loob ko sa kanya. “Get the money and keep it, Jill. I’ll be fine. Siguro I’ll tour on my own na lang. I have Google to guide me naman. It’s really nice meeting you. Thank you for accommodating me even for a short time.” “Ms. Lois! Na-guilty tuloy ako! Sorry po talaga at hindi ko na po kayo naakyat kanina sa kwarto niyo. Wala kasing ibang maiwan sa mga guests.” “It’s fine, really. Don’t worry about it. Enjoy tour. Send me pictures,” pagbibigay ko ng kasiguraduhan at tumawa nang bahagya. Umupo ako sa sulok ng bath tub at pinaandar ang gripo. Since, I’d be stuck here, I’d better enjoy a bubble bath to relax my body. I badly needed this, after all. “Will do po. Bye, Ms. Lois! Hope to see you again!” “It’s great meeting you too.” What I love about meeting stranger was their authenticity towards me. Walang sugar-coating ang mga salita dahil hindi nila ako kilala at hindi iniisip ang pinanggalingan ko. Kaya minsan ang hirap ding i-apply sa buhay ang kasabihang ‘Don’t trust a stranger’, eh. Strangers never judge easily and it was so easy to open up to them. Sa huli, pinili ko na lang ang mag-enjoy habang nakababad sa bathtub. Looking at the bright side, I could actually enjoy every moment of my stay here in Vigan now that I had all the time to myself. Mas may advantage nga naman ang magbakasyon na walang ibang kasama dahil hindi ko kailangan mag compromise sa oras. Masyado ko lang talagang minadali ang pag-alis sa Negros kaya pinatulan ko agad ang unang nakitang tour offer sa internet. Buti na lang at legit tour agency ang nakita ko. Iyon nga lang medyo malungkot pero keri na rin. Sanay na rin naman akong mag-isa dahil sa estado ng buhay ko, mahirap ang mag establish ng real friendship lalo na’t may taglay na kanya-kanyang agenda ang mga tao. May mga naging kaibigan naman ako pero mga seasonal friends lang, I never had someone that stayed. I bet I was cursed to be alone. ‘Sad girl, yarn?’ Wala ring magagawa kung maging nega ako sa mga nangyari sa akin sa araw na ito. I should not allow simple negativities hinder me to enjoy my vacation in this dream city. Kaya maglilibot pa rin ako mamaya. I opened my eyes and reached for my phone, thinking of what nice place to visit that is just near my hotel. Kailangan ko rin palang mag-extend ng stay sa hotel na ito. Mapapagastos na naman pala ako.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD