HINDI pinansin ni Eira ang narinig niyang busina. Tuloy-tuloy lang siya sa paisa-isang mga hakbang. Papalubog na ang araw nang sandaling iyon. Galing siya sa ospital. Hindi na lang ang ama nila ang naroon, ganoon rin ang kanilang lolo na inatake ilang araw pa lang sila sa Sagada. Hindi siya makapaniwala na ang bagong pamilya na pinuntahan niya para mapunan ang nararamdaman niyang kakulangan ay tila isa-isang mang-iiwan. Pang-ilang araw na iyon na pabalik-balik siya sa ospital. Pamilyar na pamilyar ang pakiramdam... Sa huli ay hindi na kinaya ni Eira. Nagbalik lahat sa kanya ang pakiramdam noong si Lola Stefania ang nasa ospital. Hindi na naman siya makahinga kaya kinailangan niyang iwan ang ospital at lumabas. Kay Ate Yumi siya nagpaalam. Si Manong Samuel na laging handang maghatid at s

