bc

LIGHT BENEATH THE DARK

book_age16+
312
FOLLOW
1.0K
READ
adventure
reincarnation/transmigration
badgirl
brave
tragedy
twisted
bxg
magical world
another world
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Kalansing ng mga sandata, apoy na rumarampa, halimaw na humihiyaw, mga tagaktak na dugo, kapangyarihang unti-unting nalulusaw sa kadilimang pumupuksa .

Siya ay nakatayo, nakatitig, at masama ang bugso. Isang mabait na nilalang, subalit sa hindi inaasahan, siya ay nagbago, at hindi na makitaan pa ng kabusilakan.

Sa isang maling pili, kinabukasan ng lahat ay nahuli.

Maski siya'y hindi inaasahan, isa lang normal na napunta sa mundong akala niya'y sa libro lang. Sa isang aksidente na naging dahilan upang mapagtanto niya na may mas malupit na mga nilalang pa pala.

Naranasan ang lahat ng paghihirap, maski ang pakikipagsapalaran upang malaman kung ano ang kaniyang kapangyarihan, nagkaroon ng mga kaibigan, at kalaban na hangad ay kasamaan.

Subalit hindi niya inaasahan na kung sino pa ang kaniyang pinagkakatiwalaan, ay siya pang hihila sa kaniya sa madilim na yugto ng kaniyang buhay.

Magawa kaya niya itong mapatawad? O dadalhin niya rin sa magulong tagpo? Kung saan mahahanap pa kaya nito ang daan papunta sa liwanag ng mundo na nagtatago sa madilim na bugso ng damdamin ng isang tao?

chap-preview
Free preview
Light Beneath The Dark 1
Savyrah's POV: "Avy! Nasan ka na bang babae ka? Malapit ng magsimula ang klase mo! Pati ang exam ko mag-i-start na rin. Kaya bilisan mo na!" Rinig kong sigaw ng baritonong boses mula sa labas ng aming bahay. Hindi pa iyon ang pinakamalakas na tono kapag sumisigaw siya. Nasa gitna pa lang. "Nandiyan na! Wait lang! Maaga pa kung sisirain mo lang ang orasan!" Balik ko ring singhal mula sa labas. Nagawa ko pa talagang magloko sa araw na late na talaga kami. Nagtatakbo na ako paibaba sa hagdanan na ito. Nakasalubong ko pa ang butler namin na si Butler Aero pagkababa ko. "Good morning, Princess." "Good morning din, Butler Aero! See you na lang! May hinahabol na oras kami! Bye!" Kumaway pa ako kaniya at muling nagtatakbo para makalabas lang ng bahay pero may napansin akong kakaiba sa mukha nito. 'Para bang nagtataka siya sa ikinikilos ko. Pero baka guni-guni ko lang 'yon.' Ngayon ko lang din naalala na unang pasukan na naman sa Monstreus High. Mga bagong kaeskwela na naman, mga bagong mukha sa loob ng paaralan. At mga bully na gagawin na namang katatawanan ang mga walang kakayahan na subukan silang banatan. Tapos sa huli, sila rin ang magkakatuluyan. May mga kababaihan din na titili at pipili na naman ng bagong crush nila. Laging isisigaw na 'Kuya! Crush ka raw niya!' kahit na siya naman mismo ang may gusto talaga. May mga matataray rin, katulad ni Sarah. Isa sa mga babae na kulang na yata'y patayin ako sa sama ng loob. Sana nga lang din ay hindi ko na siya kaeskwela, dahil nasusura na talaga ako sa pagmumukha ng maldita na puro lang naman paganda. Kahit na wala na siyang ikagaganda pa. Make up lang naman ang nagdala. "Hoy! Ano na namang naiisip mo, mamaya niyan ma–" hindi na niya natapos ang sasabihin sapagkat nangyari na nga ang iniisip niya. "Aray!" Malakas na sigaw ko. Napahawak pa ako sa aking noo at maging ilong nang mapatama ako sa may tiyan nitong magaling kong kuya. Ginalaw-galaw ko pa ang ilong ko upang hindi masira ang pagkakatangos nito. 'Ano bang klase ang mayroon sa tiyan ni Kuya Vain kaya ganon katigas? Ang sakit, huh!' Hanggang sa marinig ko na lang sa bibig niya ang malakas na pagtawa at maging ang paglapat ng kaniyang kaliwang kamay sa aking buhok. Sa aming magkakapatid. Bukod tanging siya lang ang kaliwete. Napanguso na lang ako nang mabilis na iginalaw niya ang kaliwang kamay. Kaya ngayon ay nasira na muli ang maayos kong pagkakasuklay sa aking buhok. Iningat-ingatan ko pa ang buhok ko para lang maging ganito kaganda kahit na may salamin ako, pero nandito naman ang lalaking ito para sirain lang ang style ko. 'Tuknene naman na tao ito! Kung hindi ko lang talaga siya kapatid, kanina ko pa pinatapon sa Mercury, 'e!' Inis na inis na singhal ng isipan ko. "Kuya Vain naman huwag naman kasi 'yung buhok ko. Pwede mo namang sirain na lahat, huwag lang ito. Haist! Ang pangit na tuloy!" Nasusura na turan ko sa harapan niya at gamit ang aking mga daliri ay sinuklay ko ang buhok ko. Hindi naman ito tulad ng iba na mahirap suklayin. Inaalagaan ko talaga para hindi ako mapagalitan ng magaling kong lola. "Asus! Ikaw ba talaga 'yan, Sav? Aba umaasenso na rin ang bunso namin ah!" Singit naman ng kararating lang na si Kuya Veil galing din sa loob ng bahay. "Hey, Bro! Good morning. Sa iyo rin, Sav." " Tsk." Umismid pa ako nang maramdaman na naman ang isang kamay sa aking buhok. Hindi pa nga ako tapos magsuklay, may panibago na namang gugulo. " Galawin mo lang ang buhok, sisipain na talaga kita." May pagbabanta kong singhal sa kakambal ni Kuya Vain. At katulad ng ginawa ni kuya kanina, tumawa rin nang malakas ang mokong. "Takot naman ako! AHAHA! Sumali ka na kasi sa grupo namin. Hindi libro na lang ang inaatupag mo. Pati sila Mommy at Daddy nagkakaroon na ng problema sa iyo." Napasimangot naman ako sa narinig ko. Okay na sana ang lahat, okay ng kami ang nag-aasaran at nag-aawayan. Huwag na huwag lang talaga nila mabanggit-banggit ang tungkol do'n. Bata pa lang talaga ako ay alam ko na kung saan ba ako patutungo. Saka ano bang mapapala ko kung sasali ako? 'Di ba wala? Alam ko naman na iniisip din nila ang kapakanan ko, gusto nila na masigurado na nasa maayos na kalagayan ako. They think that the only way to escape this worries, ay ang isali o isama ako sa mafia world or gangster world. Pero...kapag naiisip ko pa lang 'yon ay nawawalan na ako ng gana pang magpatuloy sa buhay. "Veil huwag mo ng pilitin pa ang kapatid mo sa ganiyang bagay. She already old enough to choose what path she wanna take. Nandito lang tayo para suportahan siya." Pangsasabat naman ni Kuya Vain matapos manahimik ng ilang minuto. Nakasandal siya ngayon sa pintuan ng kotse namin. Habang seryoso ang tingin sa aming dalawa. Napalingon din ako sa kanang direksyon ko. Nakita ko kung paano mag-form ang labi nito hanggang sa tuluyan na siyang mapanguso sa harapan namin. Ngayon ko lang din napansin na katapatan ko ang dalawang matatangkad na lalaki. Puro ang height nila ay nasa '7'2' or '7'. Samantalang ako ay nasa 5'3 lang. Para sa kanila ay sobrang pandak ko raw, kahit na ang totoo ay matataas lang sila. Pero sa likod kung bakit matatangkad 'yan? Dahil laking cherifer ang magkambal. Sa akin lang hindi tumalab. 'Kidding.' "Hey you three!" "Yes! Four?!" Kuya Vain "Five?" Kuya Veil "Eh...Six?" Mabilis na sagot namin sa biglang umeksena sa aming pinag-uusapan. Pero nagtataka ako kung bakit iyon ang naisagot ko. Ngunit ganon na lang ang gulat namin ng makita sa aming harapan ang malamig na malamig na kulay berdeng mga mata habang iniisa-isa kaming lahat. Nakayukom pa ang mga kamao nito na handa na kaming bigwasan nito. 'Err...scary!' Dinig ko pa ang sabay-sabay na paglunok ng dalawa. Samantalang ako ay napapangiwi na lang. "What are you waiting for? Hindi ba ninyo alam na kanina pa kayo late sa klase–" "ANO LATE NA KAMI?!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook