Savyrah's POV:
"ANO LATE NA KAMI?!" Mabilis naman naming sigaw. Hindi na rin namin pinatapos pa si Dad sa kaniyang sasabihin.
Aligaga naming binuksan ang pintuan ng kotse. Si Kuya Veil ay tumakbo pa para lang pumunta sa katabi ni Kuya Veil habang nagsisigawa
"Oh no! Magagalit na naman si bruhilda. Shocks!"
Samantalang ako ay pumasok na sa loob ng back seat at saka sinarado na ito nang tuluyan.
Bago kami umalis ay sabay-sabay pa kaming lumingon sa direksyon ni Dad na nakapikit na. Napasuntok pa ito sa kawalan.
"See you, Dad! Sa susunod na lang ang sermon. Bye!"
"Bye daddy! Sorry po!" Pagpapaumanhin ko at muling bumaling ang tingin sa harapan.
Nagsimula na rin si Kuya Vain na paandarin ang kotse. Nang magawa na niya ay dumiretso na siya palayo sa bahay.
Bago kami makalayo ng tuluyan sa lugar na tinutuluyan namin, ay narinig pa namin ang malakas na singhal nito.
"YOU THREE! LAGOT KAYO SA AKIN PAG-UWI NINYO!"
"Hai–sino ba kasi ang nagpatagal ng usapan? Iyan tuloy dalawa ang manenermon sa akin." Naiinis na sambit ni Kuya Veil. Napasandal pa ito sa headboard habang ang kaniyang kanang kamay ay nakahawak sa may noo niya.
Ang laki talaga ng problema nito. Kahit na hindi ko pa nakikilala ang guro niya na bruhilda. Panigurado ako kung gaano na naman kalala ang sasapitin niya rito.
'Pero ano naman kayang iuutos o ipapagawa ng guro niya sa kaniya?'
"Also me...hindi ko alam kung papasok pa ba ako sa unang klase ko. Alam naman ninyo ang adviser namin, kapag late na bawal ng pumasok. Pero kapag gwapo, ay pwede na pala."
" So, what are you trying to say? Hindi ka gwapo kuya?" Paninigurado ko pa sa kaniya. Napansin ko naman sa peripheral vision ko kung paano mapangiwi ito.
"Don't say that! Kapag sinabihan mo si Vain ng pangit. Parang tinutuon mo na rin sa akin. You know–we're twins, duh!" Napataas ang kaliwang kilay ko sa aking narinig.
Hindi ko alam kung si Kuya Veil ba talaga ang nasa harapan ko o ibang tao. Kailan pa siya nagsasalita ng ganito? Sa pagkakaalam ko, siya 'yung tipo ng maarteng lalaki na hindi gusto ang mga salita na naririnig niya sa kung sinu-sino lang.
"Uhmm..." Parang napansin niya rin na may kakaiba. "I-I mean...haist! What's the big deal of saying that word? Huh?!" Inis na tanong niya sa aming dalawa. Napalingon pa ako kay Kuya Vain na nakataas din pala ang kilay habang nagmamaneho.
"Para kang bakla..."
"Hindi bagay sa iyo, kuya."
Sabay na saad namin sa kaniya. Nakita namin kung paano mas lalong pumakla ang kaniyang mukha. Napayuko na lang ito habang naglalabas ng maraming buntong-hininga.
Napapailing na lang ako sa nakikita ko. Naisipan ko na lang na kunin sa aking skirt ang cellphone ko. Kinapa-kapa ko muna ang loob ng bulsa hanggang sa makuha ko na ang telepono ko.
"May boyfriend ka na ba, Sav?"
"Huh? Pinagsasabi mo kuya? Wala akong boyfriend saka–wait," itinaas ko muna ang kaliwang palad ko para patigilin siya sa kung ano man ang sasabihin niya.
Pinaningkitan ko pa ang itaas ng cellphone ko kung saan makikita ang oras at bar nito. Nagtataka pa akong napalingon sa kanila. Si Kuya Vain din ay napasulyap sa front mirror at muling ibinaling ang tingin sa daan.
"Anong meron? Para kang nakakita ng multo, Avy?" Tanong na lang niya sa akin.
"Kuya Veil tingnan mo nga 'yang phone mo. Baka mali lang talaga orasan ng cellphone ko. Minsan nagloloko rin ito 'e." Paninigurado ko pa rito.
Napakibit-balikat naman niyang ginawa ang inutos ko. Kinuha niya rin ang cellphone niya sa bulsa ng kaniyang pantalon at binuksan na ang power nito.
Naghintay pa kami ng ilang segundo hanggang sa mabuhay na ito. Unti-unting nagbabago ang iritable niyang mukha. Ganon na lang ang gulat namin sa biglang pagsigaw niya.
"HOLY SH*T! 6:30 AM PA LANG!"
Heiron Alklein's POV:
"Hon, ano 'yung narinig ko mula sa labas? Bakit galit na galit ka?" Biglang sulpot ng asawa ko galing sa loob ng kusina.
Pangiti-ngiti lang ako habang umiiling. Umupo ako sa may sofa at nagpalabas ng malakas na buntong-hininga.
Kapag naalala ko ang reaksyon ng mga anak ko ay natatawa na lang ako sa aking sarili. Akala talaga nila late na sila.
Saka kilala ko na ang mga ito, hindi sila bumubukas ng cellphone kapag umaga. Diretso sila sa C.R. para gawin ang morning ritual nila at saka ilalagay sa bulsa ang cellphone.
Nasanay na sila na palaging tinitignan ang oras sa alarm clock o wall clock na nakalagay sa sulok ng bahay na ito.
Kaya nagawa ko silang linlangin para hindi na sila laging huli sa unang araw nila. Patapos na sila sa kanilang pag-aaral. Si Savyrah ay nasa grade 12 na, samantalang ang dalawa kong panganay ay nasa 4th year college na.
'I'm the best dad.'
"Nothing, just a plan to wake them up." Tanging naisagot ko naman sa asawa ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang katakhan sa kaniyang mga mata.
"Sir Heiron naibalik na po namin sa tamang oras ang mga orasan. May kailangan pa po ba kaming gawin?" Bigla akong napalingon sa likuran ng asawa ko.
Nakita ko si Yaya Abel at ang iba pang mga katulong sa likuran. Pailing-iling na lang ako at tinuro ang daan sa kusina. Naintindihan naman nila ang pinupunto ko kaya nagmadali na silang naglakad para pumunta roon.
Nang mapansin ko ng wala na sila ay muli kong iniharap ang asawa ko na naka-cross arm na habang nakataas ang kilay.
"What?" May halong pagtataka na tanong ko sa kaniya.
"Anong what! What ka r'yan. Pinagtripan mo na naman ang mga anak mo. Hay naku! Alam ko na kung kanino nagmana si Veil, mag-ama talaga kayo. Hmmp!"
" Akala mo hindi rin sa kaniya nagmana. Kanino rin ba magmamana ang maarteng 'yon. Lahat na lang ng kinaaayawan niya, itatapon niya sa basurahan. Naaalala ko pa–"
" Oo na oo na! Huwag mo ng ulitin pa!" Pagpapatigil niya sa akin na nagsasalita.
Napangisi na lang ako at ginawa na lang ang sinabi niya. Pero nawala iyon ng may maalala kaming dalawa.
Isang problema na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nareresolba.
"How about our daughter? She's 20 already, she need to take my throne as a Mafia Queen."
" We can't."
" Huh? What did you mean about 'We cant.' thingy?"
" Sir, may naghahanap po sa inyo sa labas." Singit ni Butler Aero sa aming pinag-uusapan.
'You're my savior, Butler Aero. Hindi pa ito ang tamang oras para pag-usapan ang tungkol kay Savyrah.'
"I need to go now, Honey. Panigurado na si Daen na iyon. See you." Tumayo na ako sa aking pagkakaupo at naglakad palapit sa direksyon niya.
Bago ako umalis ay ginawaran ko muna siya ng halik sa may pisngi niya. Halata pa rin sa kaniya ang pagkalito, subalit hindi na lang ako nagsalita pa. Matapos kong gawin iyon ay naglakad na ako ng tuluyan para makalayo sa kaniya.
'I'm sorry.'