(After 14 Years...) KLEI'S POV: "Klei, nasa'n ka?! Hindi ka pa ba uuwi?!" "Ano bang nakikita ninyo? Wala ba akong ginagawa? Kung gusto ninyong umuwi, then go! Huwag na ninyo akong hintayin pa. Baka mabugok pa kayo kakahintay!" Pagpapalayas ko sa mga ito habang nakapokus pa rin sa aking pagsusulat. Pero itinaas ko ang aking kanang kamay na may hawak na ballpen at saka kinaway-kaway pa iyon upang makita na nila kung saan ba ako nakapirme. Kanina pa sila sigaw nang sigaw sa pangalan ko. Nandito lang naman ako sa ibaba ng lamesa ni Madam dahil hindi ako komportable sa upuan ko kapag nagsusulat ako. Gusto ko talaga na may sinasandalan ang aking likuran. Uwian na namin sa last subject sa pang-hapon. Hindi ko kaeskwela ang kakambal ko pero mabuti na lang may mga naging kaibigan na rin ako.

