SA READING ng last will and testament ng abuelo ay naroon si Eira kasama ng mga kapatid sa ama. Wala siyang interes sa mana niya mula kay Lolo Alfonso. She had everything and more. Mas kailangan niya ng pamilya pero sa kung anong dahilan, iyon ang nawawala sa kanya. Dumaan lang sa pandinig ni Eira ang mga binabasa ni Attorney Ferrer. Isa-isa niyang narinig ang mga pangalan ng kapatid na kinabitan ng mana mula sa kanilang Lolo Alfonso. Hindi niya alam kung ano-ano ang iniisip ng mga kapatid nang mga sandaling iyon. Pangalan ni Eira ang huling binanggit ni Attorney Ferrer kasunod ang mga iniwan ng abuelo para sa kanya. Hindi na niya pinakinggan lahat. Hindi siya interesado sa anumang makukuha niya. Kung may gusto man sa mga kapatid niya na kunin ang mana ay ibibigay niya. Hiling niyang san

