Chapter 4

2015 Words
After I finished my breakfast at the hotel’s restaurant, I immediately took a cab and asked the driver to bring me to the famous Calle Crisologo. I heard good things about that place and I have seen several good pictures featuring the famous establishments there. It was really one of my dream places and my heart beat extremely fast as I drew near the place. I loved how that place preserved the history of our country.  My lips formed into a wide smile as my sight landed on the old prehistoric building that was made of white rocks. An existing proof of freedom from oppression, a symbol of light from a once dark era of this country. Agad kong inabot mula sa pagkakasuot sa aking leeg ang aking camera at tinapat iyon sa bintana ng Taxi para kunan ang mga naggagandahang establishments na nadadaanan ko. Hindi ko rin mapigilang manlaki ang mga mata nang may biglang dumaan na kalesa. I never seen one in real life. Wala na kasing ganoon sa Negros. Pero hindi ko rin mapigilan ang makaramdam ng awa sa hayop. “Ma’am, nandito na po tayo. Pwede na po kayong bumaba mula rito tapos maglakad-lakad na lang po kayo hanggang sa may makita kayong road sign ng mga kalye. Kung gusto niyo pong magpakuha ng litrato, Ma’am, pwedeng-pwede po kayong makisuyo sa mga tao diyan at mababait naman po sila…” I glanced at the cab driver and gave him an appreciative smile. One thing I loved about traveling were the genuineness of locals. Hindi talaga maikala sa mga Pinoy ang pagiging hospitable. Alam kong may mga Pinoy rin namang mapagsamantala sa mga turista kahit kalahai pa nila pero mas lamang pa rin ang mga may mabubuting puso. “I will take note of it po. Maraming salamat, kuya!” I was relieved to feel the warm sun touching down my skin as I went out of the cab.  I inhaled the fresh Vigan air and allowed it to wrap my heart with so much excitement. The entire place was a sight to behold taking away all the negative feelings I once encountered earlier today. Manghang nilibot ko ang aking paningin sa paligid at daig ko pa ang namamasyal sa Spain dahil sa mga Hispanic architecture na nadadaanan ko sa magkabilang bahagi ng daan. I’ve been to different countries before but I never visited Spain. I haven’t even explored my own country. Finally, I reached the famous Calle Crisologo. A glimmer of satisfaction filled my heart as I read the road sign at the right corner of the road. May mga nagdadaanang kalesa rin at parang naeengganyo akong sumakay. May iilang taong nagpapa-picture, siguro mga katulad ko ring bakasyunista. Ang pinagka-iba ko lang sa kanila, mag-isa lang akong namamasyal. Sila, kung hindi pamilya at magbaabrkada, magkasintahan. ‘Edi, sanaol!’ Ilang munito lang ang nilagi ko sa Calle Crisologo dahil unti-unti nang dumadami ang mga tao at halos hindi na ako makasingit para makapagpa-picture. I’d better go back next time. Nagpasya akong pumasok sa Crisologo Museum pero hindi na ako nagulat pa sa mga antigong mga kagamitan dahil sikat din naman ang Negros sa mga museums nito na siyang dinadayo rin ng mga bakasyonista. Pero kung may isang bagay man akong nagustuhan sa mga museums, iyon ay ang kasaysayan ng mga pamilyang nagmamay-ari ng bahay at ang kwento sa kung paano sila naging matagumpay sa pagtanggol ng bayan laban sa mga kastila noong unang panahon.  Nang makontento ako sa mga larawang kuha ko, agad kong nilisan ang museum at tsaka lumabas. Nilasap ko ang sariwang hangin na humalik sa aking pisngi nang tuluyang makabalik sa payapang kalye. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at napansin kong tahimik doon tsaka ko napagtantong sa likod na bahagi pala ako ng museum dumaan palabas. Nagkibit-balikat na lamang ako at nagdesisyong ipagpatuloy ang pamamasyal. So far, I had no regrets exploring the place on my own. Waking up late was a blessing in disguise after all. Siguro kung nakasama ako sa tour, marami na akong naipong sama ng loob o kaya’y hindi ko makasundo ang mga kasama ko. I was still strolling along the empty road when everything started to move in a slow motion. My eyes went wide as ticklish surge of energy swirled inside my stomach and crept up to my heart making it beat with so much fear. I wanted to move but my feet stayed rooted on the ground as if a Mighty Band glued them together. Then, a deafening sound honked and screeched from a stopping tire bombarded my ears. I raised my hands to protect myself from the possible impact and when I finally had the strength to pull away, my feet trembled and I feel down on the concrete road. Damn it! “Ouch!” Nasapo ko ang nasaktang braso habang nakaupo sa semento. I scraped my elbows but thank goodness there was no evident blood in it. Medyo masakit din ang balakang ko dahil sa impact ng pagkatumba ko. Kagat-labing unti-unti akong tumayo. Tinapunan ko pa ng masamang tingin ang nakahinto nang puting Toyata Fortuner sa harap ko. Bakit ba kasi kailangang dito dumaan ang sasakyang ito? Sa tingin ko naman hindi ito ang usual na dinadaaanan ng mga sasakyan dahil ito lang ang sasakyan na nandito ngayon. Pilit ko pa ring hinihipan ang unti-unti nang humahapdi kong sugat. Hindi alintana ang ingay na nagmumula sa papalapit na mga yapak. “Miss? Okay lang po kayo? Hindi po kayo nasaktan?” Concern was all over the guy’s voice but I didn’t give my attention to him. Instead, I took out my hanky and tried to cover the scrape on my elbow before it drew out blood. Huminga ako nang malalim bago binigay ang atensyon sa lalaking lumapit sa akin. I wanted to raise my brows at how neat his hair was. He was also wearing specs that added up to his respectable image. Lihim kong pinasadahan ng tingin ang kanyang kasuotan at hindi nakatakas sa mga paningin ko ang kulay abo niyang polo at itim na slacks. A family driver? He was too young for a driver, though. “Miss?” untag ng lalaki sa akin at pilit na hinuhuli ang mga mata ko. I looked straight into his eyes and raised my eyebrows at him. “I’m not fine. As you can see. May sugat ako.” I tried my very best not to sound irritated. Bigla kong naisip na turista pala ako sa lugar at baka mapahamak pa ako. “Pasensya na. Nagmamadali kasi kami dahil may hinahabol kaming conference. Hindi ka agad nakita ng driver namin,” mahinahong paliwanag ng lalaki. He sounded so convincing and sincere but I my blood started to boil for no reason. “Next time kasi, dumaan kayo sa tamang daan.” “Next time, huwag kang pakalat-kalat sa gitna ng daan.” Kunot-noo akong napalingon sa biglang nagsalita at nahigit ko ang aking hininga dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa. Muntik pa akong matumba ulit dahil sa biglaan kong pag-atras pero biglang naging maagap ang lalaking bagong dating. A warm sensation ran through the thin fabric of my white dress and crept to my skin, making my heart skip a beat because of the unfamiliar yet comforting feeling coming from his arms on my waist. Kunot-noong nag-angat ako ng tingin para pagsabihan sana ang lalaki pero agad na umurong ang dila ko nang magtama ang aming mga mata. There was something in his coffee brown eyes, thousands of emotions were playing there but were all carefully guarded. As if the owner was afraid to let go of them or he might get himself in danger, yet those eyes, as they pierced to mine, could see through my soul. Halos mag-iisang linya na lang ang makapal niyang kilay. A shadow of irritation was visible on his thin red lips. Damn, he was awfully handsome! If the first guy looked respectable, this one looked charismatically commanding. He was wearing a casual office attire. The usual polo and slacks attire minus the business suit. Parang mas mataas ang estado niya kaysa sa naunang lalaki. His aura was powerful. His warm palm that were comfortably wrapped around my waist slightly moved making me fully aware of our current situation. “If you mind?” He sounded so serious and formal. Tunog suplado! Umayos ako ng tayo at tumikhim. Pilit na pinapakalma ang mabilis na pintig ng aking puso na ngayon ko lang napansin. Halos umabot pa nga sa pandinig ko ang tunog ng bawat t***k nito. Maybe from the panic and adrenaline rush I felt a while ago. I thought I’d get hit by the car. Muntik na akong masagasaan! Muntik na akong mamatay! Oh my God! Agad na lumipad ang dalawa kong kamay sa aking bibig nang mapagtanto ang maaaring kahinatnan ko kung hindi naagapan ng driver ang pagmamaneho. Pangalawang beses na akong napahamak at wala pang twenty-four hours ang lumipas nang muntik na akong malunnog sa pool! “Wala bang masakit sa ‘yo, Miss?” untag ng unang lalaking kumausap sa akin kanina. Ang mabait! Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pinakiramdaman ang aking sarili. Wala namang masakit sa katawan ko maliban sa natamong scratches at ngilo sa balakang! “Fix this immediately, Luke. I’m getting late for my meeting. Marami nang taong nagkakagulo sa labas ng hotel.” The grumpy guy turned his back at us and walked to his car. Ang kotse niyang muntik nang pumatay sa akin. “You could have me killed!” bulalas ko nang tuluyang makabawi sa gulat. Napasapo pa ako sa aking dibdib bago nagpakawala ng malalim na hininga. Buti na lang at konting galos lang ang natamo ko. “We’re really sorry, Miss. Here. This is my contact card. Tawagan mo na lang ako. Importante lang talaga ang naghihintay sa amin na meeting. Just… call me and I will answer to your needs.” Tinanggap ko ang card na inabot ng lalaki at pilit na inaalala ang mga sinabi niya. Sa sobrang bilis ng bawat bigkas niya sa kanyang salita, tanging ‘call me’ and ‘needs’ lang ang nakuha ko. “Konting favor din sana, Miss? Sana hindi makarating sa media ito. Pangako, hindi matatapos ang araw na ito, ipapa-check agad kita. Sadyang wala lang akong matawagan na tauh—” I raised my palm to stop him from talking dahil sumasakit na rin ang ulo ko sa boses niya na parang may humahabol. “I’m good. I’m good.” Hindi ko rin naman maintindihan kung bakit niya nasabing ilalabas ko sa media ang nangyari. Hindi ko nga sila kilala. “Luke! C’mon!” sigaw ng supladong lalaki. Hinid ko mapigilan ang tapunan siyang ng nakamamatay na tingin. Siya pa talaga may ganang magalit!   The grumpy guy’s attention was still on us. He stole one glance at me and wore his aviator shades before he opened the car’s door. “Pasensya na talaga. Alam mo namang mabait si Cong. Sadyang nagmamadali lang talaga kami ngayon. I’ll see you later, Miss.” Nahihiyang ngumiti ang mabait na lalaki at tumkbo pabalik sa kotse. Wala pa rin akong maintindihan sa mga sinabi niya pero kung makapagsalita siya parang kilala ko sila, ah! O sadyang feeling close lang talaga ang mga tao rito sa Vigan? Napatalon pa ako sa aking kinatatayuan nang biglang bumusina ang sasakyan at nagsimula nang umusad. Mabilis akong naglakad papunta sa safe zone at tinapunan ng naiiritang tingin ang papalayong sasakyan. Bakit ang suplado ng lalaking ‘yon? Sila na nga may kasalanan. Tss! Siguro kung hindi ako dayo, inaway ko na sila! Pero kailangan kong maging mabait dahil hindi ko kabisado ang lugar at ugali ng mga tao rito. Pumikit ako at pilit na pinapakalma ang aking sarili. I tried to draw in positive energy through repetitive breathing but my eyes abruptly opened when those deep-set coffee brown eyes crashed the inside of my head making my heart beat intensified. Damn! Bago sa akin ang pintig ng puso ko. Baka dahil sa magkahalong takot at inis?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD