ISANG tahimik na mansion ang inabutan ni Eira pag-uwi niya. Kung sino sa mga kapatid niya ang nasa sariling silid na o sino ang wala ay hindi niya matiyak. Si Aunt Carrie ang inabutan niyang gising pa. Ang stepmom at si Nanay Nonita ang sumalubong sa kanya pagdating nila ni Manong Samuel. Sandali silang nag-usap ni Aunt Carrie. Nagtanong ito tungkol sa paglalagi niya sa gulayan. Sa payo ni Attorney Virgil ay wala nga siyang pinagsabihan tungkol sa proviso. Ilang beses na nagtatanong sa kanya ang madrasta na walang nakuhang sagot. Lagi siyang umiiwas. Lagi rin na humahanap ng pagkakataon si Aunt Carrie na muli siyang tanungin. Hindi niya gustong isipin na interesado ito sa proviso na kakabit ng mana niya pero paulit-ulit na. Tuwing uuwi siya ay laging naghihintay ang tanong nito—parehong t

