Two

1582 Words
Mahabang oras ang naging pag-uusap nina Attorney Virgil at Attorney Guzman. Umalis pa ang dalawang abogado na magkasabay nang araw na iyon at hapon na bumalik sa farmhouse. Bumalik lang si Attorney Guzman para sa confirmation niya—na pupunta siya ng Sagada para makilala ang mga bago niyang kapamilya. Tulad ng maraming estranghero na nakilala ni Eira, kinunan niya ng stolen shot si Attorney Guzman, na nahalata nito kaya bumaling sa kanya na napapangiti—inulit niya ang pagkuha ng picture. Na-capture ng camera ang ngiti ng abogado. Pagkaalis nito ay masinsinan silang nag-usap ni Attorney Virgil. Gusto niyang makita at makasama ang sinasabi ni Attorney Guzman na mga kadugo niya pero kailangan muna niyang marinig ang opinyon ng abogado. Wala na ang lola niya, sa sitwasyon ni Eira ngayon, ang abogado ang una sa listahan niya ng mga taong pinagkakatiwalaan. Alam niyang hinding-hindi siya nito papayagang umakyat ng Sagada kung hindi sigurado ang impormasyong nalaman nila. "Susunduin ka nila sa Baguio, sweetheart." ang sinabi ni Attorney Virgil habang magkatabi na sila sa bakuran, tinatanaw ang papalayong sasakyan ni Attorney Guzman. "Don't worry, ihahatid kita sa Sagada." Kung ganoon, totoo pala ang lahat ng mga nalaman niya. At para personal siyang ihatid ni Attorney Virgil, may inaalala ito. Gusto nitong makita mismo ang sinasabi ni Attorney Guzman na mga bago niyang kapamilya. "Okay..." mababang sabi niya. Nagpagiya siya sa abogado hanggang sa sofa kung saan sila magkasunod na umupo. "May seven sisters daw ako," sumandal siya sa backrest at tumingala. "More than twenty-years, Attorney H, naniwala akong si Lola Stef lang ang pamilya ko." "Naniwala tayong lahat," sabi naman ng abogado. "Pareho lang kami ng nalaman ni Lola Stef tungkol sa tunay mong ama." "Paano ako naging isang Banal? Serafico Magpugay ang name ng Papa ko, alam mo rin 'yon, 'di ba?" Marahang tumango ang abogado. "Sasagutin kita kapag may konkreto na akong impormasyon." Mahabang katahimikan ang dumaan sa pagitan nila. Nakatitig lang siya sa itaas habang ang abogado ay diretso naman sa isang bahagi ng dingding ang titig. "Worried ka ba, Attorney?" tanong ni Eira. Sa tagal niyang nakasama ang abogado ay kilala na niya ito. Nag-aalala si Attorney Virgil, kung hindi ay sigurado siyang kanina pa ito umalis sa tabi niya. "Isang kilalang pamilya sa Sagada ang mga Banal. Walo kayong magkakapatid na darating sa mansiyon. Iba-ibang pinanggalingan, iba-ibang ugali, iba-ibang intensiyon at dahilan sa pagpunta." Tumigil ang abogado at narinig niyang bumuntong hininga. Gustong sabihin ni Eira kay Attorney Virgil na huwag mag-alala pero hindi niya nagawa. Siya man ay hindi maiwasang kabahan. More than twenty years na sila lang ni Lola Stef ang naging magkapamilya... Ngayon, bigla may bago siyang kikilalaning pamilya? Gusto iyon ni Eira. Gustong-gusto niya pero kailangan rin niyang isipin ang mahigit dalawang dekadang lumipas na wala siyang kahit anong narinig sa mga ito. Bumaling siya sa abogado. "I'll be fine," sabi niya sa mababang boses. "Babalik ako sa farmhouse na walang galos. Hindi na ako ang baby ni Lola na lagi mong sinasagip sa mga bully sa school at sa mga boys." "Hindi ka pa handa sa mga ganitong usapin sa pamilya. Napakabilis mong magtiwala. Hindi mo nakikita ang itim na bahagi ng mundo. You're too trusting and—" "Naive?" agap niya. "And young? And innocent? And—" hindi na niya itinuloy ang mahaba pa sanang idudugtong niya. Nag-exhale na lang siya. Laging naririnig iyon ni Eira mula rito—na ang bata pa niya, na inosente niya, na maganda lang ang nakikita niya sa paligid kaya vulnerable siya sa mga mga bad forces attack—na para bang kung puwede lang ay lagi itong nasa harap niya para kung anuman ang maaring makasakit sa kanya ay tatanggapin muna nito bago hayaang tumagos sa kanya, walang ipinagkaiba sa kung paano siya protektahan ng Lola niya. "Kaya ko na ang sarili ko, Attorney H. Wala na si Lola Stef, kailangan masanay na ako, 'di ba? Tinitigan lang siya ng abogado. "Kaya ko na," patuloy ni Eira. "I guess, kaya ko na..." kasunod ang marahang pagngiti. Hindi niya gustong bigyan pa ito ng dagdag na alalahanin. Marami na ang inaalala ni Attorney Virgil, mga responsibilidad na dapat ay sa kanya talaga. "Hindi ako magiging careless, Attorney, promise!" ILANG segundong napatitig si Eira sa paper bag na inabot sa kanya ni Barbie. Weapon daw ang laman ng paper bag ayon sa kaibigan niyang gay na kanina pa exaggerated ang fake na iyak. Kung umarte si Barbie ay parang sa ibang planeta siya pupunta. Sumama pa talaga ito sa kanila ni Attorney Virgil sa Baguio. "Weapons?" ulit ni Eira. "Para saan, Barbie?" "Ay, para sa mga kapatid mo. Ramdam kong excited kang ma-meet sila. Excited kang magkaroon ng bagong pamilya kaya gora, teh!" "Eh, bakit may weapon kang pabaon?" pinipigil niyang mapangisi nang maluwang. Kahit hindi pa niya nakikita ang laman ng paper bag, sigurado siyang pulos kalohokan ang nasa loob niyon, mga kalokohan ni Barbie na nakapagpapatawa lagi sa kanya. Malaking tulong ang presence nito sa tabi niya para maibsan ang lungkot na iniwan nang pagkawala ng mahal niyang abuela. Inilahad ni Barbie ang mga braso sa ere, nag-ala-ballet dancer na nag-perform on ice, may nginig effects pa. Umikot nang umikot bago huminto sa harap niya. "Lyrics." "Lyrics ng?" susog ni Eira. Sa halip na sumagot ay inilahad uli ni Barbie ang mga braso at umikot-ikot habang kinakanta ang Do You Wanna Build A Snowman sa lenguwahe na bago sa kanya pero kakatwa ang tunog kaya napangiti siya. Ilan sa mga salitang narinig niya ay paminsan-minsang ginagamit ni Barbie sa pag-uusap nila, na kailangan niya laging linawin kung ano ang kahulugan. "Beki version 'yon, ateng! Bet Mo bang Mag-do ng Snowman?" at nag-beautiful eyes ang bading. Nagkaroon ng tunog ang tawa ni Eira. Hinampas niya sa balikat ang kaibigan na OA namang tumili. "Ano'ng gagawin ko sa Bet Mo Bang Mag-do ng Snowman?" "Aba, kailangan mong maghanda!" tumigil na si Barbie sa harap niya. "May pito kang kapatid sa ama. Sigurado, may mabait sa mga iyon pero may bruha rin. Kantahan mo ang mabait at sampalin mo ng yelo ang bruha!" umangat pa ang mga kilay nito. "Wala namang yelo sa Sagada—" "Isipin mo, meron!" agap kaagad nito. "Huwag kang magpapa-api, ha? Alam kong hindi mo kayang manakit kaya kapag inagrabyado ka nila, text mo ako. Ako ang sasampal sa bruha para sa 'yo, maliwanag?" Tinawanan lang niya ito. Hindi siya naniniwalang aapihin siya ng mga half-sisters niya. Magkakapatid sila. Tunay na magkakadugo. Pamilya. Bakit siya aapihin? Lumipat kay Attorney Virgil ang tingin niya, kausap nito ang driver ng van na sundo nila—si Manong Samuel, nagpakilalang driver ng pamilya Banal. Isa sa mga kapatid niya ang personal na sinundo ni Attorney Guzman, ayon kay Attorney Virgil. Magkakasabay raw ang dating nila ng ilan pang kapatid niya na wala pa sa poder ni Don Alfonso Banal. Nag-usap pa nang ilang sandali ang dalawa habang siya naman ay nagpaalam na kay Barbie. Nasa biyahe na sila nang mga sumunod na sandali. "May sakit si Lolo?" biglang baling ni Eira matapos niyang marinig ang sinabi ni Attorney Virgil, mula raw ang impormasyon kay Attorney Guzman. Isa sa mga dahilan ang kondisyon ng matanda kaya hindi nila dapat patagalin ang pagpunta ng Sagada. Ramdam na ramdam pa ni Eira ang sakit at lungkot na iniwan ng pagkamatay ni Lola Stefania na pilit lang niyang pinagtatakpan. Pilit niyang ibinabaling sa iba ang atensiyon para hindi siya gaanong malungkot. At ngayon naman, ang inaasahan niyang bagong kapamilya ay may sakit rin? Mang-iiwan rin ba ang newly-found lolo niya? "S-Sakit? Ano'ng sakit?" Hindi agad nakapagsalita ang abogado. Sa mga ganoong pagkakataon ay alam agad niya na gusto nitong itago ang impormasyon. "Attorney H!" Bumuntong-hininga ito. "Cancer." Malakas ang naging pagsinghap ni Eira. Sa ikalawang pagkakataon ay mawawalan ba uli siya ng isang kadugo? Ang mas masakit, isang kadugo iyon na hindi man lang niya nakasama. Natagpuan niya ang sariling nakatutok ang tingin sa tanawing nilalampasan nila, nag-iisip kung bakit kailangang maging ganoon ang kuwento ng buhay niya. Sa huli, pinilit pa rin ni Eira na tingnan ang positive side ng sitwasyon—na makikilala parin niya ang mga bago niyang kapamilya. Nasa mansiyon na si Eira nang ma-confirm niya kay Aunt Carrie ang sakit ng lolo nilang walo—lung cancer. At ang ama naman nila ay nasa ospital at comatose. Gusto niyang manghina. Pamilyar na takot at kaba ang lumukob sa puso ni Eira—takot na naramdaman niya noong nasa ospital rin si Lola Stefania. Gusto niyang magtanong sa kawalan kung bakit hindi pa man nabubuo ang pamilyang dinatnan niya sa Sagada ay may banta agad ng mga kadugong maaring mang-iwan? Pinilit na lang niyang itutok ang atensiyon sa positibong bahagi ng sitwasyon—na may pito siyang kapatid sa ama. Isa nga si Eira sa Banal sisters. Apo nga siya ni Don Alfonso Banal Sr. Nahinuha niya na gumamit lang ng ibang pangalan nang lumapit sa ina niya ang kanyang tunay na ama. Walang totoong Serafico 'Spike' Magpugay. Isang kasinungalingan lang ang pangalang iyon. Ang tao sa likod ng pangalang iyon ay si Alfonso Banal Jr. Nahiling ni Eira na sana ay kasama pa niya ang ina o ang abuela nang sa ganoon ay may mga sasagot sa maraming tanong sa isip niya. Pero si Attorney Virgil na lang ang kasama niya ngayon na maaring maghanap ng mga sagot para sa kanya. Si Attorney Virgil na kinausap si Aunt Carrie bago umalis ng Sagada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD